CHAPTER 26

120K 859 86
                                    

CHAPTER 26


DANIEL’S POV


“Wala akong tiwala sa taong yon! Basta hindi ko siya mapagkakatiwalaan” sabi ko nung pagbalik ko sa station. Nasa dressing room kami ng banda. Nagkakatinginan sila.

Todo yung kwentuhan nila. Nakakainis! Alam mo yung ang dami nilang alam sa isa’t-isa!” sabi ko pa.

“Syempre ngayon na lang sila nagkita..tsaka matagal din silang nagkasama diba?” sabi ni Kats.

“Basta, iba ang naamoy ko sa lalakeng yon! May gusto siya sa asawa ko!”naiinis kong sabi.

“Pre, sa tingin mo ba kung may pag-asa yon kay Kath eh yung pinagsamahan nila na sobrang tagal sa abroad eh walang mangyayari?” sabi ni Neil.

“Oo nga bregs, baka nagoover-react ka lang diyan?” natatawang sabi ni Seth.

“HINDI! Sino bang kaibigan niyo? Yon o ako?” sabi ko. Basta, nababadtrip talaga ako. Nagtawanan sila. “Syempre ikaw” sabi nila.

Dj, kasal na kayo eh…natatakot ka pa?” sabi naman ni Kuya Mark. Iniangat ko ang mga paa ko sa kalapit na bangko. “BASTA! Kailangan kong bantayan ang asawa ko…” sabi ko.

Pagkasabi ko non ay mas lumakas pa ang tawanan nila.

 

KATH’S POV

Pagkaalis ni DJ ay madali na akong naupo. Si Daddy talaga, kunwari pang hindi kilala yung investor yun pala eh sinurprise din ako. Matagal din kaming nagkasama ni Dom, kaya parang miss na miss ko siya. Siya kasi ang isa sa mga taong nagpapatawa sa akin noon tuwing nahohome-sick ako.

Patayo ako para kunin ang isa kong file nung tumunog ang phone ko. May nagtext si Dj.

“If you need Kuya Jonjon, wala siya, pinauwi ko siya to pick up  MORE formal dress for you.

Yung mas maayos Kamahalan. At, susunduin kita mamaya. Wait for me

Nakunot ang noo ko. Akala ko nakalusot na ako, hindi pa pala. Napapangiti na lang ako. Wala akong magagawa, ganun talaga si Dj…..kaya ko nga siya mas minahal eh.

Nagustuhan mo ba ang regalo ko sa’yo?” biglang pasok ni Daddy at umupo sa upuan sa harap ng mesa ko.

Umayos ako ng upo. “Yeah” sabi ko.

“So….kamusta naman ang meeting?”

“Actually hindi meeting yon Dad eh, kwentuhan” sabi ko. Ngumiti siya.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon