CHAPTER 50
DANIEL’S POV
Nagising ako sa malambing na haplos ng mga kamay sa mukha ko. Pagmulat ko ay si Kath ang nakita ko. pag angat ko ng ulo ko’y napansin kong maliwanag na rin sa labas. Umaga na pala at nakatulog din ako.
“Sana humiga ka na lang sa couch”
“Mas gusto ko dito. Mas malapit, mas sigurado akong hindi mo ako matatakasan”
She pouted. “What do you want to eat?” I asked her. Pasagot pa lang siya ng dumating na ang pagkaing binili ni Kuya Karl. “Oh gising nap ala kayong dalawa” sabi nito at ibinaba ang mga pinamili sa may mesa.
“Alam kong hindi kumakain si Kath ng pagkain sa hospital eh kaya bumili na ako”
Magkapatid nga sila.
“Dj, tawag ka rin pala nung Doctor, sabi niya pwede na daw kayong magusap” sabi pa nito. “Hon, puntahan ko lang siya” sabi ko at I kissed her muna bago tuluyang lumabas.
Pumunta sa ako sa opisina ng Doctor ni Kath para kausapin ito. Mas gusto ko siyang makausap malayo kay Kath dahil alam kong marami na naman itong pag-angal.
“Mr. Daniel Padilla” nakangiti itong nakatingin sa akin. Mabuti naman at babae ang doctor dito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung lalake siya…baka maospital ang Doctor na yun kung nagkataon.
Nagshake hands kami at inoffer niya na maupo ako.
“Asawa mo pala ang pasyente ko”
Ngumiti lang ako.
“Kamusta ho ang lagay niya?”
“ng baby?”
“ng asawa ko?”
Ngumiti ang Doctor. “She’s okay….they’re both okay Mr. Padilla. Kailangan lang niya na magpahinga. Wag mo na muna siguro siyang papuntahin sa office. Bawal siyang mapagod ng sobra”
Tumango ulit ako. “At ipamonitor mo na rin siya sa OB niya” sabi pa nito.
BINABASA MO ANG
LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)
FanfictionSiguro nga, walang rason kung bakit ako nagmamahal… Pero kung meron mang isa…. Ikaw lang ang dahilan, wala ng iba.