CHAPTER 93

53.1K 665 54
                                    

CHAPTER 93

DANIEL’S POV

I am lucky to have such a wonderful friends. Alam mo yung kaya nilang magsakripisyo para sayo? Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.  Syempre medyo nalulungkot wala ng career ang SERENITY pero sabi nga nila, “ Wala mang gigs o concert o ano man, Serenity will always be Serenity”. Tama.  Napagkasunduan na naming mag quit na dahil sa mga pangayayari. Kathryn was right all along. Si kuya Mark na ang bahala sa contract namin sa SBN, ayoko ng masyadong pang isipin iyon, ang mahalaga ngayon ay makauwi at masabi kay Kath ang nangyari, alam kong ikakatuwa niya ang surpresa ko.

Mula sa airport ay dumaan na muna ako sa flower shop para bumili ng favorite niyang bulaklak.

“Napakaswerte po ng asawa niyo” sabi nung sales lady.

“Mas maswerte ako sa kanya” sabi ko at kinuha ang mga bulaklak at nagmadaling umuwi ng bahay.

Dala dala ang isang bouquet of tulips ay nagdrive na ako pauwi sa bahay.

Pagdating ko sa bahay ay madali akong pumasok sa loob.

“Ui Ate nakabalik ka na pala?”

Wala siyang kibo. Akala ko hindi lang niya narinig.

“Te Lorna si Kath?”

Hindi pa rin siya kumikibo. Nakaupo lang siya sa sala.

“Te lorna?” Yumuko lang siya at madali akong umakyat, medyo kinabahan na ako. To found out, Kath was nowhere around. I looked at the cabinet and I found out na wala na ang iba niyang damit doon, rather I found a letter.

“Daniel,

     Sorry. Sorry for leaving you again. This is hard for me but this is the best thing I can do for you. I really wanted to support you all the way but siguro mas mabuting  wala ako sa tabi mo. It hurts seeing you na  nahihirapan ka choosing how to manage your career and our life together.

    Siguro nga it is better when we’re not together. I love you Honey and please don’t try to find me. I’ll come back as soon as everything’s okay. Take care of yourself. Always remember that I am very proud of you.

   Your number one fan,

   Kathryn.

Nalukot ko ang papel at napatakbo pababa. “Where did she go?” tanong ko kay Ate Lorna. “ Hindi ko alam” umiiyak siya.

“Si Donya Theresa ang kasama niya, iniwan ko lang sila kasi inutusan nila kami ni Jonjon tapos ayun.. pagbalik ko.. wala na” patuloy parin siya sa pagiyak.

Madali kong kinuha ang susi ng kotse at pinaharurot ito palayo. No. Hindi na ako papayag na mawala pa si Kath ulit. Ayoko na. Hindi ko na kaya.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon