"WINX! OPEN THIS GODDAMN DOOR!"
"ANG SAKIT NA NG KAMAY KO KAKAKATOK!"
"PAG 'DI MO BINUKSAN 'TO, BUBUHUSAN KITA NG MALAMIG NA TUBIG PARA MAGISING KA!"
Nang marinig ko 'yun mula sa labas ng kwarto ko, agad akong bumangon kahit hilong-hilo pa sa antok. I knew it. Totohanin niya talaga 'yan. Kilala ko si Ate Estelle. She doesn't bluff.
Pero kahit na mabilis ang kilos ko, huli na ang lahat.
Pagkabukas ko ng pinto, may tumilamsik agad na malamig na tubig sa mukha ko. Diretso. Buo. Parang may gustong patunayan.
"WHAT THE FU—" Naputol ang sasabihin ko nang tingnan niya ako ng matalim at pumasok siya sa loob ng kwarto ko na parang siya ang may-ari.
"That's for keeping me waiting out there. Ilang minutes na akong kumakatok, miss!" singhal niya habang naglalakad papasok at umupo sa swivel chair ko.
Napatigil ako. Tumingala sa kisame habang basang-basa ang buhok at pajama ko.
"Ugh," napailing ako. "Wala na... nagawa na niya."
Habang pinipiga ko ang dulo ng buhok ko para maalis ang tubig, tinapunan ko siya ng tingin.
"Why are you even here? Akala ko nasa bahay mo ka? Di ba sabi mo, you're spending the weekend with your son?" tanong ko, medyo iritable pa rin.
"Si Yaya Maning muna ang nagbabantay," sagot niya casually habang binubuksan ang laptop ko.
Napakunot ang noo ko. "What are you doing with my laptop? Ate, may sarili kang laptop, bakit kailangan mo pang pakialaman 'yan?"
Umirap siya sa akin. "Relax. I'm enrolling you."
"Enrolling me? Where?" halos mapasigaw ako.
"Sa H.M. Academy," sagot niya na parang ang dali lang.
Bigla akong natahimik. Napaupo ako sa kama habang nakatitig lang sa kanya.
"Wait lang. Alam mo namang puro mystery ang school na 'yan. You know na once I step in there, bihira na akong makakauwi. And before I forget—hindi pa nga natin alam kung ano talaga ang meaning ng H.M."
Ngumiti lang si Ate Estelle, yung tipong may tinatago.
Exactly. No one really knows what H.M. stands for. Kapag outsider ka, wala kang access sa kahit anong impormasyon tungkol sa school. As in zero. Kahit website nila, puro generic na description lang. Walang alumni stories, walang graduation photos. Literal na black hole ang info. Pero ang daming gustong mag-enroll dahil sa mysterious vibe. Mas suspense pa sila sa thriller movies.
"Exactly," ani Ate. "Kaya nga kita i-eenroll doon. Para malaman natin ang meaning. I'm tired of guessing."
"Psh, are you serious?" napanganga ako. "Itataya mo ako sa school na 'yan para lang malaman mo kung ano meaning ng dalawang letters? That's insane."
"Mas insane kung hanggang pagtanda natin, hindi pa rin natin alam ang sagot," sabi niya habang inaayos ang details ko sa application page.
I can't believe this. Pinasa niya ako sa H.M. Academy like I was some kind of science experiment. Walang paalam. Walang consent. Walang "Are you ready, baby sis?"
"Done!" proud niyang sabi habang nagtataas ng thumbs up. "You're now officially qualified."
Nag-face palm na lang ako. Myghad. Ang ate ko talaga, feeling government agency. Pag sinabi niya, susundin mo. Wala kang choice. Kasi once she decides something, it's final.
Wala na. Gano'n talaga. What Ate said, Ate gets. Kaya napilitan na lang akong tumango.
By the way, ako nga pala si Wendy Inn Natalie Xyver Agostin, twenty-one years old. Ang pangalan ng ate ko ay Estelle GreatFord Agostin-Watsons. May anak na siya, pero para pa rin siyang stage sister. Lahat na lang gusto niyang kontrolin. From the school I go to, hanggang sa skincare ko.
Kami na lang dalawa ang natitirang magkasangga sa buhay. Our mom, Michelle Anne Martinez, died in a tragic car accident when I was thirteen. Kaya lumaki akong si Ate ang naging second mom ko. Our dad, Zeus Agostin, still lives—pero para siyang ghost na busy lang sa business. Mafia boss. Power-obsessed. Emotionless. You know the type.
Yes. You heard that right. We're a mafia family. The kind of family na pag nilapitan mo, may warning agad na "Beware of ArchGod."
But honestly, I don't even know what ArchGod means. Parang cult code o secret term ng mga Agostin. Sabi ni Daddy, maiintindihan ko lang daw 'yun kapag dumaan ako sa sobrang sakit at bumangon ako para maghiganti.
Which is never gonna happen. I'm not the revenge type. Kung may nanakit sa akin, bahala na si karma. I'm not gonna waste my energy on hate.
Pero ngayong papasok na ako sa H.M. Academy, parang may nararamdaman akong kaba. Hindi ko maintindihan kung bakit. Maybe it's the mystery. Maybe it's the fear of finding out something I wasn't meant to know.
Or maybe, this is the beginning of something I'll never come back from.
At habang tinititigan ko ang acceptance confirmation sa laptop ko, isa lang ang nasabi ko sa sarili ko—
"Here goes nothing."
YOU ARE READING
H.M. Academy
General FictionHow far would you go to uncover the truth-if the truth could destroy everything you've ever known? Winx grew up believing she was just another student at the prestigious HM Academy, an elite institution known for its discipline, excellence, and myst...
