CHAPTER 38

115K 816 389
                                    

CHAPTER 38

 

DJ’S POV

Nasa standby area pa rin ako. inaaral ang script ko pero ang kalahati ng utak ko parang pabalik na ata ng Maynila. Naiinis ako sa sarili ko pagganito yung nararamdaman ko sa tuwing malalaman kong magkasama si Dom at Kath. Nakakainis.

Ibinaba ko ang script. Sumandal muna ako saglit at pumikit.

Normal ang magselos sabi nila pero bakit parang hindi normal ang nararamdaman ko? May trust ako sa asawa ko pero bakit ganoon hindi ko maiwasang magisip ng mga kung ano ano sa tuwing alam kong magkasama sila. Dj….umayos ka…hindi na  tama yang selos mo…parang sumusobra na..

Huminga ako ng malalim ang I found Pat in front of me. She’s smiling.

“Pat –

“Pagod ka na?”

“Hindi naman, may iniisip lang” sagot ko. “Anyways, you need something?”

Ah..ikaw na daw susunod sabi ni Direk” sabi niya. Ako na pala? Grabe, at si Patrisha pa talaga ang nagtawag sa akin.

“Okay sunod na ako” sagot ko at lumabas na rin siya.

Bago ako lumabas ay I tried to contact Kath again. Siguro naman nakabalik na sila.

Ilang segudo lang ay nagring na.

“Hi Hon” masaya niyang bati sa kabilang linya. Grabe, nasa probinsya lang ako pero nung marinig ko ang boses ng asawa ko eh parng gusto ko ng umuwi. What more kung pupunta ako ng abroad? Hindi ko yata kakayanin ang homesick.

“Hi Hon…how are you?” tanong ko.

“I’m good…pati si Baby”

“Hmmm…pinakain mo siya ng maayos ngayon?”

“of course..we gone out”

“With??”

Dad and Dom” walang kagatol gatol niyang sabi. O ayan huh, trustworthy talaga ang asawa mo…kaya manahimik ka Daniel Padilla! Sigaw ko sa utak ko.

“Ikaw kumain ka na?” tanong niya.

“Yeah…marami akong kasabay”

“You’ll going to pick me up?”

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon