CHAPTER 74

92.4K 813 289
                                    

Sa lahat ng nagmemessage sa akin at nagpapadedicate, sorry kung hindi ko lahat narereplyan o napagbibigyan. Hindi ko kasi talaga alam kung paano ko matatapos basahin ang 9000+ na comments niyo :) pero talagang binabasa ko lahat promise :)

Happy weekend everyone!!

Mahal ko kayong lahat :*

Ate Len

CHAPTER 74

DANIEL’S POV

Pagkatapos na pagkatapos ng pananghalian ay naghanda na kaming pumunta sa falls. Balak naming magpalipas ng buong maghapon sa lugar na iyon. “Nakakamiss dito grabe! Sobrang tagal bago tayo nakabalik!” sigaw ni Kiray habang naglalakad kami paakyat sa kubo kung san kami pwedeng magstay.

Tahimik lang si Kath sa tabi ko. Ngumingiti naman siya pero maya maya seseryoso na ulit.

“Are you okay?” tanong ko sa kanya. Tumango siya. “Medyo inaantok lang” sabi niya at patuloy sa paglalakad. “Kath look oh!!! Ang cute nung ibon!!” sabi ni Julia sabay hila kay Kath. Naiwan akong kasabay si Diego. “Hindi ganoon kadaling maayos yan Bro. Give her enough time”

“She said na napatawad na niya ako”

“Pero mahirap kalimutan yon…”

“Wala naman kaming ginawa ni Patrisha”

“But the fact na nasaktan siya sa nakita niya…wala yong pinagkaiba sa kung meron o wala mang nangyari sa inyo”

Napabuntong hininga ako at nagpatuloy na naglakad.

I am glad na may mga kaibigan si Kath na handang samahan siya. Masaya ako sa pagiging solid nilang apat kasama na si Sab at least alam kong sa tuwing may nangyayaring hindi maganda sa relasyon naming dalawa ay may mga taong handa siyang samahan at patawanin.

“I feel so lucky to have one among those girls” sabi ni Anthony sa tabi ko. “Kahit na minsan ang sakit sakit ng ulo ko kay Kiray, hindi ko pa rin siya kayang ipagpalit”

“Bakit hindi mo pa pakasalan?”

“Ang dami ko ng beses inateempt na magpropose sa kanya, kahit na alam ko namang papayag siya…pero gusto ko pa siyang bigyan ng time para mag-grow as an individual”

Parang natamaan naman ako sa sinabi niya. Si Anthony naman parang hindi ako nagpakasal ng maaga kung makapagsalita siya.

“26 na ako nagpakasal huh” defensive kong sagot. Tumawa siya.

After magkulitan sa tubig ay sabay sabay kaming kumain sa may kubo. Hinawi ko ang basang buhok ni Kath na tumatabon sa mukha niya. She smiled at me.  A smile na bumubura sa lahat ng takot kong galit pa siya sa akin pero nagpapatindi dun sa guilt na nararamdaman ko.

“Guys! Yung baby shower for Sab huh!” paalala ni Julia sa kanila. Ngumiti si Kath. I know this is hard for her pero namamanage niyang ngumiti. I am proud of her. Kasi alam kong kinakaya niya yung pagkawala nung baby namin.

“Kukontak na ba ako ng organizer?” tanong ni Yen.

“Yen, Nie can handle it. I’ll give you her number na lang” sabi ni Kath. “Ow..alright!” sabi niya at tuloy sa pagkain. Nakakatawang pagmasdan ang mga magkakaibigang to. Sosyal pero hindi mo na makikita sa kanila yung pagiinarte kagaya nung dati.

“Ayaw mong kumain?” hindi ko napansin na sa kakapanood sa kanila ay hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko.

Kinagat ko ang pangibaba kong labi at nagpapungay ng mata sabay banat kay Kath ng “Sa’yo pa lang busog na ‘ko”.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon