CHAPTER 86
NIE’S POV
“Sabi ng mga Doctor, stable na ang lagay ng kapatid mo” sabi ni Mommy habang binabantayan namin si Kuya sa hospital.
Nakatitig lang ako sa walang malay kong kapatid.
“Nakausap mo na ba yung mga imbestigador? Sabi nila may foul play sa accident niya”
“Mom? Eh diba sabi nila nung una - ”
“Deannie, may nakakaaway ba ang kapatid mo dito?” I look at her. Alam kong nagaalala siya.
“Wala naman po”
Nakita kong umiyak si Mommy. “Mom….”
“I miss your borther. I miss him kahit na napaka-independent niya….he’s still my baby boy”
Bigla kong naalala ung time bago maaksidente si Kuya.
“Magpapark na” yon ang sabi ko sa kanya.
Pababa ako ng kotse ng biglang magdilim ang paningin ko at nung nagising na lang ako nasa ibang lugar na ako.
Isang abandonadong lugar. Madilim at isang ilaw lang na kulay dilaw at isang lamesa na may nakapatong na plato na may lamang pagkain ang nakikita ko habang nakatali ako sa isang upuan.
Hinanghina ako, may tali ang dalawa kong paa, nakatali patalikod ang dalawa kong kamay at may isang telang nakatali sa bibig ko.
Pinilit kong gamitan ang pwersa ko pero walang nangyayari. Nauubos lang ang lakas ko. Wala namang nangyayari. Maya maya ay nakarinig ako ng tunog ng takong.
Pilit na sumisigaw ang utak ko….para akong mababaliw.
Maya maya ay nakita ko ang anino ng isang babae. “Kamusta ka??” tanong niya.
Wala akong masabi kundi ungol lang..
Mas lumapit pa ang babae at sa wakas ay nakita ko na siya. Lumapit siya at tinanggal ang telang nakatakip sa bibig ko.
“Kamusta ka??”
“Pakawalan mo ako dito!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
Tumawa siya. “Relax….hindi kita sasaktan” sabi niya. Malambing ang boses niya o talagang nangaasar lang.
“Namiss kita” sabi niya.
Hindi ako sumagot.
Umikot siya sa kinauupuan kong upuan. “Binigyan kita ng chance na magpahinga pero nagulat ako nung malaman kong aalis ka na”
“Pakawalan mo ako dito!”
“Paano kung ayoko?”
“Ipapakulong kita!”
“Kaya mo? Huh?” mahigpit niyang hinawakan ang mukha ko ng isa niyang kamay. “Kaya mo??”
Hindi ako sumagot. “Alam kong hindi mo kaya. Diba magkakampi tayo?” sabay bitaw sa mukha ko.
“Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!”
“HA-HA-HA-HA”
“Pakawalan mo ako dito!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
“Wag kang atat....darating din tayo diyan”
“Baliw ka na, Patrisha Soliman” sabi ko sa kanya. Ibang iba siya kumpara don sa artistang kilala ng lahat. Yung Patrisha na nasa harap ko ngayon, walang make up at naka maong at black na shirt lang. Sobrang simple.
“Oo, baliw ako pero mas baliw ka dahil nakipaglaro ka sa baliw na katulad ko!” sabi niya sabay tawa ulit.
“Wala akong alam sa pinagsasabi mo!”
BINABASA MO ANG
LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)
FanfictionSiguro nga, walang rason kung bakit ako nagmamahal… Pero kung meron mang isa…. Ikaw lang ang dahilan, wala ng iba.