PAGE ONE HUNDRED FOURTEEN
Mahigit dalawang linggo rin pala akong 'di nakapagsulat dito. Wala lang. Nakakamiss lang ang amoy ng Journal ko na 'to. Wala rin naman kasi akong maisusulat. Hindi ata naging productive ang isang buong linggo na 'yon. Puro lang ako school-bahay-school-bahay. Minsan kapag may free time nanonood kami ni Bebs ng K-Drama.
Mahigit isang linggo na rin pala ng mabalitaan ko 'yon. Mabuti na lang hindi na ako palaging tulala o nagkukulong sa kuwarto kapag naiisip ko siya. Mabuti na lang hindi na ako naiiyak kapag naiisip ko na sila na. Mabuti na lang hindi na ako nalulungkot kapag naiisip kong wala na talaga akong pag-asa. Mabuti na lang hindi na ako nasasaktan, kahit papa'no. Mabuti na lang nand'yan si Rinneah para pagaanin ang pakiramdam ko, patawanin ako kapag umiiyak ako o minsan sabunutan o kurutin sa sobrang kadramahan ko. Hay, I can't live without her.
Pati na rin pala si Remarie, Sera at Moni. Thank God, dahil may mga kaibigan akong katulad nila. Kahit medyo nasermunan sila ni Rinneah no'ng last Friday. Nito kasing nakaraang linggo, sa tuwing magka-kasabay kaming magrecess wala silang ginawa kundi tanungin ako kung kamusta na ako. Anong reaksyon ko doon sa nabalitaan ko. Basta lahat ata ng tanong tungkol kay Miro. Medyo weird. Ngayon ko lang kasi ulit naisulat ang pangalan niya. Hindi ko na kasi nababanggit kahit yung Pikachu. Pero palagi ko pa rin naman naririnig yon sa bawat sulok ng School. Lalo na nang kumalat ang balita na sila na ni Leandie. Halos lahat ng estudyante inaabangan silang dalawa.
Ako? Nope. Mas gusto ko pang magsulat ng tatlong pages ng manila paper, back to back kaysa panoorin ang PDA nila sa School. Sakit sa bangs. At iyon ang dahilan kung bakit gumawa ng challenge si Rinneah. Wala kasing ginawa sila Rem kundi usisain ako tungkol sa kay Miro at doon nabuo ang Don't Mention His Name Challenge na pinasimunuan ni Rinneah. Ganito 'yon.
Remarie: Lars, nakita si Miro at Leandie kanina doon sa bleacher malapit sa Building natin.
Sera: Me too! Nakita ko sila kahapon sa parking lot. Sumakay pa nga si girl sa kotse ni Miro e.
Moni: I saw them too. Sa Mall. Last Tuesday? No'ng sinamahan ko si Mommy mag-shopping.
Ako: Uhmm. . . (I don't know what to say)
Remarie: Simula nang kumalat ang balita hindi na sila mapaghiwalay dalawa. Ano'ng masasabi mo ro'n, Lars?
Moni: Do you still like him?
Sera: How 'bout Leandie? Do you like her for Miro?
Rinneah: Hey, girls. Stop it. Sorry pero ganito na lang ba palagi? Sa tuwing magkikita-kita tayo, yung Miro at Leandie na lang na 'yon ang topic? Palagi niyo na lang nilalagay si Larisse sa hot seat. Hindi niyo ba alam na sa bawat pag banggit niyo nang pangalan nila, nalulungkot na naman siya at nasasaktan. Kahit masaya siya bigla nalang siyang malulungkot. Oh yes, I'm her spokeperson. Medyo sobra na kasi. Medyo nakakarindi na rin ang pangalan nila. Sa bawat sulok ng School 'yon na ang topic, pati ba naman dito sa 'tin gano'n din? Gusto niyo ba na palagi na lang siyang malungkot?
Remarie: Hala, sorry Lars.
Moni: I'm sorry, Lars.
Sena: Me too. I'm so sorry. Hindi namin alam na nasa-sad ka pala dahil doon. Sorry.
Ako: (Bahagyang ngumiti) Okay lang. Sorry rin kung medyo sensitive ako. Ewan ko ba kung bakit ako ganito. Masyado akong nagpapadala sa emosyon ko.
Rinneah: Hayaan mo na. Maghihiwalay din sila for sure. Kasi nga lamporeber. Mga ilang months lang itatagal niyan. Hintay hintay lang. Then boom. Wala na. Tapos na agad. O ano? Pustahan pa tayo.
Me, Sera, Rem & Moni: Hahahahahaha!
Rinneah: Tigilan niyo nga ang katatawa diyan. Totoo naman yon. At may naisip akong challenge. Maganda 'to.
Ako: Challenge?
Remarie: Anong klaseng challenge yan?
Rinneah: Don't Mention His Name Challenge.
Napa-huh kami kaya in-explain na ni Bebs.
Rinneah: His. Of course si Miro. Bawal banggitin ang pangalan niya for 1 whole week. Gets?
Moni: What if, may nag-mention sa 'min. Kahit hindi naman sinasadya.
Rinneah: Challenge is a challenge. Kapag nabanggit niyo yon o natin yon, of course may consequence. Kung sino ang makakabanggit ng name ni Miro, bawal pumasok sa school for one week.
Napa-what?! kami nila Remarie, mabuti na lang tumawa si Rinneah. Kundi sinakal ko na siya. One freakin' week. Ang hirap.
Rinneah: Siyempre joke lang. Hahahaha. Ganito, kung sino ang babanggit sa pangalan ni Miro or Leandie, ililibre kaming lahat.
Sera: Kahit once lang mabanggit lahat ililibre pa rin? For example, na-mention ko accidentally yung name ni Miro. Then iti-treat ko kayong lahat kapag lunch break na?
Rinneah: Yes! Kapag twice mo na man nabanggit, of course times two ang punishment kaya 2 days kang manlilibre.
Remarie: Pa'no kung dalawa kaming nakabanggit ni Moni, so dalawa rin kaming manlilibre sa araw na yon?
Rinneah: Yes! So be careful para hindi maubos ang laman ng wallet niyo---este natin. Hahahaha. Including you, Bebs. You're not allowed to mention his name, okay?
Ako: Okay. Hahahahaha.
Rinneah: So sa Monday na tayo mag-i-start, kaya feel free to mention his name na dahil sa Monday, I'm sure hindi niyo na mababanggit yan. Hahahahaha. Oh wait. Kahit wala si Bebs sa harap niyo o natin, bawal pa rin banggitin. Maging honest tayo. Remember, God is watching us.
So ayun na nga, no'ng Monday pa nagsimula ang challenge na 'yon. First day K-Drama ang topic namin nang mabanggit ni Remarie, "Kamukha ni Miro yung bida diyan." Napatingin kaming lahat sa kanya at napatakip siya ng bibig. Pinagsisihan niyang binanggit niya yon, dahil mangiyak-ngiyak siya no'ng nilibre niya kami. Second Day, topic namin no'ng recess ay Hollywood Celebrities like Kendall Jenner, Kylie Jenner, Selena Gomez, Taylor Swift, Gigi Hadid etc. Sabi ko, "Ang guwapo ni Justin Bieber. Bagay talaga sila ni Selena. Jelena Shipper na ako." Ewan ko kung bakit nasabi ni Sera, "Sino mas guwapo si Biebs o si Miro?" Hindi niya agad narealize yung binanggit niya. Sabi tuloy ni Sera, "Oh Geez. Bakit ko nabanggit yon? Pahamak ka, Biebs!" As usual, nilibre niya ako. Iniipon pa naman daw niya yon dahil may dress siyang bibilhin. So sad. Sabi tuloy ni Bebs, "Maganda pala yung ganitong challenge. Tipid. Nakakabusog na, nakakalusog pa." Hahahahahahahype.
Mabuti na lang maingat ako sa pagbanggit ng mga pangalan. Nagtitipid pa naman ako ngayon, dahil malapit na ang birthday ni Mama. Balak kong regaluhan siya. Si Moni, dalawang beses niyang nabanggit ang pangalan ni Miro no'ng Third Day, kaya Third & Fourth Day nilibre niya kami. (puwede ko banggitin ang name ni Pikachu dahil tapos na ang game) No'ng Fifth Day, walang nanlibre. Lahat kami hindi nabanggit ang pangalan niya pati no Leandie. Maganda rin pala ang challenge na 'yon. Malaking tipid. Medyo nakakalimutan ko rin sila kahit papa'no.
Kahit papa'no dahil panandalian lang naman 'yon. Dahil sa tuwing naririnig ko pa rin ang pangalan niya, nasasaktan na naman ako. Kaya tuloy sabi ni Bebs;
Rinneah: Ano ngang sabi ko sa 'yo? Yung kanta ng Ex Batallion?
Ako: Uhmmm. . . .
Rinneah: Kalimutan mo na yan, sige sige maglibang 'wag ka magpakahibang, dapat ay itawa lang ~ ang problema sa lalake, dapat 'di iniinda ~ hayaan mo sila, maghabol sa 'yo di ba ~
Ako: Sana nga gano'n lang kadali yon.
Hays, naalala ko na naman tuloy siya. Pikachu kasi e! Lubayan mo na ako. May Leandie ka na, bakit hanggang ngayon ginugulo mo pa rin ang isip at puso ko.
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
JugendliteraturThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕