CHAPTER 67
KATHRYN’S POV.
I currently doing some statistics sa office. It’s 7 PM pero wala pa akong balak umuwi. Nagtext naman ang asawa ko na as usual, madaling araw na siya makakauwi.
Dalawang buwan na ang nakakalipas after mawala ni baby pero hanggang ngayon hindi ko pa rin naiiwasang hindi mapaluha pagnaalala ko siya. Yung moment na pinapakita siya sa amin ni Doc Annie sa monitor. Masakit pero kailangang tanggapin na wala na siya.
Aaminin ko mas naging paranoid ako. Paranoid na baka sa susunod na magbuntis ako ay makunan lang ako o never na akong magkababy. Paranoid na maging kapareho ko ng story yung sa kaibigan ni Ate Sophie..yung iwan ako ni Dj kasi hindi ko siya kayang bigyan ng anak.
Nang makaramdam ako ng pagkapagod ay umuwi na ako. “Mabuti naman at tinigilan mo na ang laptop mo” sabi ni Dom ng magkasabay kami sa elevator.
“Masakit na rin ang mata ko eh” sabi ko.
“Dahil wala ng baby na aalagaan eh pinapatay mo na naman ang sarili mo sa trabaho?” nagaalala niyang sabi.
“Hindi naman” sabi ko at hinawakan niya ako sa ulo. “Ang tigas talaga nito!!!” may konting gigil niyang ginulo ang buhok ko. “Naman eh” babae ako at ang isa sa mga ayaw kong nagugulo ay ang buhok ko.
“Baka magkasakit ka naman Mrs. President”
“Hindi mo ba alam na ako si Wonderwoman?”
“Hindi”
I smiled. Si Dom, he never fails to make me smile everytime I need it. “Diyan ka na nga” sabi ko ng marating na namin ang groundfloor. Bumaba ako dahil nasa labas na si Kuya Jonjon samantalang sa basement pa ang baba niya.
Nasa sasakyan ako at pilit na ipinikit ang mga mata ko. Kung hindi siguro nagartista ang asawa ko wala akong haters, hindi siguro ako magkakaroon ng twitter, hindi sana mawawala ang baby ko at hindi sana….hindi sana ganito kahirap para sa akin.
Pero, nang bumalik ako ay si Daniel Padilla na siya. I mean, kilala na siya…may pangalan na…sikat na. Siguro kung hindi ako umalis at iwan siya noon…siguro may possibility na hindi ito ang mga nangyayari ngayon. Everything is a chain of scenes and decisions na pag may naiba lang ng konti ay magiiba ang dulo. Sana binago ko na bago pa naging ganito kagulo ang lahat.
Gusto kong masanay dahil alam kong ito yung gusto niya…masaya siya sa ginagawa niya. Naiintindihan ko naman yun eh, kaso alam mo yung parang nakakatakot na baka bukas hindi ko na siya kilala, yung bukas na wala na akong karapatan na mahalin siya. Yung bukas na pati sa akin may script na rin siya.
Halos ilang oras na lang kami nagkikita sa isang araw minsan nga wala na talaga dahil nasa malayong lugar siya at hassle kung uuwi pa siya para bisitahin ang paranoid niyang asawa. Alam ko may nagbago mula ng mawala ang baby ko…yun ay yung time na nakakasama ko siya.
Nakakamiss yung pinababantayan niya ang lahat ng kinakain ko, tinatanong niya kung sumakit ba ang tiyan ko o nakailang pagsuka ba ako ngayon at kahit na ano. Tumatawag naman siya pero mas gusto yung kasama ko siya, yung naiinis siya pag puro banana chips lang yung kinain ko, pag ginagabi ako mula sa pagshopping….gusto ko yung mga ganon. Hindi katulad nito na parang lagi na lang niyang sinasabing “Enjoy your day Honey”.
Minsan nga gusto ko ng tanungin kung mas importante ba yung trabaho niya kumpara sa akin pero parang ang pathetic naman non.
Kagaya nung recital ni Kylie. He promised Kylie na pupunta siya pero in the end ay inintay pa namin siya sa restaurant kung saan magcecelebrate ang lahat para sa recital na yun. Kung hindi si Direk ang rason niya, traffic o kaya naman late na dumating ang script. Marami siyang namiss sa loob ng isang buwan…itong buwang ito kaya…ano ano ang mga mamimiss niya??
BINABASA MO ANG
LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)
FanfictionSiguro nga, walang rason kung bakit ako nagmamahal… Pero kung meron mang isa…. Ikaw lang ang dahilan, wala ng iba.