DANIEL’S POV
After two weeks sa wakas ay ito na ang last day ng workshop at bukas ay sasalang na kami sa unang taping day. Hindi na ako ganoon nakakasama sa banda dahil mas pinapaprioritize ng mga bosses ko ang acting projects ko. Medyo nakakamiss na nga rin ang mga kolokoy na yun.
“Are you ready for our first taping day tomorrow?” tanong sa akin ni Patrisha. Magkasabay kaming kumain ng lunch.
“Oo…and a little bit nervous” sabi ko. Ngumiti siya. “Kaya mo yan…kaw pa?!” sabi niya and she winked at me. I smiled.
Nagkukwentuhan kami ng nagulat ako ng may lumapit sa aming isang babae.
“Hi Ms. Patrisha, Mr. Daniel, pwede pong magpapicture?” bigla nyang sabi. Sinong security ang nagpapasok sa kanya? ngumiti si Pat at tumingin sa akin.
“Sure” sabi ni Patrisha at tumayo kami at nagpapicture. Nasa gitna si Patrisha namin ng babae. Pagkatapos ng ilang shots ay nagpasalamat ang babae.
“Super fan po ako ng DaSha. Grabe po nakakakilig po kayo” sabi niya. ngumiti kami. Well, sabi kasi nila paglove team kayo tapos sinabing nakakakilig kayo together it means lang na effective diba?
“Thank you” sabi ko.
“Grabe po hindi po ako makapaniwala na makakapagpicture po ako sa inyo. Bagay na bagay po kayo”
sabi pa niya.Nagtawanan lang kami ni Patrisha.
“Thank you po ulit” sabi niya. Pinatayo na kami ni Kc at pinapasok na ulit sa workshop room.
KATH’S POV
Bukas maguumpisa na ang taping day ni Dj. Grabe, nung makita ko yung taping sched niya eh halos hindi na magtatagpo ang mga schedule namin pero he promised me naman na he’ll make a way at pag nagpromise ang asawa ko, tinutupad niya.
Nagbabasa ako ng isang marketing report ng tumunog ang phone ko. It’s Julia.
“Hi Kathryn!!!!” bungad niya.
“Hi Juls…what’s up?”
“Are you busy? Let’s go out…miss ka na namin.” sabi niya.
“Hmmm…sure..saan??” naexcite naman ako. Medyo namimiss ko na rin kasi ang mga ito.
“Hmm..text ko sayo later, I’ll call Charms pa” sabi niya. nasanay na talaga kaming magtawagan ng CHARMS at hindi na nawala yon sa amin dahil parang hassle kung iisahin pa namin ang mga pangalan nila.
“Eh si Sab?” tanong niya.
“I’ll call her too” sabi niya.
“Okay…text mo ko…wala naman akong masyadong load today eh so I can go out anytime” sabi ko.
“At ikaw lang naman ang Presidente! Kanino ka pa magpapalaam?” sabi niya sabay tawa. Natawa na rin ako.
“Silly!!! Sige na, tawagan mo na sila” sabi ko at nawala na ang kausap ko sa kabilang linya. Natatawa ako sa mga kaibigan kong to, ilang taon na ang nakakalipas eh they are still the girls na nakilala ko nung highschool.
I decided na tapusin na muna ang binabasa ko habang iniintay ang tawag ni Julia. Hindi kami ganoon kadalas magkita kita dahil parepareho na kaming busy. Julia is busy with her cotuure company, si Yen naman ay meron nang mga salon chains all over Philippines, Kiray manages the business their family owns, advertising agency. Tapos si Sab naman ay isang Bank executive. We’re all busy pero hindi nawawala yung ties as girl friends.
BINABASA MO ANG
LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)
Fiksi PenggemarSiguro nga, walang rason kung bakit ako nagmamahal… Pero kung meron mang isa…. Ikaw lang ang dahilan, wala ng iba.