CHAPTER 46
KATHRYN’S POV
Dumaan na muna kami sa isang flowershop bago pa dumirecho sa BerCorp building. Never talaga niyang nakalimutan ang bulaklak ko at syempre masaya din ako kasi ayoko ng maulit ang pagpuno niya ng bulaklak sa office ko.
Ilang saglit lang ay narating na namin ang office. Ang ganda talaga ng umaga sa opisina paghinahatid ako ni Dj. Kung hindi lang siguro ako ang kasama nito ay nagpapicture na sa kanya ang halos lahat ng babaeng empleyado sa kompanya namin.
Hindi pa rin ako makapagisip ng kung anong gagawin ko para mamaya. Hindi naman ako nagaalala na hindi makapunta pero ang pinagaalala ko ay yung malaman ni Dj na may plano ang Charms ngayon at hindi ko yon pinaalam sa kanya. Pano pag nalaman niya? eh di lalo siyang maghihigpit? Naku naman…
“Hon okay ka lang ba?” tanong niya nung nasa elevator na ako. Hindi talaga ako mapakali. Alam kong malaking diskusyon na naman to pag nalaman niya ang planong pagtakas namin. At alam kong, yari din ako sa Charms dahil malamang ay sasabihin ni Dj ang plano kina Diego. Yari talaga kami nito.
“Ang lalim ng iniisip mo” sabi niya habang hawak ang kamay ko. “Ah yung sa presentation ko lang mamaya” pagdedeny ko. Paglabas namin ng elevator ay tumuloy na kami sa office ko. Nakasmile si Shiela na binati ako.
“Shiela paki-lagay sa vase” sabi niya at pumasok na kami sa kwarto. pagkalagay niya ng handbag ko sa mesa ko ay dumirecho na sya sa couch at nahiga. Gosh..wala ba siyang balak umalis ngayon o makipagkita man lang sa Serenity? Ang sama ko ba? Minsan na nga lang na blanko ang araw niya ay pinapaalis ko pa siya? Basta natatakot lang akong malaman niya ang plano. Masyado pa namang magaling magsikreto ang mga kaibigan ko.
“Hon, you want coffee?”
“Hindi tulog lang muna ako”
I slowly nod. Umupo ako sa upuan ko at inayos ang ilang mga folder na pinatong ni Shiela para pirmahan ko. “Honey, wala ba kayong lakad ng Serenity?”
“Wala sila nasa Gen. San. pa pero sa weekend makakasama natin sila”
Bahagya kong nasapo ang noo ko, mabuti na lang at hindi niya ako nakikita. “Sila Kevin? Si Kuya Rj?”
“Si Kevin? Mula nung naging sila ni Elaine, wala na yung inatupag kundi tumambay sa school..teka bakit ba?” nagulat ako ng bumangon siya at tumingin sa akin. “Huh?”
“Bakit mo tinatanong. Ayaw mo akong nandito?”
Mabilis akong umiling. “Hi- hindi…naisip ko lang kung ako nga sobrang namimiss ka pano pa sila na halos hindi mo na rin nakakasama?”
Parang feeling ko kinakain ko na yung bawat words. “Nagtetext naman kami minsan” sabi niya at bumalik sa pagkakahiga. Nakahinga ako ng maluwag.
“Hon, may meeting ako ng 10am huh”
“okay” simple niyang sagot at inumpisahan ko na rin ang mga dapat kong gawin.
BINABASA MO ANG
LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)
FanfictionSiguro nga, walang rason kung bakit ako nagmamahal… Pero kung meron mang isa…. Ikaw lang ang dahilan, wala ng iba.