"So this is the Rules and Regulations," sabi ni Ms. Chi habang iniabot sa'kin ang isang folder.
"By the way, susunduin ka dito mamaya ng roommate mo," dagdag niya.
"After mong basahin 'yan, pirmahan mo tapos iwan mo na lang sa table ko. And oh, yung uniform mo nga pala... bukas ang schedule ng sukat, so maybe by next week naka-uniform ka na. For now, civilian attire muna," huling bilin niya bago siya tuluyang lumabas ng office.
Binuksan ko ang folder at unti-unting binasa ang laman:
Rule #1: You can have a fight with anyone but be ready to face the consequences.
Rule #2: Cellphones and gadgets are allowed, but you need to surrender your phone. The Administration will provide the gadgets you need.
Rule #3: Every last month of the 12 months is Freedom Day. You can go anywhere, anytime, free all day and night.
Rule #4: Fraternities are legal.
Rule #5: Boyfriends and Girlfriends are allowed. No PDA during class and public walkways.
Rule #6: This is the last and most important rule—Don't spread the meaning of H.M. and never tell anyone from the outside world what's happening inside this school.
Reminder: This is HM ACADEMY - where your bloodline writes your destiny.
Pagkabasa ko ng lahat, literal akong napailing. Seriously? Frats are legal but telling the truth isn't?
Wala na rin akong nagawa kundi pirmahan ang papel at iniwan ito sa desk. Welcome to the prison, Winx. I don't do crime, but take a look at the consequences. Para kaming prisoners dito, pero nakangiti habang nakatali.
Lumabas ako ng opisina, at habang inaayos ang buhok ko, bigla akong natigilan.
May paparating. Isang lalaki. Pamilyar.
"You," sabay naming sabi habang nagkatinginan kami.
Siya. Si Blake Sperbund.
Yung lalaking halos isang taon ko nang kachat. Yung gabi-gabi kong ka-video call. Yung taong kahit hindi ko pa nakikita in person, pinapabilis ang tibok ng puso ko.
"Ahm, hi," utal niyang bati, halatang gulat na gulat.
"Hello... dito ka pala nag-aaral? So ito pala yung school na tinutukoy mo? Kaya pala bihira ka na magkwento at mag-update. Naiintindihan na kita ngayon," sagot ko, pilit iniwasan ang awkwardness. Pero deep inside, ang daming butterflies sa tiyan ko.
Bigla siyang yumuko. Napansin kong parang napahiya siya.
"S-So... ikaw? Ba't ka nagenroll dito?" tanong niya habang kinakamot ang batok.
"'Curiosity.' Yung ate ko kasi gustong malaman ang meaning ng H.M., kaya ayun, bigla na lang ako in-enroll. Wala man lang tanong-tanong. Parang surprise gift, pero... cursed version," sagot ko, medyo sarcastic.
Napansin ko na naglalakad na pala kami palabas ng admin building. Tuloy-tuloy lang siya, habang ako, nilalaro ang mga daliri ko. Hindi ko alam kung masaya ba 'ko o kinakabahan.
"San pala tayo pupunta?" tanong ko, breaking the silence.
"Roommate tayo. Bukas na lang kita igagala after class. For now, pahinga ka muna," sagot niya habang pinipilit ngumiti.
Wait... did he say roommate?
Pagdating namin sa isang dormitory building, inakyat namin ang hagdan. Second floor lang. Simple lang yung hallway pero sobrang tahimik. Parang lahat ng tao dito may sikreto.
Pagbukas ng pinto sa dulo ng hall, halos lumaki ang mata ko. Iisa lang ang kama. Okay, may couch naman pero clearly, this room wasn't prepared for two.
Pagpasok ko, nagulat ako lalo.
May pictures.
Pictures ko.
Pictures niya.
Pictures naming dalawa.
Mga screenshot habang nagvi-video call kami. Mga stolen photos na galing sa IG stories ko. Pati yung tawa ko habang may kinakain. Lahat nando'n. Creepy? No. Sweet? Maybe. Awkward? For sure.
"Uhm... sorry," sabi niya, medyo nahihiyang nagsalita. "Di kasi kita in-expect na magiging roommate. Kanina lang sinabi ni Ms. Chi, tapos... ayun, di ko na nalinis. Nakalimutan ko rin burahin 'yang mga photos. Ginawa ko lang yan nung... na-miss kita."
Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa awkwardness o matatawa.
"Okay lang," mahina kong sagot, pilit na ngumingiti. Tumakbo agad ako sa kama at humiga. Myghad, ang sakit ng ulo ko today.
"Lalabas muna ako. Bibilhan kita ng food," bigla niyang sabi habang kinuha ang wallet niya.
Pero pinigilan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya bago siya makalabas ng pinto.
"Stay. Please," sabi ko.
Nagulat siya. "Gusto mong... ako na lang magluto?"
Umiling ako. "Hindi. Gusto ko lang may kausap. Just for now."
Tumango siya. Umupo sa couch at pinanood lang akong nakahiga.
Tahimik lang kami for a few minutes.
"Hindi ako makapaniwalang ikaw yung roommate ko," bulong ko.
"Me too," sagot niya. "Parang... meant to be?"
Napatawa ako. "Or baka... meant to be trapped together."
Tumawa rin siya. "Sabay natin haharapin 'to, Winx."
And for the first time since I stepped inside H.M. Academy, I felt a little safe.
YOU ARE READING
H.M. Academy
General FictionHow far would you go to uncover the truth-if the truth could destroy everything you've ever known? Winx grew up believing she was just another student at the prestigious HM Academy, an elite institution known for its discipline, excellence, and myst...
