Prologue

8.2K 193 4
                                        

Umupo ako sa harap ng vanity table ko, suot ang malambot kong silk na pajama habang dahan-dahang sinusuklay ang mahabang buhok na basa pa mula sa shower. Tahimik ang paligid, tanging humahampas na hangin mula sa bukas na bintana at ang mahinang tunog ng soft jazz music mula sa speaker ang naririnig.

Habang abala ako sa pagsisipilyo ng buhok, biglang nag-vibrate ang phone ko sa ibabaw ng vanity.

Napatingin ako. Si Kyle.

"Babe, where you at?" basa ko sa message niya.

Agad akong nag-reply.
"My room."
Sabay balik sa pagsuklay ng buhok, pinapabayaan ang stress ng buong araw na unti-unting kumalma sa bawat hagod ng suklay.

Muling nag-notify ang phone.
"Busy?"

Ngumiti ako. Kahit ilang oras na lang bago mag-midnight, si Kyle pa rin ang nagpapagaan ng gabi ko.
"Nope, why?" sagot ko.

Halos ilang segundo lang, may dumating ulit na mensahe.
"Can I call? FaceTime?"

Napangiti ako. Wala naman akong dahilan para tumanggi, kaya agad akong nag-reply ng,
"Sure."

Ilang segundo lang, tumunog ang FaceTime call. Inayos ko ang phone at isinandal ito sa vanity mirror habang abala pa rin ako sa night skincare routine ko.

Pagkabukas ng screen, bumungad agad ang pamilyar niyang mukha. Nakadapa siya sa kama, nakangiti at walang suot na pang-itaas. Kita ang defined niyang shoulders at likas na kakisigan na kahit ilang buwan ko nang hindi nakikita in person, kabisado ko pa rin.

"Hey babe," bungad niya, sabay ngiti.

"Uy, ikaw na naman ang mang-aagaw ng tulog ko," pabirong sagot ko habang nagpahid ng toner sa mukha.

"Hindi ko matiis. I just needed to see the goddess of my evenings," sabay kindat.

"Nambobola ka na naman," natatawa kong sagot.

Tinitigan niya ako sa screen na para bang hindi siya nagsasawang pagmasdan ang bawat galaw ko.

"Hey, balita ko ah... you've been working hard lately," dagdag ko habang sinasampal ng kaunti ang pisngi ko matapos maglagay ng moisturizer.

"Syempre, para sa future natin," sagot niya, seryoso pero may ngiting nakakakilig.

Napatingin ako ng mabuti sa paligid niya sa screen. May kung anong pamilyar sa likod niya. Ang headboard ng kama, ang pintura ng dingding, at ang kurtina sa may bintana.

"Teka..." kunot-noo kong tanong, "di ba nasa States ka pa? Bakit parang... parang pamilyar yang kwarto mo?"

Ngumiti siya. Yung tipong ngiti na parang may itinatago.

"Guess what?" aniya habang kinagat ang labi niya. Napatigil ako sa ginagawa ko. Hawak ko pa ang serum, pero bigla na lang akong napatitig sa kanya nang seryoso.

"OMG... nakauwi ka na?" halos sumigaw kong tanong, hindi makapaniwala.

Tumango siya. Mabagal. Sabay kindat.

"OH MY GOD, Kyle!" tumili ako, halos matumba ang phone sa sobrang tuwa. "Bakit hindi mo sinabi? Sana sinundo kita sa airport!"

"Babe, kararating ko lang. Ayoko namang istorbohin ka. Gusto ko sanang surprise. Pero hindi ko na matiis, kailangan kitang makita kahit sa video lang muna," paliwanag niya.

Tumayo siya mula sa pagkakadapa, at kitang-kita ko na nasa mismong kwarto niya siya dito sa Pilipinas. Sa wakas, matapos ang halos anim na buwang LDR, nandito na ulit siya. Umuwi siya. Para sa amin.

"Let's go out tomorrow. Just the two of us. I missed you badly, babe," sabi niya, kitang-kita sa mata niya ang pananabik.

Nakangiti akong tumango. Hindi ko mapigilan ang kilig at excitement sa dibdib ko. "Sige. Bawi tayo bukas. Miss na miss na rin kita."

"Tulog ka na, babe. We have a long day ahead tomorrow," aniya.

Tumango ako ulit. "I love you so much. Goodnight, babe."

"Goodnight. I love you too. Sweet dreams," sagot niya.

Pinatay niya ang tawag. Tahimik ulit ang kwarto, pero ang puso ko, parang nagpa-party. Hindi ko maipaliwanag ang saya.

Tinapos ko na ang skincare routine ko. Pinunasan ko ang vanity table, isinara ang mga bote ng mga produkto, at inayos ang sarili ko para matulog. Humiga ako sa kama, at niyakap ang unan nang mahigpit, ini-imagine na yakap ko na rin si Kyle.

Isinara ko ang ilaw. Ngunit sa dilim, ngiti pa rin ang laman ng mukha ko. Ang puso ko, punong-puno ng pasasalamat at excitement. Bukas ay makikita ko na siya, mayayakap ko na ang taong mahal ko, at mararamdaman ko ulit ang presensya niya hindi lang sa screen, kundi sa tunay na buhay.

At habang pinipikit ko na ang mga mata ko, isa lang ang nasambit ko sa sarili ko.

"Goodnight, love. Salamat sa pagbabalik."

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now