Chapter 9

139K 1.1K 152
                                    

I dedicated this chapter to MarielaAbarquez

CHAPTER 9



KATH’S POV

Maaga akong nagising ngayon, actually inagahan ko talaga dahil may plano ako. Ang plano? Ipagluto ko ang mister ko. Palihim kong kinausap ang mga nagluluto sa amin para hindi na rin sabihin kay Dj. Maingat akong tumayo at iniwan si Dj sa kama. Tulog na tulog pa siya, pagod kasi ito dahil sa ginawa namin kahapon. Wag madumi ang isip, nag-treking kami. Paanong hindi mapapagod eh halos kargahin ako.

Maingat akong lumabas ng kwarto, ayokong magising si DJ. Si Dj pa naman ang taong konting galaw lang eh nagigising. Mabuti lang at mahimbing pa siyang natutulog. Pagkasara ko ng pinto ay nagmadali akong bumaba at pumunta sa kusina.

Madali kong kinuha ang mga gagamitin ko sa fridge. Eggs, hotdogs, bacon and hotcake mix. I put on my apron at lumapit sa stove. Huminga ako ng malalim at binuksan ang stove. I don’t like fires….nakakatakot lang talaga. Kinuha ko ang frying pan at ipinatong sa stove. Nung umuusok na ito ay nilagyan ko na ng cooking oil. Pano ko nalaman to? Well, thanks to Ate Lorna for the info. Talagang nagpaturo na ako sa kanya bago pa ang kasal.

Nung umuusok na ang frying pan ay nilagay ko na ang hotdogs. Akala ko magiging madali ang buhay ko, pero hindi. Ang hotdogs ay parang hate na hate ng mantika. Feeling ko may fireworks display. Nakakatakot. Hindi ako halos makalapit sa kawali para haluin. Mga isang metro yata ang layo ko. Nung parang nasusunod na ay nilakasan ko na ang loob ko at pinatay ko na lang ang stove. Ilang saglit lang ay nawala na rin ang rambol. Nakahinga na ako ng maluwag.

Next is bacon. Kung nung sa hotdog, fireworks display. Iba naman tong sa bacon. Grabe, happy new year ang peg?? Bakit ba kasi parang nakakainis ang mantika today? Ayaw makisama? To avoid from burning, pinatay ko na lang ulit. Wala pa yatang isang minuto na naluluto …bahala na. Hindi ko maintindihan pero parang naiistressed ako. Mas stressful pa to kesa sa mga paper works na naiwan ko sa opisina ko. Kailangan ko na sigurong tanggapin na cooking is never been and never will be for me. 

Pero, dahil naumpisahan ko na, ayoko namang itigil na lang. Sabi nga nila, practice makes perfect. So kinuha ko ang mga itlog.

1st egg. Binasag ko, pero hindi na nashoot sa pan rather sa apron lahat napunta. FAILED.

2nd egg. Binasag ko gamit ang kamay ko. Ayun, nagtalsikan lang sa akin yung white nung egg. FAILED.

3rd egg. Pinalo ko ng tinidor, like what Ate Lorns was doing, nabasag nga, kaso napasama pati egg shells. FAILED.

Huminga ako ng malalim nug hawak ko na ang pang-apat na itlog. God, help me…..please????

Pinalo ko ulit ng tinidor, then I poured in on the frying pan. Gotcha!!! Pero akala ko tapos na ang kalbaryo ko, shocks pano ko to ibabaliktad? DJ wants a sunny side up egg. Pano ko lulutuin yung taas??? Pwede bang hilaw na lang yun??

Hmmm….I tried na ibaliktad ang itlog…..kaso yung kaninang sunny side up, ngayon iscrambled egg na. Whatever. So I moved on to the pancake mix. Dahil marunong naman akong magbasa, nagawa ko ng tama ang pagluluto. Kaso ang mahirap lang talaga ay yung pagkuha na sa pan. Ang kinalabasan? Scrambled pancakes.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon