CHAPTER 48

103K 780 205
                                    

CHAPTER 48

PATRISHA’S POV


Mag-isa pa rin ako sa tent. Sinabi ko kay George na sa labas na lang ako bantayan at madali naman itong sumunod. Pumasok lang siya kanina nung nagpahingi ako ng tubig.

I advised someone na tawagan ako pagmay naganap ng maganda at hindi nga ako nagkamali. Maya maya lang ay tumunog na ang phone ko.

“Ma’am”



“Yes?”


“Sinugod na po siya sa hospital” sabi niya at ngumiti ako. “Okay…wag mo na akong tawagan. Ako na ang tatawag ulit sayo” sabi ko at pinatay ko na ang phone. Tumayo ako para puntahan ang phone ni Dj.


“Someone will call you soon…” hinawakan ko ang phone at hindi nga ako nagtaka. Kathryn is calling Dj na.


Tinanggal ko sa pagkakacharge ng phone. Nagiisip ako ng gagawin ng mahagip ng mata ko ang tubig sa basong binigay sa akin ni George kanina. “Kathryn, pasensya ka na…pero kailangang maligo ng phone ni Dj eh….better luck next time” sabi ko at tuluyang nilublob sa tubig ang phone.

DANIEL’S POV



 “PHONE OFF PLEASE!!!!” sigaw ni Direk before kunan ang shots ko. Mabigat ang scene ko ngayon pero sabi nila ito raw ang scene na pag hindi ko sineryoso ay pwedeng makasira sa career ko. Ganun kabigat? o mga exaggerated lang sila?

Next sa scene na ito ay si Patrisha na ang kaeksena ko. Kahit masama ata ang pakiramdam non ay magaling parin iyong umarte. Dati nga halos isumpa ako ng mga fans ni Patrisha dahil baguhan pa lang ako at sinabi pang I am using Patrisha’s stardome para sumikat din ako. Bilang isang actor, hindi lang pala dapat pagarte ang inaatupag mo. Dapat patunayan mo rin sa  mga taong karesperespeto ka, kaya hindi ko na pinatulan ang mga issue nayon kaya eto ako ngayon…marami na ring nagmamahal sa akin.



After ng isang cut ay lumapit na muna ako kina Kuya Mark. “Wag mong hanapin sa amin ang phone mo. Iniwan mo sa tent diba?”



“Hindi ko naman sinasabi. Bawal din naman eh….pero sinong tao sa tent eh ayan si Patrisha oh” sabi ko ng makita ko si Pat na naglalakad papunta sa kinaroroonan namin.


“Pat, sinong tao sa loob?” tanong ni Ate Osang.


“Wala po” sagot niya. Tumingin ako kay Ate Osang at madali naman siyang nagpaalam para kunin na lang ang phone ko. Mamaya kasi may text na ako mula sa pinakamaintin at pinakasensitive kong asawa.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon