Winx's POV
"No! Hindi magagawa 'yan ni Daddy..." bulong ko habang nanginginig ang katawan ko. Puno ng kaba at pag-aalinlangan ang puso ko.
"Nagawa na niya," sagot ni Ants, malamig ang boses. "So I guess this is it. You only have sixty seconds... brace yourself."
Hindi, hindi maaari. Kilala ko si Daddy. Alam kong hindi niya 'to kayang gawin. Hindi siya ganyan.
Pero nasa harap ko ang baril. Nakatutok sa akin. Ang hintuturo ni Arthur, halos kalahating pulgada na lang sa gatilyo.
Hanggang sa... bigla siyang bumagsak. Nawalan siya ng malay sa harap ko.
"Winx! Tara na!" sigaw ni Ants habang nilalapit ang sarili sa akin. Kinalagan niya ang mga tali ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala. "Ants, bakit mo ako niligtas?"
"Because I realized... you're my step-sister," mahinang sagot niya. "Tara na. May tinanim akong bomba dito. We have to get out. Silent escape para hindi tayo mahalata ng tauhan ni Daddy."
Naghawakan kami ng kamay. Ramdam ko ang panginginig niya pero mas ramdam ko ang katotohanang muntik na kaming mawala... ako at ang anak ko.
"Thank you," bulong ko habang tumango lang siya.
Dahan-dahan kaming lumabas ng basement chamber. Nasa dilim kami pero sa bawat hakbang, mas gumagaan ang pakiramdam ko.
Hanggang sa... klang! Natapakan ko ang isang yero sa sahig.
Napamura si Ants sa bulong. "Shhh! Huwag ka masyadong..."
"Sinong tao diyan?" sigaw ng isa sa mga bantay.
Napahawak ako sa tiyan ko sa kaba. Ramdam ko ang tibok ng puso ko sa lalamunan.
"Sinong tao diyan sabi!" mas malakas na ulit.
Biglang lumitaw si Ants mula sa dilim.
"Me," casual niyang sagot. "Nalaglag ko yung pakaw ng earrings ko. Ayan oh."
Tumitig ang tauhan sa kanya. "Ah, sorry po ma'am. Akala ko kung sino na."
"Okay lang. Pero pinapatawag kayo ni Daddy sa conference room. Pinapahanda niya na yata 'yung katawan ng babae," sabi ni Ants habang pinapanatiling steady ang tono ng boses.
"Copy po, ma'am." Tumalikod agad ang bantay at lumayo.
Pagkaalis ng bantay, biglang may kamay na humawak sa braso ko.
"Winx," sabi ng pamilyar na tinig.
Paglingon ko, si Blake!
Hinila niya ako palayo kay Ants.
"Lumayo ka sa kanya. She's a traitor," galit na bulong niya.
"Blake? What are you doing here?" gulat kong tanong.
"To save my family," sagot niya, titig na titig sa akin.
"Wait... alam mo na?"
Tumango siya. "Yes. At gagawin ko ang lahat para mailigtas ka... at ang anak natin."
Ni yakap niya ako ng mahigpit. At sa gitna ng kaguluhan, sa gitna ng sunod-sunod na pagtataksil... sandali akong tumahan.
"Ehem," sabat ni Ants. "We need to get out of here. May bomba akong tinanim dito sa building na 'to. Delikado kung..."
Hindi pa niya natatapos ang sasabihin, tinutukan siya ng baril ni Blake.
"Blake, no! She saved me from Arthur. Patay na sana kami kung hindi niya ako niligtas," sabat ko agad.
Dahan-dahan niyang binaba ang baril niya. "Sorry... instinct."
"Who's with you?" tanong ko.
"With all the gang. And your dad."
"What?! Nasaan si Dad?!"
Nag-activate si Blake ng maliit na comms sa tenga niya.
"David, I found Winx. Magkasama na kami dito sa ground floor. Kasama niya si Ants. Nasaan na kayo?"
May boses na sumagot mula sa kabilang linya. "Papunta na ang team. Si Uncle Zeus, nakasalubong na namin si Arthur. May tensyon. Medyo delikado."
"What?!"
Napaluhod ako sandali. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Galit? Takot? Lungkot?
"Winx... I'm sorry," sabi ni Ants. "Kasama mo na si Blake. Safe ka na. Pero I need to protect Daddy. Ayokong mawalan ng isa pang magulang."
"Wait!" sigaw ko. "Ants, sasama ako. I want to know the truth."
"What?! No way. Winx, don't take the risk," pigil ni Blake.
Pero tiningnan ko siya sa mata.
"Okay, fine. I'll go with you," pagsuko niya.
Third Person POV
Habang tumatakbo ang tatlo papunta sa direksyon ng conference room, nakasalubong nila sina Hans at Estelle. May dugo sa damit ni Hans pero nakatayo pa rin.
"Nasaan na si Zeus?" tanong ni Blake.
"Kasama na si Arthur sa loob. Pero may mga nakakalat pa ring bantay. Lahat alerto. At alam na nila na nawawala si Winx," sabi ni Estelle habang pinipindot ang tablet na naka-sync sa building map.
"Kailangan nating mauna," utos ni Blake.
Conference Room – Zeus POV
"Nagkamali ka ng nilabanan, Arthur," sabi ko habang hawak ang baril, nakatutok sa lalaking ilang beses akong nilason ng galit.
"Mali? O naunahan lang kita? Ikaw ang dahilan ng lahat ng to. Tinanggal mo ako sa sarili kong buhay," sagot ni Arthur habang umiikot sa mesa.
"Hindi kita sinira. Sinira mo ang sarili mo. Pinili mo ang galit kaysa sa katotohanan."
Tumawa siya. "Katotohanan? Gusto mo ng katotohanan? Sige. Sasabihin ko sa harap ng anak ko ang lahat."
Door bursts open.
"DADDY!" sigaw ni Ants. Kasunod niya sina Blake at ako.
"WINX?!" sigaw ni Zeus. Tumakbo siya papalapit.
"Anak! Are you okay?" yakap niya ako agad.
Pero humiwalay ako. Tumitig ako kay Arthur.
"Ako ba talaga ang anak mo?" tanong ko.
Nagkatinginan silang dalawa.
"At kung oo... bakit mo ko ginanito?"
Tahimik si Arthur. Nanginginig. Hanggang sa biglang...
BOOOOM!
Yumanig ang buong gusali. Isa sa mga explosive na tinanim ni Ants ang sumabog.
Nagtilian ang mga bantay. Napatumba kami sa sahig.
Blake's POV
"EVERYBODY OUT! NOW!" sigaw ko.
"Winx! Ants! Get to the chopper! May second wave 'to!" sigaw ni Hans.
Hawak-kamay kami ni Winx habang lumalabas ng gusali. Nakita ko sa gilid ng mata ko si Zeus na inakay si Ants. Si Arthur, naiwan sa loob. Pero bigla siyang sumigaw.
"WINX! ANAK KO—!"
Another explosion.
And everything went black.
YOU ARE READING
H.M. Academy
General FictionHow far would you go to uncover the truth-if the truth could destroy everything you've ever known? Winx grew up believing she was just another student at the prestigious HM Academy, an elite institution known for its discipline, excellence, and myst...
