Page 38: Good News

2 2 0
                                    

PAGE THIRTY-EIGHT


Good news! Homaygahd. Gusto kong tumili pero hindi ko magawa. Hindi puwede dahil una nasa school pa ako (sa room pala to be specific) pangalawa, nandito 'yong mga epal kong kaklase. Para akong nananaginip ng gising (nakatulala sa hangin ~ lol) Pero seryoso, gusto kong sampal-sampalin ang sarili ko sa mga oras na 'to para lang siguraduhin na totoo ang lahat. Ohmygosh! I can't believe it. I found him. ♡

Yes! Nahanap ko na ang Pikachu ng buhay ko. Nahanap ko na si crush! Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Gusto kong lumundag lundag sa sobrang kilig. Gusto kong ilabas 'tong feels ko. Pero wala akong mapaglabasan dahil wala ngayon ang bruhilda kong bestftriend ngayon. Absent, e. May LBM. Bumili ba naman ng isang malaking pack ng milo at pinapak habang nagmo-movie marathon kami ng DOTS! (Descendants of the Sun) Ayaw pa nga mamigay, e. Ayon, nag-LBM ang lukaret. Tinext nga ako kanina na hinang-hina raw siya. Sabi ko na naman, "Milo pa, Bebs. Gusto mo bili kita nang isang malaking pack?" Minura ba naman ako. Sabunutan daw niya ako kapag nagkita kami. Hahahaha. Asar siya, e.

Syet! Kinikilig pa rin ako at hindi ako mapakali. Kung wala lang ako ngayon sa room, kanina pa ako nagtitili rito. Kanina kasi break time no'n, dahil nga wala si Bebs, natiyempuhan pa na busy sila Remarie kaya mag-isa lang akong nag-recess. In other words, loner na naman ako. Balak ko nga sana na bumili lang ng pagkain at bumalik na agad sa room pero syet! Hindi ko mapigilan ang kilig ko. Parang may kung anong nagrarambulan sa tiyan ko at ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.

E, 'di nakita ko nga siya. Alam ko agad na siya 'yon. Kumabog ang puso ko nang makita ko siya, e. Slow motion pa 'yong pagkakabaling ko sa direksyon niya. As in my eyes widened and my jaw literally drop. Tumigil ang mundo ko nang makita ko siya. Parang hindi totoo. Parang namalikmata lang ako. Pero ilang beses akong kumurap. Holy caramel. Siya talaga 'yon. Siya talaga! Hindi ako puwedeng magkamali.

Medyo malayo siya sa 'kin at may kasama siyang dalawang lalake pero kitang-kita ko ang buong mukha niya. Kitang-kita ko kung pa'no siya tingnan ng mga estudyante sa Cafeteria ng mga oras na 'yon. Lahat ng babae kinikilig din. Well, hindi ko naman sila masisisi. Kitang-kita ko rin kung pa'no kumurba ang labi niya para ngumiti. Lalo na 'yong deep dimples niya. Sobrang guwapo niya talaga. ♡

Nang mga oras nga na 'yon gusto kong lumapit at sabihin, "Pikachu, do you still remember me? Ako 'yong soulmate mo. Ako 'yong babaeng nakatadhana sa 'yo." Pero siyempre echos lang 'yan. Asa naman na gagawin ko 'yon. Hahahahaha. Though hindi ko pa rin siya kilala at kung ano ang section niya, sapat na sa 'kin na nakita ko siya ngayon. Malalaman ko rin naman 'yon. Ha-hunting-in ko siya siyempre. Hahahahaha. Male-late na rin kasi ako sa next subject after recess kaya bumalik na ako sa room.

Basta sobrang saya ko ngayon. Lagpas langit. Echos! I can't explain. Para akong tanga na hindi mawala ang ngiti ko sa mukha. Pagpasok ni Rinneah, sasabihin ko 'yon agad sa kanya. Ngayon ko patutunayan na nage-exist naman talaga ang ubod ng guwapong crush ko. Hindi ako nae-engkanto, hindi ako nalipasan ng gutom at mas lalong hindi ako naghahallucinate, totoo talaga siya.

Totoo si Pikachu. ♡

O, siya, may quiz pa kami sa Earth Science, magrereview muna ako. Alam kong mape-perfect ko 'to. Nakita ko ba naman 'yong inspirasyon ko. ^● ⋏ ●^

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon