CHAPTER 85
KATH’S POV
Maaga akong nagising. Tulog pa si Dj sabi ni Ate Lorna. Sa guest room ako natulog kagabi.
“San ka pupunta?” tanong ni Ate Lorna.
“Sa hospital”
“Ba’t hindi mo isama si Dj?”
“Mag-kaaway kami”
“Alam ko, hindi ka naman matutulog sa guest room kung okay kayo eh”
“Kaya nga hindi ko siya isasama kasi magkaaway kami” padabog akong tumayo at sumakay sa kotse ko. “Kath, hindi ka ba magpapahatid kay Jonjon?” habol niya hanggang marating ko ang garahe.
“Sabihin mo kay Dj na hindi ako nagpdrive huh…” sabi ko sa kanya at nilock na ang pinto ng kotse. “Kath!” I started the engine at napilitan siyang buksan ang gate. Hindi ko na siya nilingon.
ALTHEA’S POV
Kakatapos ko lang magjogging ng makatanggap ako ng tawag mula kay Mamita, lola ni Kathryn.
“Hi Mamita”
“Hi Althea…how are you?”
“I’m fine. Kakatapos ko lang mag-jogging”
Umupo ako sa couch at nagtanggal ng Rubber shoes habang kausap ko si Mamita.
“I’m worried about Kathryn”
“Why?”
“Wala akong update ako sa kalagayan niya…hindi siya nagpapacheck up sabi ni Lorna..baka naiistress na siya”
Hinayaan ko siyang magsalita. “Hindi naman yun masyadong nagkukwento these past few days”
“Are you thinking na pwedeng kapareho to nung kay Tita Bernadeth?”
“I don’t want to be so negative but napaparanoid ako. I want to be sure that she is -
“I understand”
Their family has a history ng nalalaglagan ng baby.
“I’ll convinced her at babalitaan ko po kayo sa magiging findings”
“Thank you”
“No problem”
“Bye Iha..”
“Thanks Mamita!” paalam ko sa kanya at pasumandali akong nagpahinga. Convincing Kathryn is one of the hardest part of being her Doctor and cousin. Tried and tested na ang katigasan ng ulo niya kaya nga parang gusto kong irefer siya sa iba nung sabihin niyang ako daw ang gusto niyang maging Doctor. Pagkapahinga ko ay pumunta na ako ng shower para makapaghanda sa pagalis. Pupunta ako sa isa kong kaibigan sa isang private hospital sa Manila.
30 minutes ang drive ko papuntang hospital na yon. Hindi naman na rush hour kaya di ako naipit sa traffic. Pagkapark ko ay patakbo na akong pumasok sa loob.
“Kay Doctor Cheena Sy” sabi ko sa nurse na nasa reception.
“May appointment po kayo?”
“She’s expecting me”
Ngumiti ang nurse at dumial. “Your name Ma’am?” baling ng nurse sa akin. “Althea Sison”
“Yes Doc” sabi nya at ibinaba ang telepono. “Ma’am may pasyente lang daw po siyang kakausapin pero pumunta na daw po kayo sa office niya sa 5th floor”
“Okay. Thanks!” sabi ko at nung pagtalikod ko ay nakita ko si Kath na palabas ng elevator. Medyo nagulat pa ako dahil medyo malayo ang hospital na to sa bahay nila. Nagmamadali pa itong palabas.
BINABASA MO ANG
LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)
FanfictionSiguro nga, walang rason kung bakit ako nagmamahal… Pero kung meron mang isa…. Ikaw lang ang dahilan, wala ng iba.