CHAPTER 60

101K 859 170
                                    

CHAPTER 60

KATHRYN’S POV

Nakaset ng 3am ang orasan ko. Pero nagigising ako hindi dahil sa tunog ng alarm kundi sa mahinang paghum ni Dj malapit sa tenga ko. Dahan dahan akong nagmulat.

“What time is it?” tanong ko.

“3am. I turned off your alarm…I want to be the one who wakes you up Honey” my ever loving husband said.

“Good morning” I greeted him and hug him so tight.

“Good morning wife….good morning baby” sabi niya.

Pareho kaming sumandal sa headboard habang nakaunan ako sa braso niya. “Wala ka pang tulog no?” sabi ko.

He smiles and kiss my hair. “Marami akong tulog pag nasa set at hindi ako ang sasalang…don’t worry about me” sagot niya. “Ikaw, how’s your day?”

Ayun, naiyak dahil sa mga masasakit na sinasabi ng mga fans mo! Yon ang gusto kong sabihin pero alam kong exhausted na siya. Bakas yon sa mga mata niyang kulang na kulang na sa pahinga.

“I’m good. Pumunta kami ni Dom sa Cavite para mag store visit don” sabi ko. “Bakit kailangang si Dom lagi ang kasama mo. Misan yung secretary mo naman ang isama mo” sabi niya.

“What?”

“I mean si Shiela, nabuburyo na yon sa opisina…minsan kayo naman ang umalis na dalawa”

“So kung si Shiela ang isasama ko? sino pang magbabantay sa office ko at maguupdate sa akin pag nasa labas ako aber?” tumingin ako sa kanya. Umiwas siya ng tingin. “Eh di si Dom” seryoso niyang sabi at kinurot ko siya sa tagiliran. Tumawa siya.

“Sira talaga to”

“Nagaadvice lang naman ako..mamaya mawalan ka ng secretary kasi nabore sa office”

“Hay ewan ko sayo..tumayo ka na nga diyan…mag-almusal na tayo” sabi ko.

Pagbaba nga namin ay nakahanda na ang almusal. “Ate Mercy, si Ate Lorn?” tanong ko. “Nagiimpake po Ma’am” sagot niya. Kasama ko kasi si Ate Lorna at Kuya Jonjon.

I seated on Dj’s lap. “Nakakamiss kang kasabay kumain…” sabi niya.

“You mean…inisin, sermonan at bantayan habang kumakain?” I look at him. “Kasama na rin yon” sabi niya and he kiss me on the lips.

Feeling ko bagong kasal kaming dalawa. I miss yung mga kulitan moments namin pagkumakain. They way na susubuan niya ako tapos susubuan ko siya tapos hindi ko itutuloy at sisimangot siya. I miss my husband.

“Hon, kinakamusta ka ni Patrisha” sabi niya habang nagreaready na kami sa pag-alis. Nagchange lang siya ng pants at jeans dahil hindi pa siya pwedeng maligo dahil wala pa siyang tulog.

I am currently brushing my hair. Bahagya akong napatigil ng marinig yon. “Really??”

“Yes. Minsan kaya padalawin ko siya dito so you and her will get to know each other more”

What the?! Honey…kilalang kilala ko na ang babaeng yon at alam mo gusto ka niyang agawin sa akin! Parang gustong sumigaw ng utak ko.

“Ano sa tingin mo?” segunda niya.

“W-why not?? I think that’s a good idea” napalunok ako sa sagot ko. Pero sabi nga diba? Keep your friends close but keep your enemy closer.

“On your birthday? Malapit na yon” sabi niya.

“Malapit ba yung 7 months from now?” sagot ko. Tumango si Dj. “Okay…and please do tell her na kinakamusta ko din siya” sabi ko.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon