Bawi-bawi din pag may time :)
- maganda rin siguro yung idea na magbenta na lang ako ng yelo sa avatar kesa magsulat :P
Ang chapter na walang Patrisha Soliman :) Enjoy!!!
CHAPTER 73
Mabigat pa ang mata ko pero pinilit ko pa ring imulat ito. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na natulog. “Honey????” nagising ako ng wala si Kathryn sa tabi ko. Pumasok na siguro sa opisina.
Tumayo ako at bumaba para uminom ng tubig. Magulo pa ang buhok ko at hindi maayos ang suot kong putting t-shirt at pajama. Pababa ako sa kusina ng may marinig akong kalansing ng mga kutsara. Naghahanda na siguro ng almusal si Ate Lorna.
Tumuloy ako sa kusina ng mapatigil ako sa nakita ko. Kath is washing dishes. Mukhang handa na ang almusal. Naka-apron siya at nakasuot ng gloves habang busy sa paghuhugas. Napangiti ako.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya. “Hon” medyo nagulat siya pero mas hinigpitan ko ang hawak at inilean ang ulo ko sa buhok niya. Kung pwede na lang na ganito na lang kami habang buhay…
“Kamusta na ang pakiramdam mo??” hinubad niya ang gloves niya at humarap sa akin. Itinaas niya ang kamay niya at hinawakan ang nook o. Aalisin na sana niya ng hawakan ko ang kamay niya.
“Ouch!” pinilit niyang hinila ang kamay niya pero di ko ito binitawan.
Tiningnan ko ang kamay niya at nakita kong may namumulang parte malapit sa wrist niya.
“Tsk ..tsk..tsk” I look at her. Umiwas siya ng tingin at pinilit na ngumiti.
I kissed her hand. “Halika nga at gamutin natin” lumapit kami sa medicine cabine at kinuha ko ang ointment. I gently applied it. Sobrang tahimik naming dalawa nung mga moment na yon. Walang nagsasalita…..basta mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Kath.
“I’m sorry” sabi ko para basagin ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.
“Para san??” sabi niya.
“Hon…”
“Pinatawad na kita….at pilit ko ng kinakalimutan yon” gusto kong maiyak sa sagot niya. Paano niya nagawang kalimutan? Kahit wala naman talagang nangyari at isang malaking misunderstanding yon ay alam kong nasaktan siya. Kinakalamutan na niya at napatawad na nya ako…mahirap gawin pero yon ang sinabi niya. Kung paano niya kinaya ay ewan ko na…hindi ko alam.
Niyakap ko sya ng mahigpit. “I love you……..I love you so much” I said at nagstay ng ganoon lang.
KATH’S POV
“Nasabi mo na ba kay Dj yung balak mo?” tanong ni Julia nung dumalaw sila para kamustahin si Dj. Nasa veranda si Dj kasama sila Diego. Tiningnan ko ng matalim si Julia para sabihing kasama naming si Ate Lorna.
“Heh!” matabang na tawa na niya. “Te Lorn, sumisexy ka……..inlove ka??” pagbibiro niya kay Te Lorna.
“Iba talaga nagagawa ng pag-ibig” segunda pa ni Kiray.
“Te Lorns paki hatid na muna po ito kina Dj” utos ko kay Ate Lorna para dalhan ng kape ang mga boys. Para rin hindi niya marinig kung ano yung pinaguusapan namin.
“Kayo talaga..sige na dito na ako” kinuha niya ang tray at umalis.
“Hindi. Promise!!” pahabol pa ni Yen at nagtawanan kami.
BINABASA MO ANG
LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)
FanfictionSiguro nga, walang rason kung bakit ako nagmamahal… Pero kung meron mang isa…. Ikaw lang ang dahilan, wala ng iba.