PAGE FIFTY-EIGHT
Tuwing Sunday ng gabi palagi kong sinasabi, "Monday na naman bukas. Makikita ko na naman si Pikachu. Yay!" Egzoited akong makita siya palagi. Pero hindi ako pumapasok sa school para lang kay Miro, a? Nag-aaral naman ako ng mabuti. Yes, kailangan aral muna bago landi. (Defensive talaga ako. Lol!)
Hindi nga ako nabigo dahil nakita ko siya kanina. Syet! Narinig ko kasing sabi ng isang kaklase ko, may training daw ngayon si Miro kaya manonood sila. Alerto talaga ako kapag naririnig ko ang pangalan niya. No'ng uwian dali-dali kong hinila si Rinneah sa Gymnasium para samahan akong panoorin si Miro nang patago. Umaangal pa nga si Rinneah dahil manonood pa raw siya ng K-drama. Nang sinabi kong ililibre ko siya ng mango graham shake, hinila na agad ako sa Gymnasium para raw makahanap kami ng magandang p'westo. Langya. 'Yon talaga ang kahinaan niyan, e.
Syet. Ang dami ngang nanonood. Training lang naman 'yon pero para may laban na si Miro. Nakaka-emeged nga, e. Bagay na bagay sa kanya 'yong puting uniform nila sa Taekwondo. Deym. Napaka-guwapo. Lalo na nang ngumiti siya. Syet! Napaka-smiling face ni Pikachu. Parang tumatalon nga ang puso ko kapag ngumingiti siya. ❤ Napansin ko rin na guwapo rin 'yong ibang Taekwondo Player na kasama niya. Pero iba, e. Mas nangingibabaw talaga ang kaguwapuhan ni Pikachu. Mas malakas ang dating niya. Sabi ko nga kay Bebs, "Guwapo 'yon, o." Ang sagot ba naman, "So? Mas guwapo pa rin si Deen." Hahahahahaha. Nagbagong buhay na talaga ang bestfriend ko. Stick to one na rin sa crush niya.
Napatakip nga kami ng tainga ni Beb nang magtilian 'yong mga babae malapit kay Miro. Mga pito sila at sabay-sabay nilang sinabi, "We love you, Miro!" Umismid nga si Bebs at sinabing, "Mga talipandas na 'to." Buti pa nga sila malapit kay Miro. Samantalang kami, nakatago ro'n sa gilid. I'm not like them. I'm not one of those girls seeking for attention. Sapat na sa 'kin na makita o mapanood ko siya kahit sa malayo pa. Do'n lang buo na ang araw ko. ₍ᵔ·͈༝·͈ᵔ₎
Natatandaan ko nga 'yong sabi ni Rinneah, "Ang hirap maging babae 'no? 'Yong tipo na 'pag may crush ka sa isang lalake hanggang tingin ka na lang. 'Tapos 'pag sinubukan nating gumawa ng move, magmumuka tayong desperada at cheap. Justice!" Napasagot tuloy ako ng, "Nakuha mo, Bebs. Tumpak!" Panay pa rin ang tilian no'ng mga babae sa unahan. Sa school namin, parang artista si Miro. Kahit saan may nakasunod sa kanya. Gano'n siya kasikat. Sumisigaw pa sila ng, "Gosh, Miro! Why so hot?", "Why so pogi? I'm so kilig!" Sumasagot naman si Bebs ng, "Why so landi? Pwe." Lalo na 'yong isang babae na mahaba at straight ang buhok, na sobrang iksi ng skirt at naka-red lipstick pa. Sabi niya, "Babe! I love you!" Nagngitngit ako sa inis no'n. Babe her face. Tsk. Si Miro naman, tumingin lang sa kanya at ngumiti. Iyon lang. Kahit kasi alam ni Miro na maraming nagkakagusto sa kanya sa buong campus, hindi siya snob tulad nang ibang lalake. Approachable siya at palangiti. Hindi siya nagsusungit o nagsusuplado. Deym. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit mas lalo ko pa siyang nagugustuhan. ❤
Nagulat nga ako no'n nang bigla akong hinila ni Rinneah at sinabing, "Doon din tayo sa harap. H'wag kang magtago d'yan. H'wag kang magpatalo sa mga 'yan." Wala na akong nagawa kundi magpatangay no'n. Lakas kaya ni Rinneah. Syet lungs kasi ang lapit namin kung sa'n si Miro nagte-training. Kitang-kita ko ang seryoso niyang mukha na pinagpapawisan na pero hot pa rin. (Jusko. Ang bata ko pa para sa word na hot na 'yon! (´°ω°') Nagulat nga kami nang magpahinga siya sandali, biglang lumapit 'yong babaeng makapal 'yong lipstick (Kasing kapal ng mukha niya!) Pinunasan ba naman ng pawis si Pikachu ko. B'wisit na 'yon. Sabi nga ni Rinneah, "Kilala ko 'yan, Bebs. Eileen Mercado ang pangalan niyan. Isama mo na sa padadalhan mo ng death threats." Tawang-tawa ako ro'n sa death threats. Langya talaga si Rinneah. Hahahahaha.
P.S. Sana mapanood ko rin si Miro na nakikipaglaban na talaga. (Pero! H'wag na lang pala. Nagbago na isip ko. Baka kung ano lang magawa ko sa kalaban niya kapag sinaktan niya ang Pikachu ko. Lol.)
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Novela JuvenilThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕