Zeus
Kahit ilang taon na ang lumipas, kahit ilang gabi na ang iniyak ko, hindi pa rin nawawala ang takot ko — ang takot na mawala si Winx. Siya nalang ang natitirang alaala ni Gwen.
Ang tanging pagkakamali ko lang ay hindi ko agad inamin sa kanya ang lahat. Na hindi siya tunay na anak ni Hestia, na magkaiba sila ng ina ni Estelle. Na siya ay bunga ng pagmamahal — at kasalanan — ko kay Gwen, ang babaeng pinili kong mahalin kahit bawal.
Naglalakad ako ngayon sa private study ko sa likod ng ancestral mansion ng Agostin Family. Nakatingin ako sa lumang portrait ni Gwen — nakangiti siya, hawak-hawak ang maliit na si Winx noong baby pa. Hindi ko alam kung bakit, pero tuwing tinitingnan ko ang larawang 'yon, parang kinakausap ako ni Gwen.
"Protektahan mo siya," yun ang parang sinasabi ng mga mata niya.
"Sinusubukan ko," mahina kong bulong.
Pero hindi madali.
Nang malaman ni Arthur James ang tungkol sa amin ni Gwen, galit na galit siya. Hindi ko inakalang kaya niyang gawin 'yon sa sarili niyang asawa. Mula noon, itinago ni Gwen si Winx, at tuluyan na kaming naputol. Hanggang sa isang araw, natanggap ko nalang ang balitang patay na siya. At walang ibang may sala kundi si Arthur.
Simula noon, ipinangako ko sa sarili ko — hindi mauulit ang pagkakamaling iyon. Hindi ko hahayaang mawala si Winx sa akin.
Pero ngayon, mas lalo akong nag-aalala. Dahil alam ko na — si Arthur ay buhay pa rin, at ngayon ay bumabalik bilang si Uncle Mark, isang anino ng nakaraan na handang sirain ang lahat.
That's why I made a plan. Lahat ng galaw ni Winx ay minomonitor. Lahat ng taong lumalapit sa kanya ay sinusuri. Lahat ng impormasyon na pwedeng makasira sa kanya ay sinasala.
Kasama doon si Blake.
Blake Sperbund. Ang pinagkakatiwalaan kong tagapagmana sa kabilang sangay ng pamilya. Ang anak ng kapatid ko. At ang taong, kahit ayokong aminin, masyadong nalalapit na kay Winx.
Kaya nga tumawag ako.
"Hello?"
"How is she?" tanong ko agad.
"She's fine," mabilis niyang sagot.
"Good. Everything is now planned, so please take care of her... and DON'T FALL IN LOVE WITH MY DAUGHTER FOR PETE'S SAKE, MAG-PINSAN KAYO."
Tahimik si Blake sa kabilang linya. Alam kong na-offend ko siya. Pero hindi ako pwedeng magpaka-sentimental ngayon. Delikado.
Dapat matuloy ang plano ko — Winx will be engaged to Hans Montgomery, heir ng business ally namin sa Europe. Sa anniversary ng Agostin Conglomerate ko 'yon iaanunsyo. Lahat ay naka-orchestrate.
"Don't worry, Uncle. Everything is under control," sagot ni Blake sa wakas.
"Good. I trust you."
Pero pagkatapos no'n, may binanggit siya na mas ikinagulat ko.
"But... Uncle Mark is back. He wants revenge."
Biglang nanlamig ang katawan ko.
"Don't worry. I will handle it," sagot ko, bagamat ramdam kong bumilis ang tibok ng puso ko. "Pero pasugurin niyo muna siya ng isang beses. Para maniwala si Winx. Understand?"
"Yes, Uncle. Pero... you didn't tell me. Marunong pala sa lahat si Winx?"
Napangiti ako ng konti. "Yes. She's better than you. Don't underestimate her. Since she was ten years old, she already knew how to use a gun."
"Roger that."
Pagkababa ng tawag, sumandal ako sa leather chair sa harap ng malaking salamin. Malalim ang buntong hininga ko.
Lahat ay nakasalalay ngayon. Ang kinabukasan ng pamilya namin. Ang kaligtasan ni Winx. At ang pagbangon ng Agostin sa gitna ng panganib na muling bumabalik.
Mabilis akong nag-type ng text kay Estelle:
"Go to Academy tomorrow and visit Wendy."
Maya-maya, nag-reply siya:
"Daddy, Winx had a sick day, pero sabi ni Blake fever lang daw. She's fine now."
Agad ko siyang tinawagan.
"Oh really? Bakit hindi sinabi ni Blake 'yan sakin?"
"Maybe because... he doesn't want to bother you," sagot ni Estelle.
Napapikit ako. Si Blake talaga. Overprotective. Ayaw paistorbo.
"Okay. I'll talk to him after. But stick to the plan, okay?"
"Yes, Daddy."
Pagkababa ng tawag, bumaling ako sa lumang drawer at binuksan ito. Kinuha ko ang isang sealed envelope.
To Winx Esther Agostin – Open Only When I'm Gone.
Muli ko itong tinitigan.
Hindi ko alam kung kailan ang tamang panahon. Pero isang araw, malalaman din niya ang lahat. Tungkol sa ina niya. Sa kapatid niya. Sa pagkakapatay ni Arthur. Sa tunay niyang pagkatao.
At sa oras na 'yon — hindi na siya magiging si Winx lang.
Magiging "Sirena", ang babaeng magpapabago sa mundo ng mga Mafia.
YOU ARE READING
H.M. Academy
General FictionHow far would you go to uncover the truth-if the truth could destroy everything you've ever known? Winx grew up believing she was just another student at the prestigious HM Academy, an elite institution known for its discipline, excellence, and myst...
