Chapter 25

1.7K 70 0
                                        

Winx's POV

Maaga akong nagising. Hindi ako mapakali buong gabi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang bawat halik, bawat haplos, bawat salitang sinabi ni Blake. Pero sa likod ng lahat ng matatamis na alaala, may matinding kaba sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'to.

Bigla akong napatayo at dumiretso sa banyo. Habang nakatitig ako sa sarili ko sa salamin, ramdam ko pa rin ang mga init ng gabing nagdaan. Pero sa mata ko, may mga tanong na wala pa ring sagot.

"Blake..." bulong ko sa sarili. "Ano bang hindi mo sinasabi sa akin?"

Maya-maya'y may kumatok sa pinto. Malalim ang buntong-hininga ko bago ko ito binuksan.

Pagbukas ko, si Blake.

Medyo maga pa ang mata niya, halatang galing sa puyat at iyak. Pero mas matindi ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ko pa man siya tinatanong, alam kong may bitbit siyang mabigat.

"Can I come in?" tanong niya, halos pabulong.

Tumango lang ako. Pagpasok niya, naupo siya sa gilid ng kama. Ako naman ay nanatiling nakatayo, nag-aabang.

"Winx..." panimula niya habang pinipigilan ang mangiyak-ngiyak na tono, "kailangan mo malaman ang totoo. Lahat ng totoo."

Blake's POV

Pinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim. Ito na. Wala nang atrasan.

"Ako si Blake Sperbund... anak ng kapatid ng Daddy mo."
Tahimik si Winx.
"Pinsan mo ako."

Parang binagsakan ng langit at lupa si Winx. Nakita ko kung paano unti-unting nawala ang kulay sa mukha niya. Napaatras siya, parang gusto niyang magsuka o magsalita—pero wala siyang masabi.

"Simula pa lang, may mission ako. Pinaprotektahan kita. Si Arthur James... siya ang tunay na kalaban. Kaya pumasok ako sa school na 'to, kaya ako naging malapit sa'yo. At dahil gusto ng Daddy mo, pumayag ako magkunwaring boyfriend mo..."

"Pero hindi mo sinabing totoo." putol ni Winx, nanginginig ang boses.

Tumango ako. "Dahil natakot akong mawala ka."

Tumulo na ang luha niya. "Pero ginawa mo pa rin. At hindi mo sinabi agad. Tapos... nangyari pa 'yon sa atin."

Naglakad siya papalapit at itinutok ang daliri niya sa dibdib ko.

"You touched me... you made love to me... at pagkatapos sasabihin mong PINSAN KITA?!"

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Napaluhod na lang ako sa harap niya.

"Please... Winx. Hindi ko sinasadya. Wala akong balak mahalin ka, pero nangyari. Alam kong mali. Alam kong kasalanan. Pero sa puso ko, totoo lahat."

Tahimik. Tanging pag-iyak lang ang maririnig sa loob ng kwarto.

"Blake..." mahina niyang sambit. "May dapat ka pang malaman."

Lumingon ako sa kanya, habang pinupunas niya ang luha niya.

"I think I'm pregnant."

Parang umikot ang mundo ko. Hindi ako agad nakapagsalita. Nanatili akong nakaluhod habang nakatitig lang sa kanya.

Winx's POV

"Wala pa akong test, pero delayed na ako ng tatlong araw. I'm never late," sabi ko habang nanginginig pa rin ang mga kamay ko.

Gusto kong magalit. Gusto kong saktan siya. Pero mas matimbang ang takot na nararamdaman ko. Hindi lang dahil sa anak namin... kundi dahil sa gulong kinasasangkutan niya.

"Hindi ko alam kung anong gagawin natin ngayon. Hindi ko alam kung anong magiging future natin. Pero isang bagay lang ang alam ko, Blake..." napatingin siya sa akin.

"...hindi mo na ako dapat iiwan."

Blake's POV

Tumayo ako at niyakap siya nang mahigpit, halos mapahagulhol na ako.

"I won't. Kahit anong mangyari. Kakampi mo ko."

Biglang Tok-Tok-Tok!

May kumatok sa pinto.

"Winx! Blake! Buksan niyo! Emergency!" sigaw ni Ronnie mula sa labas.

Binuksan ko ang pinto at sinalubong kami ni Ronnie na halatang hingal na hingal.

"Guys... kailangan nating umalis. Si Arthur James, gumalaw na. May bounty na sa ulo ni Winx. This is not a drill. Target na siya."

Nagkatinginan kami ni Winx.

Kailangan na naming mamili.

Ang pag-ibig namin—o ang buhay na nakaambang mabaon sa panganib.

H.M. AcademyWhere stories live. Discover now