PART 7
ELAINE’S POV
After kong kumanta parang sobrang hiyang hiya ako. Oo, I can sing pero parang nawala ata ang confidence ko pag ganitong mga tao ang kaharap ko. Halos hindi ko nga masimulan ang kanta kanina eh pero dahil mas lalong nakakahiya kung hindi ko na itutuloy eh sumige na ako.
After kong kumanta ay nagpalakpakan sila, pero nung tiningnan ko si Kevin, ayun wala siyang reaction. Kakadisappoint.
“Ganda ng boses mo” sabi ni Ate Roanna nung bumalik ako sa upuan ko. Grabe tong mayayamang to, ang simple lang ng trip. Hindi rin pala naiiba sa aming mga hindi ganoon kayaman.
Nawala lang ang kaba ko nung kumanta na si Kylie tapos sinundan ni Ate Roanna. Ang masasabi ko lang, mabuti’t maganda sila. Hahaha.
Napapalagay na ako sa kanila, sayang nga at wala si Kathryn. Nakita kong pumasok sila ni Daniel sa bahay kanina. Baka nagpapahinga. Nagtatawanan kami nila Kylie ng mapansin kong wala si Ced. Oo nga pala, asan na pala yon? kanina after maglunch parang nawala ang batang yon huh? Nasan naman kaya? Naku! Wag lang siyang gagawa ng kalokohan at bibigyan ko talaga siya ng ultimate pingot.
“Elaine?” tanong ni Queenie. Siguro nahalata na rin niya na parang may iniisip ako.
Tumingin ako sa kanya.
“Ah eh, yung kapatid ko parang hindi ko napapansin eh” sabi ko.
Luminga linga din siya….”Baka andiyan lang yon, namasyal” sabi niya. “Pwede bang hanapin ko lang?” sabi ko.
“Okay…go ahead” sabi niya. lumingon ako sa lamesa nila Kevin par asana magpasama siya ng wala siya. Asan naman kaya yun??
Tumayo ako at nung may nakasalubong akong isang katiwala ay tinanong ko kung nakita niya si Kevin. Mas madali ko sigurong makikita si Ced kung katulong siya.
“Ah si Sir po? Nasa mansyon po Ma’am” sabi niya.
Tumango ako. “Salamat po” sabi ko at tumuloy na ako sa mansyon.
KEVIN’S POV
Mukhang napapalagay na si Elaine sa company nila Ate Roanna kaya naisip kong iwan na muna sa kanya ng hindi nagpapaalam. Na low bat kasi ang phone ko kaya babalik ako sa kwarto para i-charge doon. Pagpasok ko ng mansyon ay saktong palabas naman si Kath.
Alam mo yung feeling na kakaiba? Kasi wala na akong maramdaman pagnakikita siya. Hindi kagaya noon na parang ang sakit sakit. Ngayon…yung parang normal na lang…
BINABASA MO ANG
LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)
Fiksi PenggemarSiguro nga, walang rason kung bakit ako nagmamahal… Pero kung meron mang isa…. Ikaw lang ang dahilan, wala ng iba.