CHAPTER 95

53.4K 1.3K 1K
                                    

CHAPTER 95

Hindi ko alam kung ilang oras na ako nakakatulog nung nagising ako dahil sa matinding pagsigaw ni Kath.

“Arghhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw niya. “Hon!!!”

Ngayon na ba???? Hindi ito kagaya nung pagsakit sakit lang ng tiyan niya…alam ko..nararamdaman kong ito na yung oras na sinasabi ni Althea.

Patuloy siya sa pagsigaw. Madali ko siyang binuhat pababa at nakita kong paakyat na rin sila Ate Lorna kasunod sila Mamita.

“Pakitawagan si Althea” utos ko at madaling sumunod si Ate Lorna. Si Mamita naman ay sinamahan ako hanggang kotse. She opened the door at isinakay ko si Kath.

I am just wearing a boxer shorts and sando pero wala akong pakialam. Namamanhid ang buo kong katawan. Ito na ba yung araw na yon??????

Tinitingnan tingnan ko sila mula sa rear view mirror. Mamita is hugging Kathryn.  The pain is covering my weak wife.

Pagdating namin sa hospital ay andon na si Althea. She guide us papasok ng emergency room.

Tinutulak ko ng mabilis ang stretcher.

“Hon, take care of him…….take care of him” yun yung pilit niyang sinasabi habang nakasakay siya sa stretcher.

Tumatango ako, siguro…oo.. yun siguro yung ginawa ko. I want her to be assured. I want her to be at peace. Hindi ito yung panahon para kontrahin siya.

“I love you……” sabi ko.

“Love him” yun ung sabi niya bago siya tuluyang ipasok sa loob. I said “I love you” pero ito yung first time na hindi “ I love you too” yung sagot niya. Walang ding I love you more ….

“Hon…”

“Sa labas na lang po muna tayo Mister” sabi ng isang nurse. Hinabol ko na lang siya ng tingin. Nasa likod ko si Mamita. Hindi ako mapakali nung mga sumunod na sandali. Lakad dito lakad doon. Parang hindi ako napapagod, natatakot ako…sobra. Kaya siguro ganoon siya kagabi, ramdam na niya, alam na niya.

Maya maya ay dumating na sila Kuya Ken. “Kamusta na?” tanong niya.

“Nasa loob pa sila” sabi ni Mamita. Naupo ako sa isang sulok. Hawak ang ulo ko. Parang sasabog to.

“Anak?” dumating na sila Mama.

Patakbo niya akong niyakap. “Ma..” I sounds like the most miserable man. Ngayon ko lang napatunayan na mag-asawa man ang isang tao, pag may problema siya, sa magulang pa din siya kukuha ng lakas.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon