Chapter 29

1.5K 71 0
                                        


WINX'S POV

Di ko namalayan ang oras. Gabi na pala. Masyado akong nalibang sa bahay nina Hans, sa mga kwento, tawanan, at mga plano namin sa hinaharap. Parang isang saglit lang, pero halos kalahating araw na pala ang lumipas.

"Sweetheart, bukas nalang kita sunduin dito. Let's have our first date bilang mag-fiancé," sabi niya habang tinatanggal ang ilang hibla ng buhok sa pisngi ko.

Pumayag naman ako. "Okay. Goodbye. Umuwi ka na dahil gabi na." Sabay niyakap niya ako nang mahigpit, parang ayaw pa niyang matapos ang gabi.

"Goodnight. I'll call you later."

Tumango lang ako.

Pagbalik ko sa dorm, halos mapatalon ako nang pagbukas ko ng pinto.

Lahat sila nandoon.

Lahat ng mga mokong — si Blake, Alden, Jax, Ryo, even Miguel. Nakatayo, nagaabang. Ang bigat ng hangin sa kwarto. Parang bomba na kahit anong oras pwedeng sumabog.

Pero pinaka-ramdam ko ang tensyon kay Blake. Palakad-lakad siya, hawak-hawak ang telepono, nanlalalim ang mga mata, parang isang lobo na pinipigilan lang pumutok.

"Blake, she's already here," ani Alden, mukhang siya ang unang nakakita sakin.

Pagkatingin ng lahat, bigla ang sigaw ni Blake.

"WHERE THE HELL DID YOU GO?!"

Napakunot noo ako. Wow. Like... wow.

Imbis na "are you okay" o "buti naman dumating ka," sigawan agad? 'Di ba dapat mas maayos ang pagtanggap kung talagang nag-aalala ka?

"I'M ASKING YOU, WINX! SAN KA NAGPUNTA?! DIS ORAS NG GABI, NASA GALAAN KA PA! SANA MAN LANG INISIP MO NA MAY NAG-AALALA SAYO!" galit na galit ang sigaw niya. Nanginginig ang boses. Halatang puyat o siguro... nasaktan?

Pero kahit galit na galit siya, hindi pa rin ako sumagot. Ayoko. Hindi ko na siya obligasyon.

"FUCK, ANSWER ME WINX! SABI NILA HINANAP MO DAW AKO! EH SAN LUPALOP KA NAMAN NAGPUNTA PARA HANAPIN AKO EH ALAM MO NAMAN NA KUNG SAAN AKO HAHANAPIN!"

Puno ng galit at frustration ang bawat salita niya. Pero tinigasan ko na ang puso ko. Wala na akong pakialam kung nagpanic siya. Hindi siya ang dapat kong alalahanin.

Tumigil siya sa pagsigaw. Tumingin sa akin. Kita ko pa rin ang apoy sa mga mata niya, pero unti-unti itong napalitan ng takot... at guilt.

Huminga siya nang malalim. Tumingin sa mga kasama niya, parang nanghingi ng lakas.

"Winx... I—I'm so sorry. Nag-alala lang talaga ako sayo. Hindi ka sumasagot sa mga tawag ko, sa messages. Di namin alam kung saan ka hahanapin."

Pilit kong kinalma ang sarili ko. Pero ramdam kong nanghihina na ang mga tuhod ko. Lalo na nang bigla niya akong niyakap. Pero hindi ako gumalaw. Hindi ako yumakap pabalik.

Siya na rin ang unang bumitaw.

"I'm with my dad and my sister. Pinatawag ako ni Daddy dahil may importante siyang sinabi. Doon na rin ako nag-dinner."

Ang sigaw niyang galit ay napalitan ng katahimikan. Para siyang nabunutan ng tinik. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.

"Okay ka lang ba?" tanong niya, halos pabulong. "Kung pwede... magpapahinga na ako. Maghihilamos lang ako. Okay? Sorry kung pinag-alala ko kayo."

Dire-diretso akong pumasok sa loob. Nilapag ko ang gamit ko. Lahat sila tahimik. Walang kumikibo.

Pagharap ko kay Blake bago pumasok sa CR, sinabi ko ang kailangan niyang marinig.

"Anyway... uunahan na kita. Aalis ako ng Friday and Saturday with Ate Estelle and Daddy. So wag ka nang sumunod. May party kaming pupuntahan. It's a family matter — and you're not a member of the family."

Pagkasabi ko nun, agad akong pumasok sa CR at isinara ang pinto.

BLAKE'S POV

Parang biglang lumamig ang buong paligid.

Tahimik ang lahat.

Para akong binuhusan ng yelo. Nakatingin lang ako sa saradong pinto ng CR kung saan pumasok si Winx.

You're not a member of the family.

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko 'yon.

Pinilit kong maging mahinahon kanina. Pero nung nakita ko siyang hindi sumasagot, buong araw kaming nag-panic, hinanap namin siya sa buong paligid ng school. Pati mga staff tinanong namin.

Akala ko may nangyaring masama.

Akala ko... baka kinuha na siya ni Arthur.

Pero hindi pala.

Nasa piling pala siya ng taong gusto siyang angkinin habang buhay. At higit sa lahat... mukhang masaya siya.

Biglang napaupo ako sa kama ko.

"Bro..." ani Alden. "Cool ka lang muna. Hindi pa tapos 'yan."

"Hindi pa tapos? Sinabi na niyang aalis siya with her family. May party daw. At ako, hindi raw parte ng pamilya. Anong silbi ko?"

Walang sumagot.

Pero ang mas masakit, ni hindi niya ko nilingon. Parang ako na lang ang humahabol sa isang bagay na hindi na babalik.

ESTELLE'S POV

Friday night. Hawak ko ang champagne habang nakatayo sa garden ng malaking event venue sa Tagaytay. Mamahalin, exclusive, and filled with the elite.

May paparating na black limousine. Dahan-dahang bumukas ang pinto, at bumaba si Hans, na naka-black suit.

At mula sa kabilang side, bumaba si Winx.

Naka off-shoulder champagne-colored gown siya, at halos di ko siya makilala. Hindi na siya ang high school girl na umaasa sa fairy tale love.

Siya na ngayon ang babaeng nakatakdang maging reyna ng sarili niyang mundo.

Naglakad silang dalawa papunta sa mini-stage sa harap, habang nagsimula ang soft classical music.

And the crowd stood.

"Ladies and gentlemen," sabi ng host, "Let us welcome the future Mr. and Mrs. Hans Ty."

Walang bahid ng duda sa mga mata ni Winx. Nasa kanya ang kumpiyansa. Ang tapang. At ang galit na naging gasolina ng bagong simula.

Pero sa madilim na sulok ng venue... may isang lalaking naka-itim na coat at may dalang walkie talkie.

Naglalakad palabas, habang may sinasabi sa earpiece niya.

"The girl has accepted the engagement. Operation Aries will proceed next week. Prepare the extraction."

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now