Chapter 8

145K 1.2K 132
                                    

I dedicated this chapter to Andrea26!!

CHAPTER 8

KATH’S POV

DAY 2, 8 days to go before this honeymoon ends. Nasa kwarto kami ngayon, kanina pa kami gising pero wala pa sa amin ang gustong tumayo. Sa dami ng unan sa kwartong to, isa lang ang nagagamit naming dalawa. Pinagkakasya talaga namin yung mga ulo namin sa iisang unan.

Nakita na kitang bagong ligo, may putik ang mukha, galit, masaya, malungkot, nagseselos, sumasakit ang tiyan dahil sa kape, nahihiya tapos ngayon….bagong gising……”

Sabi niya.

So anong ibig mong sabihin?

Gusto ko lang sabihing….isa na lang ang kulang….”

Pinagdikit ko ang kilay ko.

Yung makita kong may wrinkles ang noong to” sabi niya sabay hinalikan ako sa noo.

Mambabae ka at magkakaroon yan promise!” sabi ko.

Ito naman” sabi niya at niyakap ako ng pagkahigpit higpit. “You’re so beautiful…but that’s not what I love you…- he’s singing my song for him.

Kinikilig ako pero sinabayan ko siyang kumanta. Alam kong panira ang boses ko pero wala eh…..nung naghagis ng magandang boses si Lord, nasa parlor ata ako at nagpapakulot.

I’m not sure you know. That the reason I love you is you. Being you, just you. Yeah the reason I love you is all that we’ve been through, and that’s why I love you

Hindi ka pa nagugutom?” tanong niya.

Umiling ako. Nanatili akong nakahiga samantalang nakaupo na si Dj sa kama. Nagulat ako ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Itinukod niya ang isa niyang kamay sa kama at yung isang kamay niya ay inilapit niya sa mukha ko. Hinaplos niya ang mukha ko ng likod ng kamay niya.

I love  you….” Sabi niya at hinawi niya ang buhok na tumabon sa mukha ko. “The reason I love you is you…….being you….just you….” Dahandahan niyang kinakanta. Hindi ko nga alam kung kanta eh parang sinasabi niya lang sa akin yung lyrics.

Parang lumulubog ako sa kama. Alam kong kasal na kami pero bakit yung puso ko parang bumabalik dun sa time na mga bata pa kami at nagpapakiramdaman pa lang.

I am intently looking at Dj. The same man I loved ten years ago. Medyo nag matured lang siya ng konti pero siya parin…mas gumwapo pa nga. Kumbaga sa alak, mas matanda, mas masarap.

Ang gwapo mo” hindi ko alam pero yon ang nasabi ko. Nagulat ako sa reaction niya. Nagdikit ang mga kilay at biglang tumawa ng malakas.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon