PAGE TEN
Goodbye baon. Goodbye na talaga. Totoo na ito. Hello walang kamatayang utos hahaha. Totoo naman, e. Ngayon na
bakasyon na. Utusan na naman ako sa bahay pero okay lang. Basta babawi ako sa tulog. Iyon naman ang gusto ko. Matulog nang matulog. Matulog forevs hahaha jk. Ayoko pa. Bata pa ako. Baka totohanin ni Lord, e.Katatapos ko lang pa lang maglinis ng buong bahay namin. Bawat sulok dapat malinis. Simula sa sala, kusina, sa banyo at sa mga kuwarto. Nilinis ko lahat kaya para akong hinabol ngayon ng kabayo sa sobrang hingal ko. Sabi ni Mama, OC raw ako. Ayoko lang naman na may makikitang magulo sa bahay o kahit na isang dumi. OC ba 'yon? Bakit ba ako nagtatanong, e wala rin naman sasagot lol. Pero kagabi pala mga 11:00 PM na ata akong natulog at 12:00 nn ako nagising. Tinapos ko pa 'yong ginagantsilyo kong wallet. Yep, marunong akong magantsilyo. Tinuruan ako ni Lola (side ni Papa) noong bata pa ako. Kapag gumagawa ako, malalaki at maliliit. Iba't iba ang kulay. Binibenta 'yon ni Papa sa mga kasamahan niya sa trabaho at 'yong pinagbentahan, siyempre binabalik pa rin niya sa 'kin or minsan naman hati kami. Kapag wala talagang pasok ito ang pinagkakaabalahan ko. Minsan umo-order din 'yung mga kaibigan ni Mama. Sa 'ming magkakapatid, ako lang ang marunong. Ako lang ang nagtiyagang matutunan ito pero minsan wala rin ako sa mood at tinatamad akong magantsilyo kaya natatagalan bago ko maibigay ang order nila. Libangan ko lang naman ito. Sideline lang habang wala pang pasok para na rin nakakaipon ako kahit papa'no.
Ngayon naman eto ako, pahiga-higa lang sa kuwarto. Gusto ko ngang lumabas at gumala pero wala naman akong pupuntahan. Sawa na akong matulog. Halos dalawang linggo na gano'n palagi ang ginagawa ko. Kabisadong kabisado ko na kahit nakapikit ang bawat sulok ng kuwarto ko. Kahit naman gumala ako, wala rin naman pala akong makakasama at wala rin akong pera. NBSB nga ako ngayon. No Baon Since Bakasyon. Kaiyak 'no? 'Tapos si Rinneah, wala. Umalis kasama pamilya niya. Nasa Laguna ata. Sinasama nga ako pero ang saklap dahil ayaw pumayag ni Mama. Ilang araw din kasi sila ro'n at ayaw ni Mama na mawala ako ng gano'ng katagal. Naintindihan naman ng Mama't Papa ni Rinneah. Sabi nga niya bago umalis, "H'wag kang malungkot, Bebs. Pasasalubungan kita ng tubig dagat, buhangin at bato." Sweet talaga ng Bebs ko. Sarap sabunutan. Pasasalubungan na lang 'yon pa talaga.
O, siya. Matutulog muna ulit ako. Sobrang sakit ng katawan ko sa pagod at isa pa. Hindi ako makanuod ng TV sa baba. May bisita kasing dumating si Mama. Kaya eto, nakakulong ako sa kuwarto't nagtatago. Ang hirap talaga kapag takot ka sa tao. (。-﹏-。)
BINABASA MO ANG
Love's Journal (Love Duo #1)
Dla nastolatkówThis journal belongs to Larisse Enriquez. 📕