Chapter 40

114K 791 60
                                    

CHAPTER 40

KATH’S POV

“Hon, kelan mo sa akin sasabihin ang about sa Team Building??”  tanong ni Dj pagkasakay na pagkasakay namin sa kotse.

“Tonight sana pero alam mo na eh” sabi ko. I am smiling sa pagaakalang okay lang ang lahat sa amin ngayon pero parang hindi. Tahimik pa din siya at halos magdikit na ang kilay.

“Hon??” hinawakan ko sya sa balikat.

Hindi siya umiimik. “Honey…..ngayon ko naman talaga sasabihin eh…kasi hindi ko pa naman sure ang lahat ng details” sabi ko.

Hindi pa rin siya umiimik.

Lumapit ako at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Nagtatampo marahil  dahil akala niya naglihim na naman ako sa kanya.

“Sorry na…..hindi ko naman alam na magagalit ka….sorry na…..” panglalambing sya.

Hindi pa rin niya ako pinapansin. Umayos ulit ako ng upo at tumingin na lang sa labas ng bintana. Galit siya…alam ko…anong gagawin ko??

DANIEL’S POV

Childish na kung childish pero hindi ko magawang hindi mainis na ako na lang ang hindi nakakaalam about that TEAM BUILDING! Ang masaklap pa don…Company Team Building yon…at ang mas masaklap……kasama  niya si Dom at may possibility na wala ako don para bantayan ang lalakeng yon sa paglapit sa asawa ko.

Naglalambing na si Kath at alam kong nagaalala na siya dahil hindi ako umiimik. ANONG SASABIHIN KO???? basta naiinis ako…naiinis ako …naiinis ako!

After ialng attempt niya ay sumuko na siya sa paglambing sa akin. bumalik siya sa upuan niya at tumingin sa labas ng bintana. Kathryn Chandria! Ikaw ang may kasalanan nito pero parang ako yung naguiguilty dito!!

Sa sobrang inis ay inihinto ko ang kotse sa isang tabi.

She looked at me.

Direcho pa rin ang tingin ko sa daan.

“Deej…sorry” sabi niya. Asan na ang honey?

“Sasama ako” sabi ko. “Huh?” tanong niya.

“Sasama ako sa team building sa ayaw mo’t sa gusto” sabi ko. “Anong ayaw?? Wala akong sinasabing ayaw kitang makasama noh” sabi niya.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon