CHAPTER 45
DANIEL’S POV
Nasa loob kami ng tent nila Ate Osang at Kuya Mark habang pinaguusapan parin ang misteryosong DaSher na to. Ngayon ko lang nabasa ng buo ang mga tiniweet niya at sa nabasa ko ay nasaktan ako para sa asawa ko. Hindi niya kilala si Kath, obviously. Kasi kung kilala nya ay alam kong never siyang makakapagsalita ng ganito sa kanya. Si Kath, oo, pagtiningnan mo siya eh maiintimidate ka, yun ang observation ni Ate Roanna sa kanya dati pero pagnakilala mo siya masasabi mong siya na ang taong pahahalagahan mo ng todo. She has the quality ng tao na mamahalin at rerespetuhin.
“Grabe naman siya” yun na lang ang nasabi ko.
“Grabe talaga! Nakaka-BV bwisit!” sabi ni Ate Osang na akala mo ay siya ang pinatatamaan. “Anong karapatan niyang sabihin ang mga ganitong bagay samantalang hindi nga man lang niya namimeet ang tao. Sarap tuldukan nitong DaSher na to eh” sabi pa nito.
“Osang, puso mo..hinay hinay lang” sabi ni Kuya Mark para lang maging light ang feeling. “Eh sino ba naman ang matutuwa sa mga tweet nito. Parang binabayaran para manira ng tao”
“Eh si Patrisha ba alam to?” tanong ko. “Oo, minsan na siyang nagtweet na tigilan ang asawa mo” sabi ni Ate Osang.
Tumango ako. “Nakakahiya sa part ni Patrisha. Paglumaki ang issue na to sobrang daming walang malay na maapektuhan” sagot ko.
“Ewan ko na lang. Sana hindi na patulan ng media to. Napaka-cheap nitong DaSher na to eh. Kakabwisit talaga promise! Minsan nga pagnakukwentuhan kami nila Sarah sa interactive lahat kami bwisit kay DaSher” sabi ni Ate Osang.
“Hayaan na muna natin Te Osang, mawawala din yan” sagot ko na lang. “Wait lang huh” paalam ko.
“San ka pupunta?”
“Tatawagan ko si Kath” sabi ko at iniwan sila. Naaawa ako sa asawa ko. Kung malalaman niya lang ang tungkol dito, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon non. Masyado pa naman siyang sensitive ngayon.
PATRISHA’S POV
Alam na pala ni Dj ang tungkol kay DaSher at sa mga narinig ko ay hindi maganda ang reaksyon niya dito pero andon pa rin yung concern niya sa akin. Napangiti ako. Nang marinig kong palabas si Dj ng tent ay madali akong tumakbo papunta sa tent ko. Nagulat pa nga sila Kc ng nagmamadali akong pumasok at isinara ang pinto. I smiled.
“Pat?”
Hindi ko pinansin si Kc. Madali akong umupo at naginternalize. Kailangan kong gamitan ng konting acting skills si Daniel later. “George check mo nga si Dj kung may kausap pa sa phone” utos ko. Tumingin pa siya kay Kc bago sumunod.
After ilang minutes ay bumalik si George. “Wala na po Ma’am. Kausap na lang po si Lee” sabi niya. Si Lee ay isa sa mga katrabaho namin.
BINABASA MO ANG
LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)
FanfictionSiguro nga, walang rason kung bakit ako nagmamahal… Pero kung meron mang isa…. Ikaw lang ang dahilan, wala ng iba.