Chapter 33

1.5K 73 0
                                        

WINX'S POV

"Hello baby?"

"Yes, Daddy?"

"I'm very proud of you. Nag-mature ka na talaga."

Napangiti ako kahit papano. I needed that.

"Syempre naman, Daddy. Natuto lang ako ng leksyon." sagot ko habang nakahiga sa kama ni Hans, hawak ang phone, habang pinipilit na pigilan ang sarili sa pagbalik ng luha.

"Balita ko andyan ka kay Hans?" tanong niya.

"Yes, Daddy. Nag-dinner lang kami kanina. I decided na bukas na lang ako umuwi sa dorm kasi nauurat na talaga ako sa kasama ko doon."

"Why?"

Huminga ako nang malalim.

"Daddy, kanina, while we were having dinner... nakita namin si Blake. With that Felicity girl. My ghad, nadala niya sa mamahaling restaurant yun. Samantalang ako? Ugh. It's so ridiculous, Dad." Naiinis pa rin talaga ako habang kinukwento yun.

"Hayaan mo na siya, baby girl. Move on ka na. Hindi ka dapat umiiyak sa isang hampaslupa." sabi ni Daddy in his typical confident, conyo way.

Napatawa ako kahit papano.

"Fine, Dad. I'll just see you tomorrow. I'm so sleepy na, eh." dahilan ko kasi baka humaba pa usapan.

"Ok. Goodnight, baby. I'll see you tomorrow. I love you. Matulog ka na at baka di ka gumanda bukas."

"Ano ka ba, Daddy. With or without makeup, I'm still beautiful. Mana kaya ako kay Mommy Michelle."

"Ok, sleep well."

At pinatay na niya ang tawag.

Napahiga ako ulit at tumingin sa kisame. Hay nako, Winx. Kaya ko 'to. It's only a test. Pagsubok lang 'to.

Biglang pumasok si Hans sa kwarto, may dalang bottled water.

"Hans, kita na lang tayo mamayang gabi ha? Wag mo na akong sunduin. Si Ate na ang pupunta dito."

"Sure. Take care. Bye, gotta go."

Pagkaalis ni Hans at narinig ko ang makina ng kotse niyang paalis, bumalik na ako sa dorm. Kailangan ko na talagang harapin si Blake para matapos na lahat ng ito.

Pero pagkapasok ko ng dorm...

Biglang niyakap ako ni Blake.

"My ghad, Winx! I missed you so much. Akala ko kung anong nangyari sa'yo!" sabi niya at humiwalay sa yakap.

Nag-panic ang puso ko, hindi sa kilig. Kundi sa inis. Sa galit. Sa frustration.

Pero hindi ko pinakita.

"Uhm... Blake, aalis din ako mamayang 12PM. May event kami ni Daddy. Business partners thing lang." casual kong sagot.

"Inimbitahan din kami ng Ate mo for tonight... do you have any idea?"

Natigilan ako.

"Nah. I don't know about that. Bakit? May nangyari ba?"

Umilag siya sa tingin ko. Typical.

"Winx... are you still mad at me? Sorry kung inaway kita that day. I should've asked if you were okay. Nag-alala lang talaga ako."

Acting 101. And he passed with flying colors.

"Okay lang, Blake. I understand. Di rin naman ako nagpaalam sa'yo, diba? So may kasalanan din ako."

Charot. Wala akong kasalanan. Ikaw lang meron.

"You don't know how I miss you so much." sabay yakap niya ulit sa akin.

Nakaupo ako sa couch. Siya naman, nakaluhod sa harap ko. Para kaming nasa isang movie scene. Pero ako? Hindi ako kinilig.

Ang iniisip ko lang?

Gano siya kagaling magsinungaling.

"I miss you too." YUCK.

"Baby..."

Lumapit siya. Hinalikan ako sa leeg.

Okay Winx, wag kang marupok. Hindi ka pusong mamon.

"Blake—uhm, I'm sorry. Pagod ako. Gisingin mo na lang ako kapag andyan na si Ate, ha?"

Tumakbo ako papunta sa kama at nagpanggap na tulog. Kahit sobrang gulo pa ng isip ko.

Hindi ko inaasahan.

Tumabi siya.

Ni-yakap ako mula sa likod. Dahan-dahang idinikit ang katawan niya sa akin.

"I understand, Winx. I love you." bulong niya.

Hindi ako gumalaw.

Hindi ako nagsalita.

Pero sa loob ko, may sumisigaw.

Kung talagang mahal mo ako, hindi mo ako ilalagay sa ganitong sitwasyon. Hindi mo ako lolokohin. Hindi mo ako gagawing tanga.

At bukas, makikita mo kung paano ako magiging matalino.

MEANWHILE: AT THE EVENT VENUE, SAME NIGHT

Inihahanda na ni Estelle ang secret setup sa VIP lounge. Isang confidential recording device ang naka-install sa maliit na chandelier.

Si Hans naman, sinisiguradong secure ang mga guest entry routes. Lahat ng galaw, may monitoring.

At sa isang sulok ng room, nakaupo ang isang matandang lalaki na ngayon lang lumitaw mula sa ilalim ng radar.

Si Senator Vargas.

"Siguraduhin ninyong lalabas ang katotohanan bukas. Wala nang atrasan." sabi niya.

Tumango si Estelle.

"Yes, sir. And Winx is ready."

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now