Page 123: Smile, Pikachu

1 0 0
                                    

PAGE ONE HUNDRED TWENTY-THREE

Mahigit dalawang linggo na pala ang nakakalipas, pero hanggang ngayon malungkot pa rin si Pikachu. (╥_╥)

Nakaka-guilty lang. Alam kong ginawa ko (o namin) naman ang tama. Para ilayo siya sa babaeng 'yon. Para hindi na siya mas mag-mukhang tanga dahil niloloko lang siya ni Leandie. Oo, pakialamera na kung pakialamera, mahal ko, e. Kahit alam ko na masasaktan siya sa gagawin ko, mas maganda pa rin na malaman na niya ang masakit na katotohanan, kaysa patagalin pa ang kasinungalingan ni Leandie. Para rin naman sa kanya ang ginawa kong 'yon. Hindi para sa sarili ko. 

Pero nakaka-guilty pa rin e. Oo na, paulit-ulit na 'ko. Ayan kasi talaga ang nararamdaman ko ngayon. Alam ko naman na nasaktan na siya, nand'yan na. Tapos na, nangyari na. Pero mas masakit pa lang makita na malungkot na nga siya, nasasaktan pa. Doble ang balik sa 'kin. Hindi na siya palangiti. Palagi na lang blanko ang mukha niya at para bang walang sigla.

Napansin ko nga, wala na rin siyang kasamang kaibigan tuwing breaktime (at minsan na lang din siya mag-lunch dahil siya lang mag-isa. Sana lang hindi niya ginugutom ang sarili niya) Siguro hanggang ngayon nagtatampo pa rin sa kanya ang mga ito dahil sa pagtataboy niya no'ng sila pa ni Leandie. P'wede rin na nahihiya siyang kausapin o lapitan ang mga kaibigan niya dahil hindi niya matanggap na tama nga ang mga ito. Niloloko lang siya ng babae na akala niya mamahalin din siya katulad ng pagmamahal niya rito. 'Yung babaeng pinag-ubusan niya ng oras at atensyon, pati na rin pala ng pera. 'Yon pala, akala lang ang lahat ng 'yon.

Mahirap. Alam kong sobrang hirap nang pinagdadaanan ngayon ni Miro. Hindi madaling bumalik sa dati. Hindi madaling ngumiti na parang wala lang nangyari. Mahirap naman talagang mag-move on. Hindi sa isang kisapmata, okay na. Hindi rin nabibilang sa oras, araw o buwan. Dahil minsan, inaabot pa ng taon bago maghilom ng sugat.

Kung kaibigan ko lang sana siya, gagawin ko ang lahat para mapangiti na siya ulit. Kung malapit lang sana kami sa isa't isa, kahit ano gagawin ko para maging masaya siya. Kaso hindi e. Ako lang naman 'tong umaasa na balang araw, mapapansin na niya ako ulit at matatandaan. Oo, inaamin ko na ginusto ko naman talaga 'yon e. Gusto kong maghiwalay na sila ni Leandie. Hindi dahil sasaya ako kapag ginawa ko yon. Hindi. Hindi gano'n yon. No'ng una nagdadalawang isip ako kung makikiaalam ba ako o ano but I realize, kailangan kong kumilos. Kailangan kong ilayo si Miro sa babaeng 'yon kahit mahirap gawin.

Sa totoo lang, kahit wala na. Kahit hiwalay na sila. Kahit single na ulit si Miro at malaki na ulit ang chance na maging magkaibigan at magkalapit kami, hindi ako masaya. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako hindi naging masaya kahit alam kong tama naman ang ginawa ko. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang din kasi naramdaman na kapag masaya ang isang tao, doble ang sayang nararamdaman ko. Kapag malungkot naman siya, sobrang nalulungkot din ako. At kay Miro ko lang 'yon naramdaman.

Hindi siya uma-absent kahit may pinagdaraanan siya. Halos lahat ng may gusto sa kanya inaabangan araw-araw kung maga ba ang mata niya? Umiyak ba siya? Ngumingiti na ba ulit siya? Masaya na kaya ulit siya? Pero gano'n pa rin. Wala kaming makuhang reaksyon. Blanko pa sa papel na hindi ko masagutan tuwing may surprise quiz dahil hindi ako nakapag-review. Mas matagal pa nga siya mag-training kaysa sa mag-stay sa room nila.

Gahd. I miss his smile. His killer smile. Kailan ko kaya ulit makikita 'yon? Miss ko na 'yung dating Pikachu. 'Yung palangiti. 'Yung masiyahin. 'Yung kahit sino kinakausap. 'Yung hindi snob. (Oo, medyo snob na siya ngayon. Gano'n talaga siguro kapag may pinagdadaanan.)

Haay, Miro. I know, magiging okay ka rin. Babalik ka rin sa dati. Makakalimutan mo rin ang Leandie na 'yon. Trust me. ฅ(≚ᄌ≚)

P.S. Ano'ng balita kay Leandie?

P.P.S. Ayon, tinorture ng mga fantards ni Miro. Hahahahah. De joke lang. Ang harsh naman no'n.

P.P.P.S. Pero humingi na rin siya ng tulong Guidance Office dahil may mga nagbabanta na raw sa kanya. Tinulungan naman siya ng mga ito at sinabing kapag may nangyari sa kanyang masaya, pananagutin at iki-kick out ang salarin/mga salarin kung estudyante man sa school.

P.P.P.P.P.P.P.P.P.P.S (Last na 'yaaaaan!) Ang kapal niya. Siya pa 'tong may ganang manghingi ng tulong dahil may nagbabanta na sa kanya at gusto siyang saktan? E siya nga 'tong unang nanakit! Oh deym. Sinaktan niya ang Pikachu ko.

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon