Chapter 2

4.1K 149 1
                                        

After a month...

Simula nang makapag-enroll ako sa H.M. Academy, ang buhay ko ay parang countdown na lang. Hindi ko alam kung excited ba ako, kabado, o parehas.

"Winx! Kebagal mo talaga kumilos!" reklamo agad ni Ate habang nagmamadaling nag-aayos ng bag ko sa dining table.

Umirap lang ako. Chill lang ako habang inuubos ang huling kagat ng pandesal.

"Ang bagal mo kumilos! Dapat maaga kang umalis. Hindi ka V.I.P., ha! Transfer student ka. Don't be late!" dagdag niya, parang campaign manager ko lang.

Hindi ko na siya sinagot. Alam kong stressed lang siya pero hindi naman ako makakatakas sa schedule ko. 7 AM ang alis ko—pero ngayon 6:30 pa lang. Relax lang dapat.

"Nakaayos na ba gamit mo? Wala na bang kulang?" sunod-sunod ang tanong ni Ate.

"Yes, everything's settled. You can calm down now, Ate." sagot ko habang tumayo. Tinulungan ko na rin siyang buhatin ang luggage ko.

"Good. Hahatid ka ng driver para safe," sagot niya habang sinusundan ako paakyat para sa final check ng gamit ko.

Sa loob ng kwarto, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. This is it. Boarding school na 'to. H.M. Academy. Walang uwian. Isang beses lang sa isang taon pwede. Parang exile. Pero prestige daw.

Pagbaba ko, si Kuya Noel, ang driver namin, naghihintay na sa labas ng gate. Sumakay na kami agad, kasama si Ate, syempre.

Habang nasa biyahe, ramdam ko ang kaba ni Ate. Hindi siya mapakali, parang may hunch na mali ang lahat ng ito.

"Forty minutes lang 'to. Di naman sa ibang bansa," sabi ko, tinatry siyang patahanin.

Pero hindi siya sumagot. Tahimik lang siyang nakatitig sa bintana habang hawak ang phone niya.

Pagdating namin sa harap ng H.M. Academy, napaatras ako. Ang laki ng gate. Black and gold na parang mansion ng mga royal villain sa movie. May dalawang guards na mukhang bouncer sa mafia club. Ganitong-ganito sa imagination ko... pero mas creepy sa personal.

"Hanggang dito lang kami, Winx. Students only beyond this gate," paalala ni Ate habang inaayos ang kwelyo ko.

"Ate... I'll call you later ha. Tapos ikukuwento ko agad pag nakuha ko na yung meaning ng H.M.," biro ko, pilit pinapagaan ang loob naming dalawa.

Ngumiti siya, pero ramdam ko ang lungkot sa mata niya.

"Goodbye, little sister. Pag may problema ka... call me agad-agad, please?" yakap niya sa akin, mahigpit.

Tumango lang ako. Hindi ko na kinayang magsalita pa. Kasi baka mabasag yung boses ko.

Pagpasok ko sa gate, dalawang estudyanteng naka-blazer agad ang lumapit. Tahimik silang kinuha ang mga gamit ko, parang trained alalay.

Habang naglalakad ako, may sumalubong sa amin na babae—matangkad, nakasuit, parang nasa late 30s. May hawig kay Cruella De Vil minus the half-white hair.

"Hi. Are you Ms. Wendy Inn Natalie Xyver Agostin?" tanong niya.

Ngumiti ako, pilit. "Yes, that's me."

"I'm your principal, Ms. Jersey Chi. You can call me Ms. Chi," aniya habang nakikipagkamay.

"Ah... wala po kayong asawa?" tanong ko, curious. Mukha siyang strict pero classy. Ms. daw eh, not Mrs.

Hindi siya tumawa. Diretso ang mukha. "Let's go to the office. I'll explain the rules and regulations."

Sinabihan niya ang dalawang estudyante na dalhin ang gamit ko sa assigned room ko, at sinunod naman nila.

Pagdating sa opisina niya, ni hindi na ako pinaupo nang maayos. Diretso agad siya sa punto.

"Didiretsohin na kita, Ms. Agostin," panimula niya. "The real meaning of H.M. Academy is... Highest Mafias Academy."

Parang nabingi ako sa sinabi niya. "WHAT?!" halos mapasigaw ako.

"Yes. You can only be enrolled here if your family is from the mafia or at least has deep mafia connections."

Bigla akong napaupo. Literal na napalundag ang puso ko. This can't be happening.

"Ate's gonna kill me... She hates everything about the mafia," bulong ko sa sarili ko.

"At I'm pretty sure walang alam si Daddy dito... Ang alam niya Ateneo ako nag-aaral," dagdag ko.

"This school is not covered or governed by the government. We have our own laws, our own system. Once you pass through our gates, you are part of this world. You cannot exit without permission. Any information leaked outside will result in serious consequences... death included," dagdag ni Ms. Chi, diretso ang tingin sa akin.

Parang kinuryente ang buo kong katawan. "Pano kung ayaw ko?"

"You don't have a choice. Once you're in, you're in. Either you adapt... or disappear."

Hindi na ako nakasagot. Tahimik lang ako habang pinoproseso lahat ng sinabi niya. Highest Mafias Academy?

"Education here is just like other elite universities. You'll study business, law, political science, psychology, weaponry, international relations, and underground trade. Plus, you'll have regular P.E. classes... but more tactical. More lethal."

"Great," bulong ko. "So hindi lang ako magiging degree holder... baka maging assassin pa ako."

"Last reminder: Don't trust anyone except yourself. Everyone has a motive here."

"Fine," sagot ko. "Wala naman akong choice, 'di ba?"

Ngumiti siya, pero hindi warm. It was the kind of smile that said Good luck surviving.

Pagkatapos ng orientation, dinala ako sa dorm room ko. Malinis. Kumpleto. Pero walang kahit anong familiar. Walang comfort.

I looked out the window. Lahat ng estudyante sa courtyard mukhang may kanya-kanyang mundo. Tahimik. Organisado. Pero ramdam mong may tension sa hangin.

This was no ordinary school.

And I was no ordinary student anymore.

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now