Page 32: Finding Pikachu

2 3 0
                                    

PAGE THIRTY-TWO

One. Two. Three. Four. Five. Six. Seven.  Isang linggo rin pala akong hindi nakapagsulat dito. Matagal-tagal din pala. Nalulungkot kasi ako. Pikachu, where are you? I'm still waiting. ●︿●

Si Pikachu? Siya 'yong crush ko. Syet lang. Hindi ko kasi alam pangalan niya kaya Pikachu na lang tinawag ko sa kanya dahil sa cellphone case niya. Hinanap ko siya. Oo, sa isang buong linggo na hindi ako nakapagsulat dito ng mga ganap sa buhay ko, hinahanap ko siya no'n. Kasama ko si Bebs. Kinuwento ko na rin pala sa kanya lahat nang nangyari at kilig na kilig pa si Rinneah. Nagpasya tuloy kaming dalawa na bumalik kung sa'n ko huling nakita si Pikachu pero sa isang linggong pagpapabalik-balik namin do'n, ni isang bakas ni Pikachu na crush ko, wala kaming nakita. Nakakaiyak. (╥﹏╥)

Naalala ko nga 'yung sinabi ni Rinneah, "Sure ka ba d'yan sa crush mo na 'yan, Bebs? Baka nae-engkanto ka lang. Ilang beses akong bumalik dito wala naman guwapo, e." Oo. Lecheng Rinneah na 'yan, inunahan pa 'kong hanapin. Sa kasawiang palad hindi rin naman niya natagpuan. Baka nga raw dala lang 'yon ng gutom o baka nagha-hallucinate lang ako no'n. Pinagtatawanan tuloy ako ni Bebs at baka akala niya imbento ko lang 'yon para lang may ipagyabang akong crush kong guwapo. Tawang-tawa pa nga 'yan nang sabihin kong Pikachu ang tawag ko kay Kyah. Pero totoo talaga 'yon. Totoong tao si Pikachu. Maniwala man siya o hindi. (︶︹︺)

Rinneah: Minsan ka na nga lang magka-crush, 'di mo pa mahagilap. Suck laugh, Bebs.

Ako: Leche. Nang-asar ka pa. (눈_눈)

Rinneah: Hanapin mo kaya si Ash.

Ako: Ano'ng gagawin ko sa Ash na 'yon?

Rinneah: Gusto mong makita si Pikachu mo 'di ba? Kapag nahanap mo si Ash, mahahanap mo rin 'yan si Pikachu. Pokemon niya 'yon. Ano ka ba. ٩(͡๏̯͡๏)۶

Ako: Hay nako, Rinneah. Kausapin mo na lang kapag matino ka na. (-‸ლ)

Rinneah: (Nalagutan ng hininga katatawa)

Tama si Rinneah. Ang malas ko naman. Minsan na nga lang ako magkaro'n ng crush ta's ganito pa ang nangyari. Hindi ko na mahanap. Hindi ko pa kilala. Sobrang saklap nga talaga.

◾◾◾

Dear Pikachu,

Alam kong magkikita pa ulit tayo. Hindi pa 'yon ang huli. Oo nananalig ako. Kaya sige na, magpakita ka na ulit, o. Ang hirap kayang maghanap ng taong 'di mo alam ang pangalan. Bakit ba kasi 'di ko inalam ang pangalan mo, e. Pero hayaan mo na, hihintay pa rin kita. Dadaan pa rin ako do'n sa pinagbabaan mo at baka sakaling makita na kita. ♡

Umasa, umaasa at aasa pa rin,
Larisse (❀╹□╹)

Love's Journal (Love Duo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon