CHAPTER 81
DOM’S POV
“Kamusta na si Ate Kath?” tanong ni Nie. She called me up para makibalita.
“Nagpapahinga sa bahay nila. Hindi pa siya pinapapasok ng Dad niya”
“Is she okay na?”
“I think so” matipid kong sagot.
“Sige –
“Wait” sabi ko ng parang nararamdaman kong ibababa na niya ang phone. “What?”
“Are you sure about your decision?”
“Of-of course! Hinihintay na ako ni Mommy…at diba, dapat ikaw din?”
“Nie….”
“Kuya?”
“Let’s talk before ka umalis okay?”
“Okay” sabi niya. Halos hindi na kasi kami nagkikita. She’s staying sa condo ni Jerome this past few months. Pag nagkikita naman kami ay parang lagi siyang nagmamadali. I know may problema ang kapatid ko…I know her….sobra.
Pagkababa ng telepono ay may tinawagan ako. “Yung pinapakuha ko sa’yo, ihanda mo na”
“Yes Sir”
“Magkita tayo. I’ll text na lang yung location. Magiingat ka…” sabi ko at binaba ko na ang telepono.
Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan ko at pumikit. Kathryn….patawad talaga.
KATHRYN’S POV
May usapan kami ni Nie na magkikita ngayon dahil aalis na siya bukas ng gabi. Ilang araw na din naman kaming di nagkita after nung baby shower ni Sab. Hindi rin naman siya tumawag after ng incident. At after that incident ay balik na naman si Kuya Jonjon sa pagiging driver/body guard ko.
Napagkasunduan naming magkita ng mga 6PM. Mas okay ng madilim na, medyo nakakatrauma pero parang tinanggap ko na ang pagkatalo ko kung magkukulong ako sa bahay dahil takot ako sa mga alipores ni Patrisha Soliman.
Papunta na ako sa resto, sabi niya on the way na rin siya. I bought something for her, a token of appreciation ng lahat ng ginawa niyang tulong. Ngayong aalis na siya, parang nagaala-Dom na ako. Di pa man siya nakakaalis ay namimiss ko na rin siya. Kahit naman kasi may pagkabrat siya.
Maya maya at tumunog ang phone ko.
“Ate Kath?”
“Nie…nasan ka na?”
“Magpapark na …Te, sorry nga pala dun sa ginawa ko, ikaw tuloy yung napahamak sa mga fans nila”
BINABASA MO ANG
LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)
FanfictionSiguro nga, walang rason kung bakit ako nagmamahal… Pero kung meron mang isa…. Ikaw lang ang dahilan, wala ng iba.