Chapter 37

1.4K 72 0
                                        

WINX POV

Pagkatapos ng gabing iyon, parang binasag yung buong mundo ko. Hindi ko alam kung yung luha ba na tumulo sa cheeks ko ay dahil sa galit, sa sakit, o sa paglimos ng sarili kong respeto.

Pero isang bagay ang sigurado ako—

Tapos na kami ni Blake.

Hindi ko na siya kayang mahalin. Hindi na ako babalik sa isang lalaking ginawang laruan ang puso ko.

Habang nasa loob ako ng car papunta sa mansion nila Hans, may tumunog na alert sa private tablet ko.

ARMAERA FILES: MOVEMENT DETECTED.

Napatingin ako kay Hans. Tahimik lang siya, pero ramdam ko na may alam siya.

"Sweetie, may kailangan akong sabihin sayo." sabi niya habang humigpit ang hawak niya sa manibela.

"Tungkol saan?" malamig kong sagot.

"Tungkol kay Uncle Zeus. At sa totoo mong bloodline."

BLAKE POV

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi.

Parang wala na akong pakiramdam. Walang emosyon. Wala na rin siguro akong karapatang umiyak pa.

Kasama ko si Felicity sa loob ng car, pero hindi ko siya matingnan. Hindi ko siya mahal. Never ko siyang minahal. Pinatulan ko lang siya dahil akala ko, wala nang patutunguhan ang relasyon namin ni Winx noon.

Pero ang totoo?

Mahal ko si Winx. Kahit mali. Kahit bawal.

"Blake, you have to let her go." bulong ni Felicity.

"Alam mo ba kung gaano kasakit 'to? Yung iniwan mo akong humawak sa kasinungalingan, tapos ginulo mo lahat."

"I know, and I'm sorry. Pero hindi na natin mababalik 'yon. Let her be happy."

Pero habang sinasabi niya yun, may isang kotse ang huminto sa harap namin. Itim. Tinted. Wala kaming makita.

"Felicity... may humarang sa atin."

Biglang may lumapit na lalaki. May suot na black mask, tactical gear. Armed.

BANG!

Pumutok ang side mirror. Tumili si Felicity. Hinila ko siya pababa ng kotse.

"Get down! GET DOWN!"

Sinubukan kong abutin ang glove compartment. Buti na lang may baril ako doon. Pero bago pa ako makalaban, may sumabog sa likod ng sasakyan.

BOOM!

WINX POV

"Zeus Agostin is not your real father."

Tumigil ang oras ko sa sinabi ni Hans.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Winx, ARMAERA has been watching your family for years. Hindi mo alam, pero ikaw ang susi. Hindi lang dahil anak ka ni Zeus... kundi dahil ikaw ang tunay na tagapagmana ng B.L.O.O.D."

"Bloodline Operations of Obscured Dominance." dugtong niya.

"Ang pamilya mo... sila ang isa sa mga orihinal na founders ng ARMAERA."

Napalunok ako.

Hindi totoo 'to. Hindi ako kabilang sa kanila. Hindi ako isa sa kanila.

Pero pinakita niya sa akin ang isang luma, nasunog na dokumento—ang seal ng ARMAERA.

At ang pangalan ko... nandun.

WENDY INN NATALIE XYVER AGOSTIN – Level Alpha-Bloodmark.

"May naghahanap sayo, Winx. Hindi lang dahil sa posisyon mo sa OilArch... kundi dahil sa dugo mong dalisay."

Bigla kaming tinawagan ng isa sa mga tauhan ni Hans.

"Sir! May ambush po sa route nina Blake Sperbund. Pa-confirm kung related ito sa intercept code na nilabas ng Lazarus Faction."

Napatayo ako.

"We need to go there. Blake's in danger."

BLAKE POV

Duguan na ang kaliwang braso ko. May tama ako ng bala. Pero si Felicity... mas malala.

"Blake... tulungan mo ko..." mahina niyang sabi habang pinipigilan ang dugo sa tagiliran niya.

"Stay with me, okay? Don't close your eyes." napaluhod ako sa tabi niya.

Pero napatingala ako nang may humakbang papunta sa amin.

Isang lalaking naka-black tactical uniform. May patch sa braso na hindi ko alam pero parang may letrang Λ sa logo.

"Target locked. Retrieve only the girl. Terminate the boy." sabi niya sa radio.

Shit. Ako ang target nila?

WINX POV

Pagkarating namin, puro smoke na ang paligid. Nakita ko agad ang kotse ni Blake. Wala nang windshield. May mga tama ng bala sa gilid. Duguan ang paligid.

"Sweetie, may sniper. Atras ka!" sigaw ni Hans.

Hindi ko siya pinakinggan. Tumakbo ako papasok sa usok, sumigaw—

"BLAKE!!"

May narinig akong impit na daing sa gilid.

Nakita ko siya. Si Blake. Duguan. May hawak na baril. Si Felicity nakahandusay, wala nang malay.

"W-Winx... bakit ka andito?"

"Huwag ka na magsalita. Hindi pa to tapos. Hindi pa kita hahayaang mamatay."

Lumuhod ako sa tabi niya. Pero bago ko siya maiangat, may narinig kaming tunog.

Click.

Tinutukan kami ng baril ng isang masked agent.

"Too late."

BANG!

Pero hindi ako ang tinamaan.

Tumumba ang agent. Tinamaan sa ulo.

Paglingon ko—

Si Hans.

"Walang gagalaw sa fiancée ko."

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now