Page 45: MBNKM

0 1 0
                                    

PAGE FOURTY-FIVE

Syet. Ang saya saya ko ngayon! (May bago ba ro'n? Palagi naman ata akong masaya. Hahaha!) Una, buo na ulit kami kanina. Hindi na busy si Rem, Sera at Moni. 'Kuuu! Nakakamiss din pala ang kaingayan at kaharutan ng tatlong yon. Lalo na ang pamatay na tawa ni Remarie na kahit hindi nakakatawa 'yong jokes si Sena, napapatawa rin kami dahil tumatawa siya. (⌒o⌒)

Jusko. Nag-foodtrip nga kami kanina sa Caf. Nanlibre si Moni dahil namiss daw niya kaming dalawa ni Rinneah. Pangalawa, alam na nila na si Miro at si Pikachu ay iisa. Dalawa kaming nagsabi ni Rinneah. Ganito lahat ang reaksyon nila. ⊙o⊙ As in. Gan'yan talaga sabay sabing, "Oh my gosh!", "Hala! Hindi nga?!" at "Sabi ko na nga ba, e." Si Rem 'yong huling nagsalita niyan sabay ngiti. Para ngang hindi na siya nagulat. Nang tanungin ko kung bakit, sabi niya, "Habang kinukuwento mo sa 'min 'yong crush mong si Pikachu, may kutob na talaga akong si Miro 'yon kahit hindi ko pa nakikita. May similarities kasi sila at 'yong pagkaka-describe mo sa kanya, si Miro'ng si Miro, e." Grabe. Hindi ko alam na may pagka-observant pala si Remarie. So kewl! (´▽`)

Isa pa okay lang naman daw kay Remarie na crush ko rin si Pikachu dahil crush lang naman 'yon. Hindi naman daw niya pag-aari si Miro kaya wala siyang karapatan na pagbawalan akong na magkagusto rin kay Miro. Uh-huh. May point siya. Sabi pa nga niya, "Paghanga lang 'to at wala akong balak na umamin kay Miro. Para namang papansinin niya ako. Dami kayang nagkakagusto ro'n." Napatango na lang ako dahil may point siya talaga. Ako rin, e. Parang hindi ko kayang sabihin sa harap niyang, "Pikachu, I like you. Crush talaga kita." Hindi kaya ng apog ko 'yon. May sinabi pa nga si Remarie.

Remarie: Lars, kasali ka na rin pala sa MBNKM.

Ako: (Na-confused) MBNKM? Ano 'yon?

Remarie: Mga Babaeng Nababaliw Kay Miro(=´∇`=)

Ako: Syet na malagkit. Hahahahaha.

Mga pauso nila. May nalalaman pang MBNKM. Hahahaha. Lol. Pero ang kyot!
Pangatlo pala, sinamahan kong mag-grocery kanina si Mama. Nabola ko nga at binili ako ng isang garapong champola! Saglit nga lang nakalahati ko agad. But wait, there's more! Nakita ko kanina si Pikachuuuuu! (^ω^)

Akala ko nga namamalikmata lang ako. O baka sa sobrang pag-iisip ko sa kanya, nagha-hallucinate. Pero hindi! Homaygahd. Siya talaga! Bigla tuloy akong natulala. Pinigilan ko nga lang kiniligin dahil nakatingin na pala sa 'kin si Mama. Umiwas tuloy agad ako ng tingin at nagbusy-busyhan kunwari. Mamaya mahalata pa niya na may tinititigan ako. Deym! Ang hirap kayang magpigil ng kilig! Syet Pikachu! Why so guwapo? Mas lalo ka pang pumogi sa paningin ko. ♡

Nakita kong may tulak siyang push cart at may maliit at kyot na batang babae na nakasakay doon. Hindi ko nga lang alam kung kapatid niya o pamangkin o pinsan. But I'm 100% sure na hindi niya anak 'yon. (Oy! Ang bata pa ni Miro 'no!) Nakita ko nga na napapatingin sa kanya 'yong ibang nasa cashier na babae 'tapos nagbulungan sila at sabay sabay na kinilig. Ang lakas talaga ng appeal ni Pikachu! Kahit mga tanders kinikilig din. Iba ka, Pikachu. Iba ka. Hahahaha. Sana sa monday makita ko siya ulit. 

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon