CHAPTER 63
DANIEL’S POV
Two ng umaga ang call time namin. Sa suite na ako nagpalipas ng magdamag dahil dito rin naman ang location ng taping naming. Mas convenient at less pagod dahil mamayang alas sais ang uwi ni Kath galing Palawan at I promised her na susunduin ko siya.
“What time ka uuwi mamaya?” tanong ni Ate Osang habang naghahanda ako sa last na sequence.
“Pagkatapos na pagkatapos din susunduin ko pa si Kath sa airport eh”
“Hindi ka man lang magpapahinga muna?” tanong ng parating na si Patrisha.
Umiling ako. “7 am ang saktong lapag ng eroplano. Ayokong malate”
Hindi na siya nagsalita at nagparetouch na lang.
May kissing scene ang eksena na namin ni Patrisha. Nakakakaba dahil I never kissed any other girl mula nung nagpakasal ako kay Kath at kahit na parang trabaho lang eh parang nakakakaba din pala. Mabuti na lang at isang batikang actress na si Pat.
Nagumpisa ang scene pero parang wala sa huwisyo si Pat at lagi siyang nagkakamali. Ano ba?? Pati ba sa pagsundo sa airport ay madidisappoint ko ang asawa ko?
“Patrisha, it is just a simple kiss!” sigaw ni Direk.
“Sorry Direk” sabi lang ni Pat at umiwas lang ng tingin.
“It’s okay Trish…..we can do this” sabi ko lang at ngumiti siya. I calmed mysef at inisip ang mukha ng asawa ko. Sorry Honey kung palagi kong gagamitin ang mukha mo everytime na may intimate kaming scene ni Patrisha. I just really can’t imagine yung truth na hindi ikaw ang nasa harap ko.
KATHRYN’S POV
Maaga pa lang ay nagtext na si Dj na susunduin niya ako sa airport at dahil don ay nalightened up ang mood ko ng kahit na paano. I saw the pics nung taped interview nila kahapon at sobrang nangigigil ako sa babaeng higad na yon. Feelingera!!!
“Parang hindi maganda ang gising ng buntis huh” nagulat ako sa pagsulpot nila Dom sa likod ko. I’m with CHARMS. Nagaalmusal kami ng sabay sabay.
I smiled. “Mag-almusal na kayo..” sabi ko. “Good morning girls” bati ni Nie. CHARMS greeted her back at isa isa kaming bumeso sa kanya.
“Ate Kath do you have fun for the entire team building? Mukhang missing in action ka all the time” sabi niya habang nakahawak sa sandalan ng upuan ko.
“Alam mo naman, hindi ako pedeng mapagod eh…”
“Andyan naman yung doctor mo eh”
I sighed “Ikaw, kamusta? May hang-over ba?”
“Konti …pero okay lang naman. ”
“Thank you…because everyone seems so happy last night” sabi ko. She just smiled lang niyaya na sila Jerome na kumuha ng food.
“Gwapo yung boyfie no kaso ang tahimik” sabi ni Kiray at ininom ang kape niya. I looked at Jerome’s direction.
“Kung makatingin akala mo may gusto sa akin eh” binalik ko ang tingin kay Kiray. “Funny” sabi ko at nagkwentuhan na ulit kami tungkol sa mga bagong pinagkakaabalahan ni Yen. Kinuha ko na rin yung mga last moments para magpicture with the kids.
“Bukas bukas Kathryn may makukulit ka na rin na mga chikiting” sabay akbay ni Kiray. “Inggit ka?” sumimangot lang siya. “Tita Kath punta tayo sa beach…I’ll get some pebbles again…please??” sabi ni Kylie.
BINABASA MO ANG
LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)
FanfictionSiguro nga, walang rason kung bakit ako nagmamahal… Pero kung meron mang isa…. Ikaw lang ang dahilan, wala ng iba.