Chapter 5

3.1K 133 1
                                        

"Sabay na tayong pumasok bukas?" tanong ni Blake habang patuloy kaming kumakain sa maliit naming mesa sa dorm.

"Sige. Room 4A ako. San ba 'yon? Yun kasi yung room na nakalagay sa paper na binigay sakin ni Ms. Chi," sagot ko sakaniya habang sinusulyapan ko siya.

"Ah, classmate pala tayo," sagot niya na may kaunting ngiti. Parang may tinatago.

"Talaga? Sabay na talaga tayo pumasok. Tsaka nga pala, ilibot mo ko bukas dito ha?" nakangiting sabi ko sakaniya.

"Sure. Yun naman talaga balak ko eh," sabi niya sabay subo ng pagkain. Napangiti ako sakaniya. Hindi ko alam kung anong meron sa atmosphere ng sandaling 'yon—awkward pero masaya, parang safe pero may kilig.

Habang tuloy ang pagkain, biglang nag-ring ang phone niya. Agad niya itong sinagot.

"I'm in the dorm. Why?" seryoso niyang sabi.

"She's with me. I can't leave her alone here," dagdag niya.

Napatigil ako sa pagsubo. Obvious namang ako 'yung tinutukoy niya. Medyo kinilig ako nang bahagya. Hindi ko lang pinahalata.

"Ok. After we eat, we will go there," tapos ay binaba niya ang tawag.

"Can you come with me later after we eat?" tanong niya sakin habang tinitigan ako sa mata.

"Sure," sagot ko agad.

"Please do me a favor... pwedeng 'wag kang lalayo sakin. I mean, mag-promise ka na sa likod lang kita palagi," seryoso niyang sabi.

"Why?" tanong ko, halatang nagulat sa bigat ng tono niya.

"Diba nabanggit ko si Mark sayo before? Andito kasi siya. He wants revenge. Natalo namin sila last time. Delikado pag mag-isa ka. Hindi kita pwedeng iwan dito."

Napalunok ako. "Ok... but promise me you'll be safe," sabi ko sakaniya, halatang nag-aalala. Binilisan ko pa ang pagkain ko.

Maya-maya, tumayo siya. Akala ko aalis na siya pero bigla siyang lumapit sa likod ko—at niyakap ako. Hindi mahigpit, pero sapat para maramdaman kong totoo ito.

Parang bumagal ang lahat. Parang may sumayaw sa loob ng tiyan ko at tinambol ang puso ko ng todo.

"For you, I will be safe. Hinding hindi kita hahayaan na galawin nila," bulong niya. Pagkatapos, binitawan niya ako at pumasok sa kwarto para magbihis.

Napaupo ako saglit. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

Am I doing the right thing? Nakikipag-close ako sa taong isang taon ko lang nakausap online, tapos ngayon, ganito na kami ka-intimate? Pero bakit parang walang mali? Bakit parang mas kampante pa ako sa kanya kaysa sa mga taong kilala ko nang matagal?

Naalala ko tuloy yung mga sinasabi ng mga kaklase ko noon—na gawa-gawa ko lang daw ang "boyfriend" kong si Blake. Na wala raw akong ka-VC, na walang lalaki ang kayang magmahal ng seryoso online.

Pero heto kami ngayon. Magkahawak kamay habang bumababa ng dorm.

"Lalabas tayo," sabi niya.

"Hindi ba tayo pagagalitan?" tanong ko, medyo kinakabahan.

"I'm the boss, and you're my queen. No one's gonna touch you here," sagot niya. At heto nanaman ako, hindi mapaliwanag ang tibok ng puso ko. Parang may sariling buhay.

Nang makarating kami sa likod ng school, biglang may sumigaw.

"Blake, dito!" sigaw ng isang lalaki.

Agad kaming tumakbo papunta sa itim na SUV na nakaparada malapit sa puno. Pagkapasok namin sa loob, agad akong tinanong ng lalaki sa front seat.

"Are you alright?" sabay punas ng panyo sa pawis ko. Napatingin ako sa kanya.

"Yes, thank you," sagot ko habang pinapahinga ang sarili.

"Ang ganda pala niya sa personal, Blake," sabi nung lalaki sa tabi ng driver, nakangisi habang sinisiko si Blake.

"Shut up, Kid," seryosong sagot ni Blake at binigyan ng matalim na tingin si Kid.

"Chill, bro. Baka naman gusto mo kaming ipakilala," sabat naman nung nagda-drive.

Napangiti ako. "Hello, I'm Winx. Nice to meet both of you," sabay extend ng kamay ko.

Pero bago pa man nila mahawakan, hinablot ni Blake ang kamay ko at inakbayan ako.

"Mine," bulong niya habang tumatawa. Tumingin ako sa kanya, medyo naiilang pero... kilig na kilig.

"Nice one, lover boy," biro ni Ronnie na siyang nagda-drive.

"Witwew!" sigaw naman ni Kid.

Napailing si Blake habang sinisiko ang dalawa.

"Ayoko lang na mahawakan ka ng kahit sino," bulong niya sakin habang nakasiksik ako sa kanya sa likod ng sasakyan.

Hindi ko alam kung saan ito patutungo. Pero isang bagay lang ang malinaw—

I feel protected.

At kung ito ang Mafia life... then maybe, just maybe, I'm not just here to survive. I'm here to rewrite the rules.

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now