Chapter 4

152K 1.3K 84
                                    



Chapter 4

Magkakasama ang pamilya namin nila Kath at ibang bisita sa lawn. Bago ako umakyat sas kwarto nila Diego ay sinilip ko muna sila roon at nakita kong kinakausap ni Lolo si Mamita at Lolo Henry. Ako naman ay nasa kwarto nila Diego.

Grabe Tol, natameme ako ng mameet ko for the first time Tsong si Mamita” sabi ko habang nakahiga sa kama.

Nagulat ako ng may tumamang unan sa mukha ko.

Anong niyayabang mo kanina kay Kath? Hahahah” sabi ni Degio at nagtawanan sila ni Anthony.

Syempre, di ko pwedeng sabihin sa kanyang natatakot ako sa Lola niya, mamaya gamitin niya pa yon laban sakin. Marunong pa naman na yong mam-black mail” sabi ko.

hahahah…eh ikaw naman ang nagturo dun eh” sabi naman ni Anthony.

Mga tsong, bilib na ako sa Papa ni Kath, akalain mong natiis niya ang ganoong in-law?” sabi ko.

“Loko, may makarinig sa’yo baka maagang mabiyuda si Kath” sabi pa ni Diego at mas lumakas ang tawanan.

Hay naku, Chandria…” sabi ko. mas lalo pang lumakas ang tawanan ng dalawa.

Ano bang nakakatawa?!?” sabi ko sabay bumalikwas ako ng tayo.

Para ka kasing sira…” sabay pa silang dalawa. Tumayo ako at inihagos ang unan kay Anthony.

“Maiwan ko na nga kayo….imbis na pagaanin niyo ang loob ko dyan kay Mamita, gumagatong pa kayo. Hmp!” sabi ko tapos lumabas na ako ng kwarto nila.

 

KATH’S POV

Pabalik na ako sa kwarto, dahil kabilin bilinan ni Ate Sophie ay wag daw akong magpuyat para maiwasan ang dark circles sa mata. Naglalakad na ako sa lobby ng biglang may humawak sa kamay ko at hinila iyon. Namalayan ko na lang na tumatakbo na kaming dalawa. Sino pa ba? Eh di si Daniel Padilla.

Tumigil lang kami sa pagtakbo ng marating namin ang magiging venue ng kasalan namin. All set na ang venue.. Yung mga bulaklak na lang ang ilalagay bukas. Narito na rin ang white carpet na lalakaran namin papuntang altar.

Nagulat ako ng ipinuwesto niya ako sa dulong bahagi ng carpet at siya naman ay pumunta sa may bandang unahan. Para kaming mga batang naglalaro ng kasal-kasalan.

Ano to practice?” sigaw ko sa kanya. Mabuti na lang at kaming dalawa lang nag naroon.

Oo!!” sabi niya.

I smiled at naglakad na sa carpet. I took off my slippers and walk in the aisle. He was there at the front and act as if he’s waiting for me. Alam mo yung feeling mo na kinikilig ng sobra? Ganito yun.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon