CHAPTER 62

102K 830 397
                                    

CHAPTER 62


KATH’S POV

Bago kami bumalik ni DJ sa cottage ay dinaanan muna namin si Daddy tapos nung macheck naming okay na sya sa cottage niya ay si Nie naman ang dinaanan namin. Ang ibang mga empleyado ay nasa beach side at nagiinuman kasama ng ibang mga department heads.

“Ate Kath, Daniel” sabi niya nung binuksan niya ang pinto.

“Hi, dumaan kami to ask if you feel fine na” sabi ko.

“Yeah. Thanks nga pala” sabi niya. Tumango ako. “Pahinga din kasi” sabi ni Daniel. “Oo na nga” sabi na lang ni Nie.

“Where’s Jerome?” tanong ko.

“Kasama ni Kuya” sabi niya.

“Yung Kuya mo talaga..inagawan ka pa ng kapartner”

“Oo nga eh..ang dadaya nila” sagot lang ni Nie. “Why don’t you join Julia, Kiray and Yen? Nasa bar sila” sabi ko. Hinyaan na muna nila kami ni Dj kasi alam  nilang aalis na si DJ bukas.  “Sayan,g kaso I really want to rest na rin”

“Ahh ganun ba?…sige. Good night” I kissed her at nagpaalam na kami ni Dj at umalis na.

We are walking hand in hand pabalik sa bahay. Parang feeling ko magaabroad ang asawa ko dahil parang hindi pa nga siya nakakaalis at hello! Sa Manila lang naman siya pupunta ay parang nalulungkot na ako.

“Hon, sorry talaga kung puputulin ko na yung moment na tin huh?”

“Don’t worry Honey….but promise me na mag-o-out-of-town din tayo huh” sabi ko.

“Oo naman….” sabi niya.

Bago kami tuluyang pumasok ay tumambay na muna kami sa labas ng cottage. Masarap ang hangin doon. Malamig din pero dahil sa pagyakap ni Daniel ay parang hindi ako nakakaramdam ng kahit na anong lamig.

“Magbibilin na naman ako sayo”

Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang siyang magsalita. “Wag kang magtry na sumali sa mga laro bukas. Kahit wala ako eh babantayan ka ni Ate Lorna. Wag kang masyadong magpapakapagod at magpalipas ng gutom. Don’t wear swimsuit pag nagbeach kayo ng CHARMS. Wala ako dito para bantayan ka at protektahan ka sa mga mata ng iba diyan. Take a rest and avoid eating sweets and drinking tea. Take a nap and drink all your vitamins”

“Honey, nasa Manila ka lang diba?”

“Oo” sagot niya.

“Ang dami mong mga bilin…”

Kinurot niya ako ng bahagya sa pisngi. “Yaan mo na…sanay na ako eh”

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon