I dedicated this chapter to SmileGranatin! Thank you for loving my stories! Let's spread the Kathniel Love with our friends!!! Thank you!!
Chapter 5
DJ’S POV
Today is our big day.Everyone is busy preparing para sa seremony mayamaya. Sobrang aga kong nagising kanina, hindi ko nga alam kung nakatulog ba talaga ako o hindi na. Pero mabuti na lang at hindi ako nakakaramdam ng antok o kahit na ano…pure kaba and excitement.
Inaayos ko na ang buhok ko ng may kumatok.
“Come in….” sabi ko. Nakita kong pumasok si Mama. She’s smiling.
“Ma…….” Sabi ko sa kanya. nakabihis na si Mama at tapos na rin itong makapagmake-up.
“Ang gwapo naman ng anak ko.” sabi niya. pagkasabi niya non ay alam ko na, siguro bago talaga ikasal ang anak ay talagang kailangang mag-emote ng magulang.
I just smiled.
Kinuha niya ang coat ko sa ibabaw ng kama at isinuot sa akin.
“Thanks” sabi ko. Hinawakan niya ako sa dalawang balikat. Pareho kaming nakatingin sa salamin.
“I can still remember when you were a child; you don’t want to wear coats. Nagsusuot ka lang nito pag graduation or pag may program kayo sa school, tapos ngayon you wear it kasi…ikakasal ka na” sabi niya.
“Mama….masisira ang make-up mo” natatawa kong sabi.
“Ito naman, nageemote lang eh. Pagbigyan mo na ako ngayon.” Sabi nya. Humarap ako sa kanya at niyakap siya ng mas mahigpit.
“Ma, hindi naman ako mawawala eh…dadagdagan ko pa nga kayo” sabi ko.
“Alam ko naman yun eh. Nak, I am very happy for you. Kasi I know that you are happy” sabi niya.
“Thanks Ma” sabi ko habang yakap ko siya.
“Tententenen….tententenen……tententenen…” malalakas na kantahan ang narinig ko mula sa pinto. Pareho kaming napantingin ni Mama. Sila Kuya RJ.
“Bro!!!.....” sigaw nila. “Sorry Tita kung nakakaistorbo po kami huh?” sabi naman ni Kuya Matt na kasunod lang ni Kevin at JC.
Ngumiti si Mama. Minsan pang inayos ang coat ko at nagsabing “Intayin na lang namin kayo sa may garden” sabi niya sa amin at lumabas na.
“Ikakasal ka na, iiwan mo na ang buhay binata!!!! Welcome to the club DJ!!” sabi ni Kuya Matt na kasal na sa kanyang long time girlfriend last year pa.
BINABASA MO ANG
LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)
FanfictionSiguro nga, walang rason kung bakit ako nagmamahal… Pero kung meron mang isa…. Ikaw lang ang dahilan, wala ng iba.