CHAPTER 59
KATHRYN’S POV
Bago umuwi ay nakipagkwentuhan na muna ako kina Ate Sophie at Ate Amy habang pinapatulog ng mga yaya ang mga bata sa itaas. Nasa veranda kaming tatlo.
“Ate Sophie are you still afraid on giving birth? I mean this is your second time na eh” I asked.
“Mas takot kasi I know how painful it is…kung hindi lang talaga blessing ang mga baby…tama na si Matt eh”
“Tama..kaya nga naiinis ako pag nakakakwentuhan ko yung kapatid kong si Cheska. Nurse siya sa public hospital at lagi yung nagkukwento about sa mga nagpapa-abort”
“Really? Kawawa naman yung mga baby no?” sabi ko. “Tama. Sa dami ng hindi magkaanak ngayon…grabe sila” sabi niya.
“Speaking of hindi magkaanak, grabe alam mo bang sobrang naawa ako dun sa isa kong friend. Alam mo yung 10 years na silang kasal huh, mula college hindi mo sila mapaghiwalay nung lalake kaya nga hindi na kami nagtaka na nagpakasal na sila 10 years ago..pero ang masakit maghihiwalay na sila ngayon” kwento ni Ate Sophie.
“Why?” tanong ko na super affected.
“Dahil hindi sila magka-baby” sagot ni Ate Sophie. “Just because they can’t have a baby? So sad” sabi ko.
“Nung una, kaya pa nila eh pero dumating yung time na naghanap na yung lalake ng anak…pero she doesn’t have the capability to bear a child. So ayun, nagkaron the other woman at nung nabuntis, the man decided to leave her”
Napahawak ako sa bibig ko. “Grabe naman yung lalake” naiinis na ako ng konti.
“Kathryn, sabi nga nila a family is composed of a father, a mother and a child. So pano mo matatawag na pamilya kung walang anak?”
“But you made a vow that no matter what happened you’ll going to stick together, right?”
“Mas madaling magpayo kesa tumanggap ng payo Kathryn. Siguro nasasabi natin to kasi we’re not on their shoes” sabi ni Ate Amy.
“Pero kahit na….kahit na…” sabi ko na lang.
Hanggang bahay ay yong babaeng friend ni Ate Sophie ang naiisip ko. Paano na kaya siya? Kawawa siya diba? Kasalanan niya bang hindi siya magkaanak?? Grabe naman yung lalake na yon…mabuti na lang iba si DJ…baby…you’re one of the best thing happened to me and your Dad. Thanks for existing.
Nagising ako ng tumunog ang alarm clock ko. Halos hindi ko na naramdaman yung paguwi ni Daniel. Kung hindi lang siguro ako nakakita ng note at bouquet ng tulips sa side table ay iisipin kong hindi siya umuwi.
Kinuha ko ang note at binasa.
Dear Honey,
Sorry kung medyo mamimiss mo ako ngayon. Hindi na nga ako natulog dahil mas nagenjoy akong panoorin ka habang natutulog. I don’t want to miss everything about you. Kahit na konting pagtaba ng pisngi gusto ko alam ko.
BINABASA MO ANG
LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)
FanfictionSiguro nga, walang rason kung bakit ako nagmamahal… Pero kung meron mang isa…. Ikaw lang ang dahilan, wala ng iba.