CHAPTER 83
DJ’S POV
“Deej!!! Si Dom ba talaga to o kapangalan lang?” sabi ni Lester na nakaharap sa TV. Gabi na ng matapos ang huli naming gig kaya ngayon lang kami nagkaroon ng pagkakataong makanuod ng TV, it’s 11:00 PM to be exact.
Pabagsak akong tumabi sa kanya at napako ang paningin ko sa wasak na sasakyan ni Dom. “Si Kath???” mabilis kong naisip si Kathryn.
Patalon akong umalis sa sofa at tumakbo sa kwarto. Hinanap ko ang phone ko at ng makita ko ay mabilis kong dinial ang number ni Kath.
Ilang ring ang nakalipas bago niya sagutin.
“Hon?!”
“Honey…” halatang kinakabahan siya.
“Are you okay?” sobra akong nagaalala sa kanya.
“Hindi pa okay si Dom…hindi pa rin siya nagkakamalay…Honey…natatakot ako” umiiyak na siya. Parang gusto kong pasukin ang telepono para instant ko siyang makasama.
“Kathryn, relax…everything will be fine Honey….breath…”
Patuloy lang siya sa pagiyak. Ramdam ko ang pagaalala niya.
“Ho----ney…” nginig na nginig ang boses niya. Kung pwede lang liparin ko ang kinalalagyan ni Kathryn, gagawin ko. Yayakapin ko siya ng mahigpit at aalisin ang ano mang negative na feeling na nararamdaman niya.
“Shhhh…….relax Honey…I’ll be there as soon as I can” sabi ko. “Stay calm….mamamatay ako sa pagaalala sa’yo”
Mahihinang hikbi ang narinig ko from her at mula sa background ay narinig kong dumating na sila Kuya Karl. I heard his voice. Maya maya ay wala na si Kath sa kabilang linya. Alam kong kailangan niya ng makakasama. I know Kathryn, mahina yon sa mga ganitong bagay at madali yong magbreakdown.
Palabas ako ng kwarto ng biglang pasok ni Kuya Mark.
“Book me a flight to Manila, Kath needs me” sabi ko.
“I heard the news, sige gagawan ko yan ng paraan pero kailangan mong bumalik dito”
“Oo, basta pauwiin mo ako ngayon dahil kailangan ako ni Kathryn” sabi ko at kinuha ang jacket ko at bumaba na sa lobby ng hotel at sumakay sa taxi na pinahanda ko.
Tama nga sila, kahit anong gawin ko may parte na si Dom sa buhay ni Kathryn. Ayoko man pero wala na akong magagawa, mahalaga sa kanya si Dom at nagrereact siya ng ganito dahil importante ito sa kanya, kaibigan niya si Dom…malapit na kaibigan lang.
KATH’S POV
“We need to talk” sabi ko kay Nie. Kanina pa siya dumating dito pero wala man siyang sinasabi sa akin na kahit na ano. It’s 3AM in the morning pero hindi pa rin ako umaalis dito. Sobrang nabuburden ako, feeling ko tama yung sinasabi ng sulat…ako ang may kasalanan.
“Ate Kath, you need to rest…umuwi ka na muna” sabi niya.
“Nie, san ka pumunta?”
“You look like a mess Ate. Go home, ako na bahala kay Kuya” sagot niya na sobrang layo sa tanong ko.
BINABASA MO ANG
LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)
FanfictionSiguro nga, walang rason kung bakit ako nagmamahal… Pero kung meron mang isa…. Ikaw lang ang dahilan, wala ng iba.