Chapter 11

2.3K 96 0
                                        

So ayun na nga... Archery game na.

Excited ang lahat, lalo na yung mga lalaki. Kasi let's be real, Archery feels cool. Parang lahat sila gustong magpakitang-gilas. Kahit yung iba hindi marunong, go lang.

First up: Boys.

Masaya ang boys, lahat hyper, may mga nagbibiruan pa habang hawak ang bow. Pero nung actual na tira na? Ayun na. Yung iba hindi tumama. Yung iba naman tumama pero sa maling board. Yung iba parang pinagsabihan pa ni Sir kasi sumabit yung arrow sa floor. As in literal na sumablay.

Pero may ilan din na nakakabilib.
CK – malayo pero pasok sa board.
Gerald – tinamaan ang outer circle, pero at least tumama.
Ronnie – close call, pero lampas sa gilid.
David and Blake? Well, ibang usapan na yun.

Ayon sa instructions ni Sir, tatlong tira bawat isa.
May target board na may numbering mula 1 hanggang 9.
Yung 9 nasa gitna. Yun ang bullseye.
Habang lumalayo, pababa ang number: 8, 7, 6... hanggang 1.
So syempre, ang pinaka-goal mo is 9, or at least within 7 to 9.

Si David?
Unang tira niya, 8.
Pangalawa, sablay.
Pangatlo, 9. Bullseye. Ay wow, may palakpak agad. Nakangisi pa ang gago habang nakatingin sakin.

Si Blake?
Unang tira, 7.
Pangalawa, sablay din.
Pangatlo, 8. Pero yung concentration niya grabe. Para siyang professional. Hindi siya nakipagbiruan, hindi rin ngumiti. Focus lang.

At ayun na nga. Ang mga Mokong, kahit pa sablay minsan, may dating pa rin. Lalo na nung nagkakapalakpakan na, si David pa ang sumigaw ng "Para sayo to, Winx!" sabay wink. Napailing ako. Baliw talaga 'to.

Next up: Girls.

Kung napapansin niyo, parang ang dami kong alam sa Archery noh?

Well, that's because I love it.
Yup, hobby ko talaga siya.

Actually, I have a lot of hobbies:

Archery
Dutch ball
Skating
Moto cross racing
Mixed martial arts
Gun shooting
Yung iba nagugulat pag nalalaman nila 'to. Babae kasi ako, at mukha daw akong maarte. Well, sorry not sorry. I'm a badass in disguise.

Anyway, back to the game.

Out of 16 girls, 10 lang ang sumali. Yung 6? Nasa gilid lang. Naka-lip tint pa yung iba at may hairbrush sa bulsa, hindi ko na gets.

Ako? Of course, G ako.
Last ako sa pila.

Habang tumitira yung mga girls, yung mga boys naman panay ang tawa. Kasi, sa totoo lang, walang tumama. As in wala.
Yung iba hindi makabitaw ng maayos. Yung iba, sablay sa bow positioning. Yung arrow nila literal na nahulog lang sa paanan. Nakakahiya pero natatawa din ako.

Si Felicity? Hindi sumali. She's too busy fixing her hair and laughing sa mga sumasablay. Typical.
Yung mga Higad girls niya? Nanonood din. Parang beauty pageant lang tingin nila sa sarili nila. Nakakainis.

Then... ako na ang next.

Biglang tahimik. As in tahimik.

Habang inaayos ko yung arrow, ramdam ko lahat ng mata sa akin.
Yung mga lalaki? Nakatingin.
Yung mga babae? Nakatingin.
Yung mga prof? Nanonood din.
At yung mga mokong sa likod? Tumigil sa kakatawa.

I hate being in the spotlight. Pero wala na. Too late.
Hinawakan ko ang bow. Nilagay ang arrow. Huminga ng malalim.
Focus, Winx.

First shot — Pak!
Bullseye.
Second shot — Pak!
Bullseye ulit.
Third shot — Pak!
Slightly off-center, pero pasok pa rin sa 9.

Pagkatapos nun, ibinaba ko ang bow.
Tumahimik ulit ang gym.

Paglingon ko sa audience, para silang na-freeze.
Yung iba — nakanganga.
Yung iba — literal na nagtataka kung paano ko nagawa yun.
Yung iba — sumigaw ng "Woooooo!"
At yung mga mokong? Napa-palakpak.
Si David? Tumayo pa at pumalakpak ng malakas.
Si Ronnie sumigaw ng "Kaya pala astig 'to eh!"
Si CK tumango lang.
Si Blake... nakatingin lang. Tahimik, pero kita sa mata niya na impressed siya.

Sina Felicity at mga Higad friends? Masama ang tingin. As in parang gusto nila ko buhusan ng softdrinks.
Tinitigan nila ko habang umiinom ako ng tubig.

Felicity: "Tch. Show off."
Me: "Jealous? Try harder next time." sabay inisnab ko sila.

Sir: "Nice one, Ms. Agostin. I didn't expect you to be this good."

Me: "Thanks, Sir. I've been doing this since I was ten."

Paglapit ko sa bench, umupo ako at uminom ng tubig.
Nilapitan ako ni David.
David: "You didn't tell me you're an archery queen."
Me: "You didn't ask."
David: "Well now I know. You're dangerously hot."

Sabay kindat. Kaloka 'tong lalaking 'to.

Maya-maya, naramdaman kong may tumabi sa kabila ko.
Si Blake.

Tahimik siya. Pero nagsalita.

Blake: "Good shot."
Me: "Thanks. Gulat ka no?"
Blake: "No. I knew you'd hit it. You never miss."

Napalingon ako sa kanya. Nagkatinginan kami. For a moment, parang nag-slow mo ang paligid. Then biglang may sigaw.

Sir: "Alright! That's it for today. PE class dismissed!"

Pag-uwi namin, lahat ng tao sa hallway nakatingin sakin.
"Yun yung girl na nag-bullseye tatlong beses!"
"She's from Agostin daw!"
"Mayabang ata pero ang galing!"

Hindi ko na alam kung matatawa ba ko or matatakot.
Pero deep inside?
I feel something rising.

This school... is about to change.
And I'm not just here to survive.
I'm here to dominate.

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now