Page 74: I Heart You

1 1 0
                                    

PAGE SEVENTY-FOUR

Homaygad. Hindi ako makapaniwala!!! Am I dreaming? Oh no. Hindi! Totoo 'yon! Huhuhuhuhuhu. Totoo talagang nangyari 'yon. Owemji! ㄟ (⊙o⊙) ㄏ

Hindi ko magawang kumalma. Nanginginig at the same time namamawis ang kamay ko habang nagsusulat dito. Hindi ako mapakali. Gusto kong magtakip ng unan sa mukha at magtitili! Syet. Kinikilig pa rin ako! Huhuhuhuhu. How dare you, Pikachu! It's all your fault.

Hindi pa nga ako gumagawa ng moves para mapansin niya ako. Wala pa. As in sulyap here, sulyap there, sulyap everywhere pa lang. Lol. Hindi na nga ako magugulat kung kakantahan ako ni Miro ng, "Pasulyap-sulyap pa ka sa akin, patingin-tingin sa akin~" Hahahahaha. Ikaw tadhana, a! Parang ikaw na ang gumagawa ng paraan para magkita kami ni Miro, a. Naku, umamin ka. Hahahaha.

Yes, nagkita kami ni Miro kanina. Hindi lang basta nagkita. Syet lungs. Paano ba pigilan ang kilig na 'to? Lechugas. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. Kanina kasi as usual, ginawa ko lang ang everyday routine ko, pumasok ako sa school. Konti lang ang ginawa namin (himala nga, e!) kaya papetiks-petiks lang kami sa room. Nagpaalam ako na magsi-CR. (Ako lang mag-isa. 'Di ako sinamahan ni Rinneah. Busy sa pakikipag-umpukan sa mga chismosa sa room. Pero okay na rin na hindi niya ako sinamahan. Sulit naman, e. Lol.) Pumunta pa ako sa kabilang building para mag-CR dahil ang haba ng pila ro'n sa isa. Deym. Parang pila sa NFA rice. Puputok pa naman na 'yong pantog ko at nasa kabilang dulo pa ng school 'yong isang CR ('yong iba kasi bawal dahil by strand at sila lang din ang puwedeng gumamit no'n.)

Nilikad ko 'yon. Sobrang init nga, e. Syet na malagkit. Pinagpawisan at hiningal muna ako bago ako nakaihi. Iniisip ko na no'n kung pupunta ba ako sa library o sa Caf para abangan si Pikachu pero pagliko ko sa hallway may nakabanggaan ako at nagka-inlaban kami. Dejoke. May mainit na likidong tumulo galing sa ilong ko. 'Kala ko nga tumalsik lang ang laway ko pero hindi, e. Akala ko rin sipon lang pero hindi naman ako sinisipon. Pagkapa ko, tiningnan ko ang kamay ko. Syet. Dugo! Dumugo ang ilong ko. Pati 'yong uniform ko natuluan pa. Wala akong dalang panyo. Naiwan ko pa sa bag. Sabi ko pa sa sarili ko no'n, "Leche naman. Ngayon ka pa dumugo kung kailan nasa school ako. Naman, o." (Gano'n talaga ako kapag sobrang naiinitan ako. Dumudugo ang ilong ko.) E, 'di ito na (Accckkk. Owemji!) hindi ako makabalik sa building namin. Dumudugo nga kasi ang ilong ko at nakatingala ako para hindi tumulo.

Nagulat ako nang may magsalita sa tabi ko. Sabi niya, "Miss, are you okay? You need help?" Awtomatikong napalingon talaga ako dahil sobrang pamilyar ng boses niya and gotcha, It's him! My eyes widened in shock. Hindi ko nga maikurap ang mata ko. Holy caramel. Nakakatulala ang kaguwapuhan ni Pikachu. My heart stop beating for a while. Hindi ako makapaniwala na kaharap ko siya. Para akong ipinako sa kinatatayuan ko. Ayaw mag-sink in agad sa utak ko. Syet. It's him! It's him! Hindi ako makapaniwala na tinatanong niya ako kung kailangan ko ng tulong. Gusto ko man sumagot ng, "Oo! Kailangan ko ng tulong dahil parang kakapusin na ako ng hininga ngayon. Oxygen, please! O kaya CPR." Nag-suggest pa. Hahahahaha.

Hindi ako nakasagot agad no'n. Speechless talaga. Namamawis ako sa sobrang kaba. Bumalik lang ako sa huwisyo nang iabot niya sa harap ko ang isang panyo at sabihin niyang, "Nagdudugo ang ilong mo." Syet lungs. Doon ko lang narealize na tumutulo na pala ang dugo ko sa ilong. Huhuhu. Nakakahiya. Nakita pa niya. Pero at the same time, kinilig ako. Binigay niya sa 'kin 'yong panyo niya. Tinanggap ko naman. (Aba! Siyempre, siyempre. Ako pa ba? Lol!)

Hindi pa nagtatapos do'n dahil habang nagpupunas ako ng ilong, titig na titig ako sa kanya. Syet. Parang ayaw ko na ngang kumurap. Ang sarap niyang titigan. Lumilipad tuloy ang isip ko. Parang may sinabi pa siya na hindi ko narinig. Napakunot pa nga ang noo niya. Deym. Ang haba ng pilik-mata niya at naka-curl talaga. 'Tapos kapag seryoso siya, mas lalong dumedepina ang malalim na dimple sa kaliwang pisngi niya.

Owemji! Nanghina ako nang humakbang siya palapit sa 'kin. Hindi ako makapagsalita lalo na nang sinabi niyang, "Sasamahan na kita sa Infirmary." Holy caramel. Pakiramdam ko tatakasan na ako ng hininga sa mga sandaling iyon. Halos manakit ang dibdib ko sa lakas nang kalabog ng kaniyang puso. Pero biglang dumilim ang paligid at umikot ang paningin ko. Napapikit ako at hindi ko na alam no'n ang sumunod na nangyari. 
Basta nang magising ako clinic na ako. Akala ko panaginip lang ang lahat pero pagmulat ko ng mata ko, lechugas! Mukha niya ang bumungad sa 'kin. Gusto ko nga sanang magtulog-tulugan pa. Hahahahaha. Echos lang. Tanong ko agad, "Where I am? Bakit ako napunta rito?" Sagot naman niya, "You fainted." Syet. Hindi ko alam na nahimtay pala ako. Siguro dahil sa sobrang init at sa sobrang kilig hindi ko kinaya. Hahahahaha. Epal nga no'n 'yong nurse dahil moment na namin 'yon pero bigla siyang dumating para i-check ako.

Buti na lang hindi pa nagtatapos do'n.
Nakatayo lang siya sa isang tabi at nakapamulsa pero syet. Bakit ang lakas pa rin ng appeal niya? Tahimik nga lang kami no'n 'tapos nahuli ko siyang nakatitig sa 'kin! Homaygash. Kinikilig na naman ako. Okay lang na malusaw ako, basta sa titig niya. Hahahahaha. Hindi ko nga alam ang gagawin ko. Natetense ako. Hindi ako mapakali sa titig niya. Parang gusto kong tumakbo at isigaw ang kilig na nararamdaman ko ng mga sandaling 'yon. Lalo na nang hawakan niya ang labi niya na parang nag-iisip at sinabing, "I think I've seen you before." Gusto kong sabihin na, "Sa wakas! Naalala mo rin ako, Pikachu!" Pero ang tangi ko lang nasabi, "Uh-hmm..." Deym. Where's my tongue? Nalunok ko ata nang mga sandaling 'yon.

Lechugas. Chance na 'yon! Iga-grab ko na sana ang opportunity para makausap siya pero may epal na naman na dumating. Isang estudyante na kaklase niya ata. Napatingin ulit sa 'kin si Miro at sinabing, "Pasensya na, kailangan ko nang umalis." Naglakas loob na akong sabihin, "Hmm, Miro. Thank you so much." Ang reward ko bago siya umalis? Isang napaka tamis at napaka guwapong na ngiti. Owemji! His smile, his killer smile with cute dimple, aacckk! I can die happy now! Hindi ko makalimutan sa ngiting 'yon. Nakatatak pa rin sa isip ko. ٩(๑˃́ꇴ˂̀๑)۶

Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako dahil tinulungan niya ako. Syet! Naglu-lundagan ang mga daga, ipis at paru-paro sa tiyan ko sa tuwing naiisip ko na binuhat niya ako. Binuhat ako ni Pikachu! Sana gising na lang ako para nasaksihan ko 'yon. Kaya lang baka himatay din ako sa kilig! Hahahahaha. Ang hirap pigilan nitong kilig na nararamdaman ko. Parang sasabog ang puso ko. Hindi ko tuloy namalayan na ang haba na nitong sinusulat ko at kailangan ko ng matulog. Hay, sana hindi na lang matapos ang masayang araw na 'to.

P.S. I heart you, Pikachu. Thank you for helping me! (⌒o⌒)

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon