CHAPTER 20
KATH’S POV
I am super excited for this day kasi maglilipat na kami. Actually yung mga damit lang naman namin ang dadalhin namin sa bago naming bahay dahil as per Mamita, mas okay na bago ang lahat ng gamit namin. New beginnings simply means new things. Hahaha.
Binili ni Dj ang two storey house na ito from his earnings. Yeah…walang tulong mula sa pamilya namin. Yon kasi ang gusto ni Dj na mangyari, yung bahay namin eh siya yung nagpundar para sa aming dalawa. Ang sweet diba??
Yung iba sa mga gamit namin ay binigay mostly ng mga kamag-anak. Grabe, ang daming nagsabing magtatampo sila paghindi namin ginamit ang binigay nila. Mabuti na lang at angkop naman sa interior color ng bahay na black, white and yellow yung mga gamit na binigay nila.
“Hon akyat mo na to sa taas” utos ko sa kay Dj. Ipinaakyat ko na ang mga bags namin para hindi na mahalo sa ibang mga box dito sa baba. Dalawa lang kaming magaayos dahil syempre iyon ang trip namin. Pahirapan ang mga sarili namin.
70% ayos na naman ang bahay. Even yung furnitures eh nakalagay na rin kung san sila dapat. Yung designer na ang nagayos nito, so ang aayusin na lang namin ni Dj eh yung mga decorations, yung mga personal things na dapat ilagay at all the picture frames na I am excited to put on.
Our home is composed of three bedrooms. Yung isa, pwede siyang irenovate as nursery para sa dadating naming baby, yung isa guest room at yung isa eh yung room naming dalawa. Sabi pa nga ni Loko kung pwede daw gumawa ng 14 rooms kasi daw 12 daw yung anak namin. Ang sabi naman nung architect, bakit hindi na lang daw hotel ang ipagawa niya. Nakakatawa talaga.
Our house is a two storey modern house. It is painted cream and black outside at more of white naman sa loob with a fine touch of yellow. Simple lang ang loob, hindi ganoon ka detail kasi parang pag masyadong maraming design eh parang naguguluhan ako.
Isa isa naming nilibot ni Dj ang buong bahay, inuna na muna namin ang sala then ang dining. Grabe…ang ganda dahil may tulips nang nakalagay sa ibabaw ng mesa. Afte non ay pinuntahan ko ang kusina.
Built-in na ang electric stove sa gitna like what Kris Aquino has. Nagustuhan ko yung kitchen ni Kris nung minsang nafeature ito sa magazine at mula noon ay yon na ang hiniling ko kay Dj.
“You like it??” tanong niya. sinundan niya pala ako. Tumango ako.
“Picturan mo na Hon” sabi niya.
Nilingon ko siya. Nagtataka ako sa sinabi niya.
“Alam ko kasing pag tapos mong lutuin ang isang putahe dito ay parang dinaanan na to ng bagyo” sabi niya at tumatawa.
“Ah ganon??” sabi ko at sinimangutan ko siya. “Ang yabang mo” sabi ko.
BINABASA MO ANG
LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)
FanfictionSiguro nga, walang rason kung bakit ako nagmamahal… Pero kung meron mang isa…. Ikaw lang ang dahilan, wala ng iba.