CHAPTER 68
KATH’S POV
I can’t even remember kung anong oras na ako nakatulog. Kung gabi pa ba yon o madaling araw na ay hindi ko rin alam. I received a call from Dj last night. Yes, dapat masaya ako dahil sa wakas ay nagkausap kami pero ang masakit don, he just called me to let me know na delayed ang uwi niya. Hindi niya sinabi kung kelan basta naextend daw. I said it was okay and he thanked me pero ang totoo ay gusto ko na siyang sundan at iuwi dito.
Maga pa ang mata ko at malaki na rin ang eyebags ko ng tumingin ako sa salamin. Hindi na yata kakayanin ng concealer to, siguro kung matatagalan pa si Dj ay baka paguwi niya hindi niya na ako kilala. Baka nadagdagan na ng 10 years ang itsura ko dahil sa sobrang pagiisip.
I need to go to the office today. Nakakatamad pero I have to. Wala na akong maidadahilan pa kay Daddy kung hindi ako papasok. Hindi ako buntis. Wala akong karapatang magpahinga.
“Hindi ka na kakain?” tanong ni Ate Lorna ng makita niya akong pababa ng hagdan. Nakahanda na ako para pumasok. “Hindi na. Pahanda mo na kay Kuya Jonjon yung sasakyan Te. Maaga ang meeting ko” sabi ko at uminom lng ng konting kape at lumabas na rin.
Nagkalat na ang billboard ni Dj sa EDSA. Magtataka pa ba ako? Ganon kasikat ang asawa ko at ang masakit lang don, marami ng nagmamayari sa kanya…hindi na lang ako. “Miss Kath, okay lang po kayo?” tanong ni Kuya Jonjon.
Pinilit kong tumango. Ayoko mang maging okay, pero dapat maging okay ako. Wala akong choice kundi magsimulang tanggapin ang lahat bagay patungkol sa buhay ko at ng asawa ko.
Madali akong umakyat sa floor kung nasaan ang opisina ko. Shiela greeted me ng madaanan ko siya. Ipinasok ni Kuya Jonjon ang iba kong gamit at lumabas na rin agad ako naman ay tutuloy muna sa CR ng mapansin ko ang isang lalakeng nakaupo sa sofa.
“Bakit late ka Mrs. President?” tanong niya.
“H - - - - Hon??” naghehesitate ko pang tanong.
Nagulat ako ng tumingin siya sa akin ay nakataas ang kilay niya. He’s holding a boquet of tulips. “May iba ka pa bang inaasahan??”
“Wa-wala…I thought….” Naguguluhan ako na natutuwa na naeexcite. Basta ganun!
He pouts. “Parang gustong gusto mong di na ako umuwi huh” sabi niya. I laugh. Andito na nga ang asawa ko. Patakbo akong lumapit at niyakap siya.
“Maga na naman yung mata mo…kahit na ako pa yung dahilan niyan…..hindi ako natutuwa” bulong niya.
Sabik na sabik akong makita siya kasi miss na miss ko na siya. My husband…..parang gusto kong maiyak.
“I’m glad you’re here na” sabi ko. I tried to compose myself.
“I miss you honey…kaya dito na ako tumuloy eh…kasi sobra na kitang miss” sabi niya at binuhat ako ng bahagya. “You loose weight again…tsk tsk…bad.”
“Kasalanan mo. Masyado kang pamiss” sabi ko at bumitaw ako saglit sa kanya.
Kinurot niya ang ilong ko. “Ikaw talaga ang tigas tigas ng ulo mo”
Hindi ako sumagot.
“Namiss kita Kamahalan….namiss ko yung katigasan ng ulo mo” he smile at me. Yung parang highschool boy na nagpapacute.
“Bakit sinabi mo pang hindi ka pa uuwi?? Pinaiyak mo lang ako eh”
“Sorry na…gusto ko lang namang surpresahin ang asawa kong miss na miss ko na. Hindi ko na kayang lumagpas pa ng isang buwan ang mahiwalay sayo no….parang feeling ko kulang ako”
BINABASA MO ANG
LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)
FanfictionSiguro nga, walang rason kung bakit ako nagmamahal… Pero kung meron mang isa…. Ikaw lang ang dahilan, wala ng iba.