Chapter 88

55.5K 688 171
                                    

CHAPTER 88

KATH’S POV

Pagdating ng kinabukasan ay dumirecho ako sa bahay nila Daddy to talk to him. Si Kylie lang ang nadatnan ko sa sala, nasa swimming class daw si Kyle with Kuya Karl. “How’s the hearing?” tanong ni Ate Amy. “Ayun, hinahanap na si Dasher” sabi ko habang sinusuklay ang buhok ni Kylie. Kylie misses me a lot. Sobrang dami niyang kinukwento. Her time with Kassy, her plans…..everything.

“May problema ka ba?” sabi ni Ate Amy. Pati si Kylie ay tumingin sa akin.

“Ah wala…stress lang siguro. Si Dad, tapos na kaya?” pagdating ko kasi kanina ay may kausap siya sa telepono sa study room niya.

“Parang. Tahimik na kasi kanina pagdaan ko eh”

“Ah. Baby, akyat muna si Tita huh. May paguusapan lang sila ni Lolo”

“Okay po” bibong sagot niya at bumalik sa pinanood niyang Cartoon channel. I kissed her at umakyat na. Pag dating ko sa tapat ng pinto ni Dad ay huminga muna ako ng malalim. Actually, ayokong saktan ang Dad at isipin niyang masama ang loob ko sa kanya pero ang gusto ko lang ay alamin ang totoo.

Isa pang hingang malalim at kumatok ako at bahagyang binuksan ang pinto. May binabasa si Dad ng Makita ko.

“Are you busy?”

He smiles ng makita ako. Hindi ko alam kung alam na niya pero kabado ako.

“No”

Lumapit ako at tumayo lang sa tapat ng mesa niya. “I want to talk to you….a-about Mom” I sit down.

Nagiba ang timpla ng mukha ng masabi ko si Mom.

“What about your Mom?”

Gusto kong pigilin ang emosyon ko pero hindi ko talaga kaya. He stands up. Hinubad ang reading glasses na suot niya at tumalikod sa akin. He opens the curtain at the window behind his working table and look away.

“Who told you? Althea?”

“Ye-yes” nagsimula na akong magpunas ng luha. “So totoo? Totoo na hindi namatay si Mom nung 9 ako, ku-kundi nung 3 years old pa lang ako?” I stand up.

“Alam kong dadating yung oras na malalaman mo ang totoo pero ngayong andito na, ang hirap pala”

“Dad…”

“Yes. She died when you were 3”

“But - -

Naguguluhan ako. Paano ko naikwentong I have Mom? I have someone na nagalaga sa akin? Sa bata ko nung namatay siya feeling ko wala na akong dapat naaalala. So all along I was just dreaming and assuming na I have a mom? A mom na akala ko tinatakbuhan ko, a mom na inimagine kong nagalaga sa akin ng todo….anong nangyari? Hindi ko maintindihan….

“Your memory…….dahil yun sa Psychological test na ginawa sa’yo”

“I don’t understand Dad! I don’t understand” napaupo akong muli sa upuan na parang naubusan ng lakas.

Humarap siya sa akin. My Dad is in pain too. I am such a bad daughter for doing this to him pero mas okay na rin siguro ito, at least alam ko ang totoo.

“That was the plan! Gawan ka ng memory na you have your mom……..a psychological test to help you para hindi ka matrauma. After your mom died, hindi ka na nagsalita. Nag-alala kami ng mga kapatid mo at Mamita mo sa’yo. You love your Mom, so much. Ilang gabi mong hinahanap ang Mommy mo. Minsan nagigising kaming nasa tapat ka ng main door…waiting for her…..longing for her….So we decided na ipaundergo ka na nga dun sa theraphy na yon”

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon