TRIY PLUS - KEVIN'S REASON PART 2

125K 759 81
                                    

I dedicated this chapter to Kevin Padilla!!! Guys may wattapd account siya!!!


PART 2

KEVIN’S POV

Nasa counter kami para bumili ng kape ng magtanong si Teacher Elaine. Malapit lang ang coffeeshop na pinuntahan namin sa school na pinagtatrabahuhan niya.

“Alam mo ba na studies shows na ang taong mahilig magkape ay ang mga taong palagi or madalas ma stress?” sabi niya.

Pwede rin pa-cool lang sila….” Sabi ko. Hindi ko man siya ay alam kong ngumiti siya at napailing.

Seryoso nga….palagi kang stress no??” sabi niya sa akin.

Oo, at mas naiistress ako sayoang dami mong tanong” sabi ko at ibinigay na ang kapeng kaabot lang ng crew.

Alam mo bang may alam akong lugar kung saan masarap inumin ang kape huh??” sabi niya sabay siko. Tumingin ako sa kanya.

 “Alam mo, tanggalin mo lang yang eye glasses mo magmumukha kang tao” sabi ko.

Ito napaka ano!...ano??tara??

San ba yun???” tanong ko.

Malapit lang …tara na!!” sabi niya at lumabas na kami sa coffeeshop.

Dinala niya ako sa isang abandonadong building. Akala ko naman legal kaming makakapasok sa itaas pero hindi. Para kaming batang nagtago sa guwardyang nagbabantay doon para lang makapasok sa loob.

The dark side of the public highschool teacher. Hanggang apat na palapag lang naman ang building kaya hindi ganoon kataas ang inakyat namin pero pareho kaming pinagpawisan.

Ng marating namin ang pinakaroof top ay agad niyang inilapag ang kape niya at tumakbo at nagpaikot ikot siya. Parang bata.

Oh diba? Maganda dito?? Nakakawala ng stress??” sabi niya.

Teacher ka ba talaga? Kung makapasabi ka kanina ng magandahng halimbawa ganon ganon na lang tapos-

Che! Hindi naman bawal ang ginawa ko…este natin….hindi lang natin pinaalam sa guard yung pagakyat natin dito..tsaka…halika na nga dito…dali!!!” aya niya sa akin. Hindi na niya ako pinatapos na magsalita.

Nagulat ako ng bigla siyang umupo sa may pinakadulong bahagi ng rooftop. Hindi natatakot??

Ayaw mo bang umupo?” tanong niya. Sinipat ko ang taas mula sa kinatatayuan namin hanggang baba. Napalunok ako. Pero dahil siya nga nakaupo na…sumunod na lang din ako.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon